Special Chapter

161 11 0
                                    


Borj's Point of View

Nandito ako ngayon sa bahay nila Roni, waiting for her in the living room. Excited na ako! We only get to hang out on weekends since school started again. Grabe, halos hindi ko na nga siya makita sa dami ng mga school requirements niya. Kaya ngayong araw, sinadya ko talagang ayain siyang mag-relax.

I remember last night, she messaged me saying she finished all her assignments. So I thought, this is the perfect time for us to spend time together. Alam kong stress na stress na siya sa school, kaya gusto ko rin siyang matulungan na kahit papaano, mabawasan yung bigat na nararamdaman niya.

I don't like seeing her stressed, lalo na't alam kong binubuhos niya lahat ng effort niya sa pag-aaral. Siya nga ang pinapili ko kung saan kami pupunta at kung saan kami kakain mamaya. Gusto niya daw sa WalterMart, at gusto daw niyang kumain sa Jollibee. She's been craving Chickenjoy. Syempre, pagbibigyan ko ang prinsesa ko. Hindi ko kayang tanggihan ang gusto niya, lalo na't ito na rin ang pagkakataon namin para mag-relax. Minsan lang mangyari 'to.

"Ang tagal naman ni Roni," sabi ni Yuan habang nagbabasa ng comics sa cellphone. "Baka nagpapaganda na naman yun para sa'yo."

I smiled. I know Roni looks beautiful even in simple clothes. She doesn't need to try hard, she's always beautiful to me. Pero syempre, gets ko din. Baka nga medyo nagtatagal siya kasi gusto niyang magmukhang presentable. Kaya hinayaan ko na lang muna siya.

"Sira ka talaga! Hahaha, if she heard that, you'd be in trouble," pabirong sagot ko kay Yuan.

"Hindi 'yan, busy 'yon."

Baka kasi sumimangot nanaman si Roni kapag narinig niya. Kilala ko kasi si Roni, sensitive siya minsan, lalo na kapag hindi maganda ang araw niya. Pero ngayon, magaan ang pakiramdam ko. Mukhang okay naman ang mood niya base sa mga huling messages niya sa akin kanina.

Habang hinihintay ko siya, iniisip ko yung mga susunod naming gagawin. Maglilibot kami, kakain kami ng favorite niyang Jollibee, tapos baka mag-arcade kami. Gusto kong sulitin ang araw na 'to. Alam kong hindi ganun kadali ang buhay-estudyante, kaya gusto ko siyang mapasaya. Ang daming beses ko siyang nakitang stressed sa mga exams at projects, kaya bilang boyfriend, gusto kong ako yung maging pahinga niya.

Bigla akong napatingin sa hagdan, nakita ko na bumaba na si Roni. She was wearing a simple white shirt and jeans, but wow, parang ang liwanag ng paligid ko nung nakita ko siya. Hindi na ako nagulat na mas lalo pa siyang gumanda sa paningin ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

"Oh, you took so long" biro ko sa kanya habang papalapit siya.

"Sorry, naayos ko pa kasi yung buhok ko," sagot niya, medyo nakangiti rin pero halatang conscious.

"Don't worry, ang ganda mo na kahit ano pa suot mo," sabi ko sabay kuha ng kamay niya.

"Bolero,"natatawa niyang sagot, pero nakikita kong kinikilig siya. Yun naman ang gusto ko, yung napapasaya ko siya kahit sa simpleng bagay lang.

" Ready to go?" tanong ko.

"Yup, let's go na!" excited na sagot ni Roni.

Paglabas namin ng bahay, sakto namang medyo mahangin at hindi ganun kainit. The weather was perfect for our date. Sumakay kami ng tricycle at jeep papuntang WalterMart. Habang nasa biyahe, nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa school.

"Grabe, I did so much this week," sabi ni Roni. "Hindi na nga ako halos nakakatulog nang maayos."

Napansin ko yung slight na pagod sa boses niya, kaya naisip ko talagang tama ang plano kong i-treat siya today. "Kaya nga buti na lang free ka ngayon, you really need to relax," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Pagdating namin sa WalterMart, diretso kami agad sa Jollibee. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa dahil gutom na rin kami pareho. Umorder kami ng Chickenjoy, spaghetti, at siyempre, yung paborito niyang peach mango pie. Para sakaniya lang 'yon, dahil ang inorder ko naman para sarili ko ay burger steak, at burger.

Habang kumakain kami, napansin kong parang bumabalik na yung energy niya. Nakikita ko yung saya sa mga mata niya habang tinutusok-tusok niya yung spaghetti sa harap niya.

"Jollibee really tastes great, no? Parang kahit anong problema, nawawala pag kumain ka nito," natatawa niyang sabi.

"You're right. That's why I always want to bring you here," sabi ko. Nakangiti ako habang tinititigan siya. Honestly, even though this date is simple, I'm really happy. Nothing beats seeing the person you love happy, right?

Matapos namin kumain, nag-ikot-ikot kami. Napunta kami sa mga tindahan ng damit, sapatos, at kahit sa mga tindahan ng gadgets, kahit wala naman kaming balak bumili. Paminsan-minsan, humihinto kami para magtinginan ng mga display at mag-comment tungkol sa mga bagay-bagay.

"Love, look at this bag, bagay kaya 'to sa akin?" tanong ni Roni habang tinitingnan yung isang backpack sa display.

"Bagay naman lahat sa'yo eh," sagot ko. Alam kong corny, pero gusto ko lang siyang kiligin.

"Tigilan mo nga ako, I might actually believe you," sabay tawa niya.

Pumunta din kami sa arcade. Nilaro namin yung mga favorite naming games, tulad ng basketball shootout at yung racing game. As expected, natalo ako sa basketball, pero okay lang. Ang saya kasi ng tawa ni Roni habang pinagmamalaki niyang mas marami siyang na-shoot kaysa sa akin.

"Bawi ako sa racing!" sabi ko, at sa pagkakataong yun, ako naman ang nanalo.

"Talagang pinilit mo pang manalo ah," natatawa niyang sabi habang naglalakad kami palabas ng arcade.

"Of course, ayokong lagi akong talo sa'yo," pabiro kong sagot.

Nagpatuloy ang araw namin na puno ng tawanan at kwentuhan. Habang naglalakad kami palabas ng waltermart, naramdaman ko yung init ng kamay niya sa kamay ko. Parang ayoko na matapos ang araw na 'to.

Pagdating namin sa labas, nagdesisyon kaming maglakad-lakad muna bago umuwi. Sakto, medyo papalubog na yung araw. Habang naglalakad kami, tahimik lang kami siguro malalim nanaman ang iniisip niya.

"Thank you, Borj," sabi bigla ni Roni habang nakatingin sa malayo.

"Bakit ka nagpapasalamat?" tanong ko.

"Thank you for always being there for me. Even when I'm stressed, you make me feel that everything's okay,, na kaya ko 'to," sagot niya, sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako. "You know I'm always here for you, right? No matter what, I'll be here. Wala akong kwentang boyfriend, kung hayaan lang kitang na-stress."

"Kaya nga nagpapasalamat ako e. Next time, I'll make it up to you. I know it's not easy for you either, since you're in college now."

"Kaya ko naman love, wala pa naman kami masyadong ginagawa."

"Sabagay matalino nga pala ang boyfriend ko" pinisil niya ang pisngi ko at ang lawak ng ngiti.

"Masipag lang love hahaha" saad ko.

"Ayan, ang humble!"

"Well, you're smart too. Don't think negative pag dating sa kakayahan at talino mo. May kaniya-kaniya tayong talino, okay?"

"Okay po! Tara uwi na tayo?"

"Let's go! Tambay muna ako sainyo." Tumango naman siya, naghanap na kami ng masasakyan para makauwi na.

I hope I really made her feel better and eased her stress. Kung pwede nga lang na lumabas kami araw-araw gagawin ko, kaso hindi match ang schedule namin. Kaya bumabawi nalang talaga ako tuwing weekend, doing what she wants. Minsan naman ako pinapapili niya kung ano ang gagawin namin.

Mabilis lang naman ang araw, sa susunod collge na din siya. Feeling ko pag same school kami, mas makakakapaglaan kami ng oras para sa isa't isa.

For now, ganito muna kami. Nag-eenjoy naman kami sa setup namin at sa mga bagay na napagkasunduan namin.

S I E Y . W P
______________________________________________

The more you hate, The more you love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon