MISS TRANSFEREE
“RAMDAM KO NA, PRE.” ani Seven.
Lahat kaming anim ay napatingin sa kaniya. Nagkatinginan naman si Primo at si Jonas. “Anong meron?” tanong ni Primo kay Seven.
“Ramdam ko na nalalapit na naman ang hell week.”
Lahat ay napabuntong hininga maliban kay Adrian at Marcus, at siyempre ako.
“Ang lakas ah.” Tinutukoy ni Marcus ang pagbuntong hininga nila. “Ganʼyan ba talaga kapag mahilig mag-clutch sa school works?”
“How could you?” Andy whined.
“Palibhasa kasi mga may ka-partner sa event e.” mapagpanggap na bulong ni Primo kay Andy.
“Itʼs a flex.” I smirked. “Happy talaga ang valentineʼs.” asar ko pa sa kanila.
Tumayo si Jonas, “The tea is served guys.” malakas na sabi niya. Saktong lakas lang na kami kami lang na magkakaibigan ang makakarinig. Nakakahiya pa naman kung maririnig ng iba rito sa cafeteria.
Kumunot ang noo ko. “Anong tea, Jonas?” tanong ko sa kaniya. I somewhat feel like I know what it is.
Suspicious, huh.
“Jonathan Smith.” bigkas ni Adrian. Then Jonas zips his mouth out of authority that Adrian holds. “Studio, everyone. Now.” dagdag pa ni Adrian.
...
“SUCH A BUZZ KILL, ADI. Thatʼs not cool.” pagnguso ang unang ginawa ni Jonas nang makapasok kami sa studio.
“So ayon nga.” panimula ni Seven sa usapan. “Ikwento mo na, Jonas.”
“Pinag-uusapan ka nila simula noʼng nalaman nila na partner mo sa event si Ashley.” bulong ni Marcus sa akin. Hindi malalaman ng mga kaibigan namin na ibinulong na agad sa akin ni Marcus dahil hinarang niya ang kaniyang kamay sa tainga ko.
Puminta sa mukha ko ang gulat. So thatʼs what this is all about.
Lumipat sa tabi ko si Seven saka siniko ako. “Partner mo pala si Miss transferee, huh?” tukso niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at umiling. “Oh ano naman?”
“Nililigawan mo?” tanong ni Primo. Dedepensahan ko na sana ang aking sarili nang sinundan ito ng panibagong tanong.
“O kayo na?” dugtong ni Andy.
Grabe ang pagkabatak nila sa tsismis. Dinaig pa ang mga babae.
I sighed. Masyado na akong naha-hot seat. “I donʼt even like her.” sabi ko na lang.
I couldnʼt afford them getting the wrong idea. But even if they do, I would still be grateful because the conversation we had about will stay within our circle only. They would never spread that news.
“Whatever.” Jonas sulked. Whatʼs with him.
“Lugi sa ʼyo, Cyrus, wala na kaming pagtsi-tsismisan. Hay...” bagsak ang balikat ni Seven. Suspicious, huh?
Habang tumatagal natutulad na si Seven kay Jonas. Theyʼre both nosy.
It was just a quick catching up with these men. Pumunta kami rito sa studio para lang talaga pag-usapan nila ako.
...
“CYRUS!” malakas na boses ng babae ang narinig ko sa dulo ng hallway. Nang lumingon ako, nakita ko si Ashley na kumakaway.
I waved back at her. At a second, akala ko hanggang doon lang ang interaksyon namin. But then she walked towards me when I was about to enter my classroom.