Chapter 12:

393 37 9
                                    

Borj's Point of View

When I arrived home, I couldn't help but think about what happened earlier. Both the expected and unexpected.

I expected us to win because we usually do, and basketball is really my thing so I give it my all. But it was unexpected for Roni to show up. I really didn't expect her to come.

Nagprepare din siya for me, sobrang saya ko kanina lalo na naririnig ko yung sigaw niya.

LOVE. Ang sarap pakinggan.

Ang swerte ko dahil naakbayan ko at nayakap ko siya. Wala namang malisya or what.

I was just really happy, and I feel like Roni feels the same way too.

Kahit naggagalit-galitan siya, napapansin ko na natutuwa siya sa setup namin. Kunting panahon pa talaga, magiging okay na talaga kami.

"Mukhang masaya ang apo ko? Dahil ba 'yan sa basketball?" nakadungaw sa kwarto ko si Lola. I approached her to kiss her on the cheek.

"Lola nanalo po kasi kami sa basketball, bukas po ay final round na." Nakangiti kong sagot.

Ang sakit na ng panga ko kakangiti, hindi ko kasi mapigilan.

"Dahil nga lang ba sa basketball?" panunukso ni lola.

"Lola naman, symepre naman po." Tsaka ko na sasabihin yung about kay Roni, pag may kasiguraduhan na okay na talaga kami.

"Naniniwala naman ako sa'yo apo, medyo hinuhuli lang kita. Baka kasi dahil na 'yan sa crush mo hahaha."

"Kayo po talaga Lola, masaya lang po ako kasi nanalo kami. Don't worry Lola, pag okay na kami ng crush ko iku-kwento ko agad sainyo ni Lolo."

"Alam mo apo, binata kana talaga. Tara nga dito, pahalik nga sa pisngi ng apo ko" lumapit naman ako sakaniya, hinalikan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Lola, please don't do that when my friends are around. Medyo nahihiya na po ako, kayo na nga po nagsabi binata na ako."

"Aba-aba nagrereklamo na ang baby Borj namin." Panunukso niya.

"Lola naman e" napapakamot nalang ako sa ulo dahil sa kakulitan ni lola.

"Osiya maiwan na kita diyan, magbihis kana. Hindi mo manlang naisip mag bihis kanina ng damit mo. Pawis na pawis ka."

"Sige po La." Bumaba na si Lola at ako naman ay naghanap na agad ng pamalit na damit. Kailangan ko din pala maligo muna, sobrang lagkit ko.

Pagkatapos ko ay naisipan kong tawagan si Roni, kaso hindi siya nasagot. Sayang naman. Baka nakatulog siya, nakakapagod ngayong araw.

No matter how tired I was from our game earlier, I couldn't even feel sleepy.

Ganito ata talaga pag sobrang saya, lahat ng pagod napapalitan. Ang cheesy pakiramdam pero ayon kasi ang nararamdaman ko.

Napatingin ako sa wallpaper ko, ito yung time na hindi talaga kami ayos ni Roni. Nasaktuhan na maganda yung tama ng araw.

Alam ko na nakita na niya 'to noong Friday, and I'm sure na curious na siya kung sino ba 'tong girl na nasa wallpaper ko.

Try ko nga ulit siya tawagan.

Nakailang ring din, bago niya sagutin.

"Hi" nahihiya kong pagbati sakaniya.

"Bakit ka napatawag?"

"Hmmm nakakaabala ba ako?" balik kong tanong sakaniya, baka kasi busy siya e.

"Hindi naman, kakatapos ko lang maligo. Kaya hindi ko nasagot tawag mo kanina."

The more you hate, The more you love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon