Chapter 9

166 1 0
                                    

Thursday afternoon when I heard that my brother has visitors.
Nag ayos agad ako ng sarili at nagmamadaling bumaba.
Nahagip agad ng tingin ko si Alec kumaway ito sakin at ngumiti. Katabi nito si Christoff at tumango sakin nang makita ako.
Sinuklian ko naman ito. I looked around but found no one else.

I felt disappointed suddenly.

He isn't here...

Natulala ako sa sahig when I realized my reaction. Why would I dress up? Bakit ako nagmamadaling bumaba? At bakit ako disappointed ngayon?

"How are you Daisy? I haven't seen you these days." Sabi ni Alec kaya napatingin ako rito.

I forced a smile. "I'm fine Alec. You?"

"I'm fine. As always. Why don't you sit?" Nakangiti nitong sabi.

Umiling naman ako sa kanya at tumawa.
I usually do that... before.
Hindi rin naman ako magtatagal. I thought.

"He's been busy with his girls." Rinig kong sabi ni Cristoff.

Siniko naman ito ni Alec. "Shut up man! Andito si Daisy lagot ka kay Raven!" He whispered but I heard it anyway.

Paalis na sana ako nang may maisip.

"Where's Mama Arianne?" Tanong ko kay Cristoff.

"Oh you didn't know? They went shopping, with your Mom and Charlotte."

"I see... And Archer?"

"He has business to attend to. Sa pagkakaalam ko sa Monday pa ang balik niya." I nodded.
Nagpaalam na ako sa kanila.

Sa Monday pa siya babalik?

Why didn't he tell me?

Does it mean... Hindi kami magkikita bukas?

"Oh bat ganyan itsura mo?" Nass harap ko na pala si Lily ngunit di ko napansin.

Napansin kong nakabihis ito. May lakad ata.
"Where are you going?" I asked her.

"Kila Riela."

An idea came to my mind. "Anong oras ka uuwi?"

"Oh gabi na. Before midnight. Birthday ng Kuya niya, I was invited."

My mood changed suddenly. "Really?! Then! Can I go with you?! Sa bookstore lang ako. Pag uwi mo sure naman na tulog na sila so you don't have to wait for me. Mauna ka na." Sabi ko.

A mischievous smile slowly crept into her lips. "Alright."
Mabilis akong nagpalit ng damit.

Ni hindi man lang nagtanong si Lily kung saan ang punta ko. She waved goodbye nang maihatid na ako sa book store.

Oh right! Kailangan ko palang maghanap ng masasakyan. Walang susundo sakin!
Nag ikot ikot ako sa paligid at may nadaanang carriage na nakaparada sa labas ng isang Bakery store.
May lumabas mula roon at nakita kong may bitbit itong mga pinamili.

"Uhm excuse me..." lumingon sakin ang babaeng halos kaedad ko lang.

"Ah tanong ko lang kung madadaanan mo ba ang Moon lake?" Tanong ko rito.

Nagtataka naman itong tumitig sakin. "Oo. Malapit doon ang mansion na pinagta trabahuan ko."

I held her hands. "Pwede ba akong makisabay?!"
Namula naman ang mukha nito at tumango.

Tumingin ako sa relo na suot ko. Twenty minutes ang biyahe papunta sa rest house.
Ngunit sa lake ako bababa. Lalakarin ko na lang mula doon paakyat ng rest house. Saglit lang naman iyon. Mga ten minutes siguro.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Moon lake. Bago ako bumaba ay nagpasalamat ako rito at inabutan ng pera ngunit tumanggi naman ito.
Mula doon sa lake ay may gubat na dadaanan bago makapunta sa rest house. Malayo pa lang ay kita ko na ang malaking gate noon.

Sikat ang araw at tumutulo na ang pawis ko sa mukha ngunit wala akong pakialam. Masaya akong makabalik rito. Sinabi naman niya na pwede akong pumunta rito anytime ko gusto.
At dahil mukhang hindi kami magkikita bukas, pumunta na lang ako rito. I don't understand why I'm acting this way pero ayaw ko nang masyadong isipin.
Kinuha ko ang mga susi mula sa bag na dala ko. I opened the gate at naglakad na papasok.

A familiar sweet scent filled my nose. And I can't help but smile.
Hindi muna ako pumasok ng bahay. Instead dumiretso ako sa field.

What a beautiful view... I wish I could stay here...

Napahiga ako roon at tumingala sa langit. My brow's furrowed when the sky seems different but also the same.

I shook my head and close my eyes instead. I stayed there for a long time. The warm breeze touched my skin. I opened my eyes to see dandelions flying around. I remember when I was still a child.
Lily and I often make wishes everytime we see dandelions.
I smiled at the memories. Should I wish? I closed my eyes and I saw Archer's face. Mabilis akong nagmulat ng mata at napaupo.

"What was that?" I asked myself but I found no answer.

Napag desisyunan kong pumasok na nang bahay. Sumilip ako sa kitchen at nakitang malinis na ito.
Umakyat akong hagdan. There are four rooms on the second floor. One is Archer's room. Nilampasan ko iyon at binuksan ang sunod na pinto. His office.
Ang kasunod naman ay Library. Tama lamang ang laki nito. The glass windows are bigger than Archer's room kaya maliwanag sa loob.
I'll come back here some other time.

Binuksan ko ang huling pinto. Guest room.
So that's it...

Tatalikod na sana ako nang mapansing may maliit na hagdan pa paakyat. Nasa tagong gilid ito kaya di masyadong mapapansin.

Akala ko hanggang second floor lang to?

Umakyat ako at sa dulo noon ay may isang pinto.
I pushed the door open but it was locked.
Napatingin ako sa susing hawak ko. There are seven keys.
At tingin ko isa sa mga ito ang susi para dito sa naka lock na pinto.
I am really tempted to open the door pero mas lumamang ang pag isiip ko na wag ito buksan. It must be lock for some reason. At pangit naman kung bubuksan ko ito nang hindi nagsasabi kay Archer right?

Maybe I'll asked him later...

Waves of Ecstasy Where stories live. Discover now