Chapter 5:

367 27 5
                                    

Roni's Point of View

Ano ba 'tong si Borj? He probably thinks I don't notice him staring at me. Buti nalang nakakatawa 'tong pinapanood namin, kaya kahit papaano hindi ako naiilang. Kulang nalang matunaw na ako sa pwesto ko, dahil sa titig niya.

May binulong si Kuya sakaniya, pero hindi ko narinig. Napansin ko pa na nag-iba ang expressions niya, Oh well, I better not look at him anymore, I might get caught.

I feel like the stress melted away because of what we're watching. Filipino comedians are truly the best.

Hanggang sa matapos ang pinapanood namin, hindi ko na ulit napansin na tumingin pa siya sa pwesto ko. It's strange, and we didn't argue while watching.

"Natapos din, so ano balak mo Borj?" tanong ni Kuya.

"What plan?" balik na tanong ni Borj, na parang nalulutang pa. "Tapos na yung pinapanood natin." Sabi ni Kuya.

"Oh, then I guess I'll go home?"

"Bat parang hindi ka sure, wala ka pa balak umuwi?" balik tanong ni Kuya. I just sighed because they can't seem to finish their conversation. "Pinapauwi mo na ako?" tanong ulit ni Borj.

Napakamot nalang sa ulo si kuya, dahil lutang talaga kausap si Borj. "Kuya! ang unggoy, mukhang kailangan ng saging. Masyadong lutang, baka gutom ulit" pagpaparinig ko, pero walang epekto 'yon kay Borj.

"Hey Borj, are you okay?" nagtatakang tanong ni Kuya. "Oo naman. I'll go home now," pagkasabi niya ay dali-dali siyang lumabas ng bahay. Hindi na siya hinabol ni Kuya dahil ang weird ni Borj.

"Anyare sakaniya?" tanong ni Kuya saakin. "Well, I have no idea." Tanungin ba naman ako, kahit nga ako nagtataka. Umakyat na ako sa kwarto ko, dahil wala naman na akong gagawin.

Yuan's Point of View

Borj is acting weird today, and what's worse, I saw him staring at Roni, my sister. Ngayon ko lang nakita si Borj na ganun tumingin kay Roni, parang may something e. Ah basta hindi ko maipaliwanag.

Mabuti pa puntahan ko nalang si Borj, siya lang makakasagot sa tumatakbo sa isip ko.
Magkalapit lang naman kami ng bahay, kaya mabilis ako nakarating sakanila. Naabutan ko siyang nagdidribble ng bola niya.

Wala na ata 'to sa katinuan. Nakaupo habang pinapatalbog ang bola, tulala pa ang loko. "Hoy, layo ng tingin mo ah" napatingin naman siya saakin, at lumapit siya sa pwesto ko. Binuksan niya ang gate nila at papasukin sana niya ako, pero pinigilan ko siya.

"Borj hindi ako papasok, ikaw ang lumabas dito." kahit nagtataka ay binitawan niya ang hawak niyang bola at lumabas siya.

"Anong meron?" nagtataka niyang tanong.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, anong meron? Bakit ka nakatitig ka sa sister ko kanina?" balik kong tanong sakaniya, kumunot naman ang noo niya at umiwas siya ng tingin saakin.

Tsk. I know Borj has a secret.

"Wala naman pare, naiirita kasi ako sa pagtawa niya kaya napatingin ako sakaniya." Pagpapalusot niya, syempre hindi naman ako pinanganak kahapon, para maloko ni Borj.

"Borj, fool everyone else, but not me. Wag lang akong nakasaksi, kung paano ka tumingin kay Roni kanina. Kaya sabihin mo na saakin." Pangu-ngumbinsi ko sakaniya, malay niyo magsabi siya ng totoo.

"Wala nga pare, promise," wika niya.

"Wala pero hindi makatingin sa mata ko? Nako Borj sinasabi ko sa'yo, kapatid ko yung pinag uusapan natin dito ha." Kunwaring seryosong wika ko, napatingin naman siya saakin at nawala ang kunot sa noo niya.

The more you hate, The more you love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon