A message from the Author

147 0 0
                                    

Hi everyone! Thank you for reading this story until the very end. I know maraming kulang and sorry na agad sa mga wrong grammar. Mahirap din para sakin na gumawa ng 18+ scenes na purong tagalog. 🤣
Kaya taglish talaga. Anyway pag pasensyahan niyo na, I hope naintindihan niyo pa rin. 🙏🏻

I also want to share. Writing isn't my passion. Honestly naiingit ako sa mga taong may specific na passion talaga. Like kapag maganda boses, singer. Magaling sumayaw, dancer and etc. Yung ganon? Ako kasi walang ganon. Parang kaya ko gawin ang kahit ano basta gustuhin ko. Kaya ang nangyayari ang dami kong gustong ma experience. Na feel ko minsan, hindi ako belong sa kahit saan. Para akong hangin na saan saan napupunta, walang permanenteng direksyon.

Kaya nakakapagsulat ako dito pag trip ko lang talaga. May mga story pa ako na nauna dito pero di ko pa din tapos. Sa totoo lang malawak imagination ko. Lagi bago matulog nag i imagine talaga ako. Dun ko nakukuha yung mga story na sinusulat ko. Nilalagay ko pa yan sa notes.

My favorite genre is Fantasy. Siguro ganoon ko na lang talaga gusto takasan ang reyalidad. Hahahaha
And I'm using my imagination bago matulog para na rin tumakas kahit sandali lang.

Aware ako madami pang kulang sa story ko. Lalo na yung mga detail sa totoo lang hirap akong imagine-nin.
Siguro na rin kasi taong bahay ako? May mga pagkakataon na parang gusto kong makawala, kung saan, hindi ko alam.
At siguro kasi hindi rin ako ka passionate para mag research din no?

But still I'm happy. Sa phone lang ako nagta type kaya ngawit talaga. 🤣

Bakit ako nagsusulat?

Yun nga this is my escape.
Trip ko lang.
At isa pa mga what ifs.

What if iba yung decision ko?
What if iba yung situation ko?
What if ganito ang nangyari sakin or what if ibang tao ako.

May mga part sa story na nailalagay ko ang sarili ko.
May mga part na tinutukoy ko mismo yung sarili ko.
May mga part na ni wish ko na sana, sinabi ko or ginawa ko o di kaya na experience ko. Lalo na tungkol sa....👀😩🤣

May mga hindi kayo makikita sa mga story na ginawa ko like:

-Very toxic ml's/fl's. (Kung masama man ugali nila sa umpisa I make sure na valid iyon at hindi lang nila trip.🤣 Plsss isa ako sa mga naiinis sa ibang author or story na ni no normalize yung pagiging red flag or toxic ng story or character. Kawawa naman younger generation kung maitatatak sa utak nila na ok lang ituring na basura basta ba't mahal mo at gwapo, mayaman at masarap. Leche. Hahahaha. Oy mahilig din ako magbasa ng manhwa, manhua, manga, novels and bl🫣. Skl. Hi mga kapwa!!!😂)

-Rap3d and the likes. (Hindi rin ako nagbabasa ng mga ganito kasi na ti trigger ako. Kung meron man sa story ko, ano lang siya kamuntikan. Ganon. Hindi matutuloy, di ko talaga keri. Hindi ko matatanggap. I feel for those na naexperience ang ganito. Thank you dahil pinili niyo pa ring magpatuloy sa buhay sa kabila ng lahat. 🫂 You deserve all the love. 🤍 M@matay na lahat ng mapagsamantala! )

Wala na akong masabi. Haha
Sige matutulog na ako grabe pinuyat ako ng anak ko.

Thank you so much ulit! 💋🤍

Naway mabuhay tayong lahat ng matatag at tunay na masaya! Kung hindi man ngayon, puhon! 🤍🤍🤍
(At maraming pera~~~)🤣

Waves of Ecstasy Where stories live. Discover now