Roni's Point of View
Napakabilis ng araw, Friday na ngayon. Sa sobrang bilis ng araw, ganun din kabilis bumalik yung bangayan namin ni Borj. I thought we were okay, but it seems like things are still the same.
Nasasaktuhan din kasing mainit ang ulo ko, tapos ganun din siya. This past few days, sobrang busy niya, maliban sa officer siya, ginawa din siyang basketball captain.
I didn't expect him to be chosen as the captain, I only found out from Jelai. Ngayon ko palang talaga nalalaman yung ibang bagay na tungkol kay Borj. It's only now that I'm realizing I need to get to know Borj more.
Nandito kami ngayon sa court, 3pm na. Halos 30 minutes na din kami dito. Hinihintay kasi namin silang dalawa ni Junjun. Sila lang kasi ang nakapasa sa try out.
"Kuya, bakit hindi ka napasama sa team ng basketball?" nagtataka kong tanong, kasi ang alam ko marunong naman siya.
"May favoritism ang coach ng basketball, pero hayaan mo na. Ang importante makapag cheer at support tayo kina Borj at Junjun." Tumango-tango naman ako.
Buti nalang malawak ang pang-unawa ni kuya.
"Roni nakapag chat ka naba sa parents niyo? They need to know na, magc-commute tayong lahat. For sure aabutin tayo dito ng 5pm," wika ni Tonsy.
Kailangan pala namin mag update kay daddy, ang alam kasi ni daddy 3:30 ang uwian namin ngayon.
"Nagchat na ako."
"How about Borj?" tanong niya ulit.
"Roni nasa bag ni Borj, yung cellphone niya. Walang password 'yon, ikaw na magchat kina Lola." Tinaasan ko naman ng kilay si kuya, aba apat kami dito ako pa talaga inutusan niya!
"Bakit hindi nalang ikaw?"
"Dali na, ikaw nalang," napapairap nalang ako dahil kay kuya, syempre kuya ko siya. I need to obey him.
We didn't expect na aabutin si Borj at Junjun ngayon ng 5pm. Kaya need namin mag-adjust ng oras.
Kinuha ko ang cellphone ni Borj, sa kaniyang bag. Tama nga si kuya, wala nga itong password. The first thing I noticed was his wallpaper, a shadow of a girl.
Sino kaya 'to?
Sakto lang ang haba ng buhok niya, base sa nakikita ko.
Pumunta agad ako sa messenger niya, puro sina Kuya ang nakakausap niya. Kahit nga ako wala dito, sabagay hindi naman kami madalas mag chat. Hinanap ko agad pangalan ni Lolo, sa messenger niya.
Hindi naman ako nahirapan, nag iwan ako ng message na 5:30 pa kami makakauwi. Nagpakilala din ako, baka kasi magtaka si Lolo sa typings ko.
Wala pa sana ako balak ibalik ang cellphone niya sa bag niya, kaso pagtingin ko kay Borj. Nakatingin siya sa pwesto ko, nakakunot pa ang noo.Winagayway ko ang cellphone niya, hindi ko alam kung gets niya. Pero hayaan ko nalang. Binalik ko na agad sa bag niya.
Nag timeout muna sila, agad naman pumunta sa pwesto namin sina Borj at Junjun. Kumuha sila ng tubig sa kaniya-kaniya nilang bag.
I was surprised when he sat next to me. Napansin ko ang pagtulo ng pawis niya. Naalala ko may extra t-shirt ako sa bag ko, kaya kinuha ko 'to inabot sakaniya.
" Wipe off your sweat." Hindi niya kinuha ito, pero inilapit pa niya lalo ang sarili niya saakin.
Ano ba 'to? Siya na nga lang pinapahiraman, ako pa gusto magpunas sa pawis niya.
"Please, napapagod na ako," bulong niya, sapat lang na ako lang ang makakarinig.
Hindi na ako nagsalita pa, humarap ako ng maayos sakaniya at sinimulan ko siyang punasan sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
The more you hate, The more you love [Completed]
FanfictionWhat if ang taong nagustuhan mo ay ang mortal enemy mo? Kaya mo kayang iparamdam sakaniya o itutuloy mo ang pang-aasar mo sakaniya? ©All Rights Reserved