WORRY ISSUES
“LETʼS TAKE A SHORT BREAK.” I said to Ashley. It was for a very selfish reason.
I was spacing out and I tried to control my mind but it wonʼt listen to what I want.
Pumunta kami ni Ashley sa pool area ng bahay namin. I brought her here tulad ng napagplanuhan namin kanina sa campus. Naupo ako sa gilid ng pool at inilusong ang paa ko. Hindi naman ganoon kainit ngayon, nasa lilim din ako nakaupo kaya naman ay presko ito sa pakiramdam.
Humiga ako habang ang mga binti ko ay nasa pool pa rin. Ipinikit ko muna ang mata ko para tuluyan kong maikalma ang sarili ko.
Naramdaman ko ang presensya ni Ashley sa tabi ko. Hindi ko idinilat ang mata at hinayaan lamang siyang tumabi sa akin.
“Ayos ka lang ba, Cyrus?” tanong niya.
Napukaw ng tanong na iyon ang atensyon ko. I tried to not think about anything that could ruin interrupt my relaxation at the moment.
It would be so rude of me to neglect someone who was deeply worried towards me. Who wouldnʼt be worried when you are with someone whoʼs getting his head empty at a time where he needs a lot of focus?
“To be honest...” I huffed a loud breath. “I donʼt know.”
“Kanina ko pa napapansin na parang may bumabagabag sa isip mo. Ano bang nangyari?” dagdag niya.
Ipinatong ko ang ulo sa parehong bisig ko saka tumingin sa kaniya. “You wouldnʼt understand.” bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ang bakas ng pag-aalala sa mukha niya. Mukhang gusto niya akong tulungan sa kung ano mang problema ko pero hindi niya alam kung sa paanong paraan. Pinikit ko na lamang ulit ang aking mata. “Donʼt mind me, magiging ayos din ako mamayang kaunti.”
I feel bad after saying those to her. But really, I canʼt just make up an answer or rather, a valid reason. Also, I donʼt want to involve her with my insane worry issues.
“Suit yourself.” tanging nasabi niya. I could hear intense awkwardness coming from her.
Inayos ko ang paghiga ko. Tumagilid na lamang ako nang sa ganoʼn ay hindi niya makita ang kung bakas ng pagkabalisa sa mukha ko. I really donʼt know what to do.
Is this because of Haze?
Ano na ba kasing nangyayari sa kaniya ngayon? She hasnʼt called me back yet. Neither did she text that she was busy or something else. It was never normal for me to overthink.
Simula noong umamin ako sa kaniya ng nararamdaman ko, naging ganito na ako. Hindi ko siya sinisisi pero napakawirdo sa pakiramdam. Do you plan to take my sanity away from me, Haze?
...
MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO, tumayo na ako. Hindi para bumalik na ulit sa practice, kundi para kunin ang aking cellphone. Baka ngayon ay may texts na si Haze, o di naman kayaʼy missed calls.
I expected nothing more. Kaya naman nang buksan ko ang cellphone ko, hindi na ako nagulat na wala akong makitang kahit ano na galing sa numero niya.
“Youʼre up.” Nakangiting lumapit sa akin si Ashley.
“Letʼs go back to practice.” ngumiti ako pabalik sa kaniya kahit hindi totoo ang aking ngiti.