Borj's Point of View
Pauwi na kami ni Roni. While we're in the jeep, I let her lean on me. Napansin ko din na nakapikit siya at naka kunot ang kaniyang noo. Siguro nananakit ang ulo niya.
Feeling ko napapagkamalan na kaming mag couple, dahil sa sobrang dikit naming dalawa. Nasaktuhan din kasi na punuan ang jeep, ayaw naman naming mag-antay pa ng matagal kaya sumakay na kami. Idagdag pa na parehas kaming walang bag na dala, ano nalang kaya iniisip nila?
But whatever they think is up to them.
Pagbaba namin ng jeep, sumakay agad kami ng tricycle. Nagpahatid na kami hanggang sa bahay nila Roni.
Papasok na sana kami sa gate nila, nang matigilan siya at tumingin siya saakin. "Borj, nasa bag ko pala ang susi. Ang malas naman."
I completely forgot about that.
"Edi doon ka muna sa bahay, I'll tell to your brother nalang." Nagdadalawang isip pa talaga siya ha.
"You know, if you don't want to, just say it," I told her. Maybe she wouldn't be comfortable at my house.
"Did I say I didn't want to?"
"No, I just based it on your expressions," sagot ko sakaniya.
"Tara na sainyo, nahihilo ako lalo dahil sa init." Pumwesto siya sa bandang likod ko, ginawa ba naman akong shield sa araw. Nakahawak pa siya sa dalawang balikat ko.
Pagkarating namin sa bahay, bumungad saamin si lolo at lola. Nagmano kaming dalawa ni Roni.
"Ay Diyos ko, ang init mo" nag-aalalang wika ni lola, kay Roni.
"Ang init po kasi sa labas lola." - Roni
"Nako lola, hindi po 'yan dahil sa init. Masama po talaga pakiramdam niya." Dahil sa sinabi ko naramdaman ko nalang ang pasimpleng pagkurot niya sa bandang tagiliran ko.
Hindi naman ako makareklamo, kasi nasa harap namin ang grandparents ko.
"Kaya ba kayo umuwi agad? Ang alam ko mamaya pa ang awasan niyo." - Lolo Miyong
"Opo lo, sinamahan ko siya. Bawal po kasi umuwi pag walang sundo o maghahatid." Sagot ko sakaniya.
"Ano ba nararamdaman mo apo?" grabe talaga mag-alala si lola.
"May buwanang dalaw po kasi ako, kaya nadadamay ulo at katawan ko. Tsaka lola naiwan ko po yung susi sa bag ko, kaya dito po muna ako." - Roni
"Ganon ba...sige umakyat na kayo sa taas. Borj, samahan mo si Roni sa kwarto mo. Pagpahingain mo siya doon, wag gagawa ng kalokohan ha." - Lola
Si Lola talaga, iba mag-isip. Ang tino ko kaya!
"Apo, ikaw ang lalaki." Pagpaalala ni Lolo, tumango naman ako. Napansin ko na naguguluhan si Roni, sa sinasabi nina Lola.
Okay na rin yon, kasi nakakahiya.
Iginaya ko na siya pataas ng hagdan, para makapunta na kami sa kwarto. Iba na din kasi awra ni Roni, ramdam ko na nga din ang init ng katawan niya.
"Pahinga ka muna diyan, higa ka diyan sa kama ko. If you need anything, just let me know."
"Thanks, pahiram sana ako ng t-shirt at baka pwede mo akong ibili ng napkin. Papalit lang ako pang-itaas, para maging comfortable ako." Tumango naman ako at kumuha agad ako ng t-shirt.
"Sige, kukuha lang ako ng napkin sa baba. Alam ko meron doon, incase na may pumunta dito na girl. Kaya ready si lola." Hindi ko alam kung bakit nagpaliwanag pa ako sakaniya. Pakiramdam ko kailangan kasi?
BINABASA MO ANG
The more you hate, The more you love [Completed]
FanfictionWhat if ang taong nagustuhan mo ay ang mortal enemy mo? Kaya mo kayang iparamdam sakaniya o itutuloy mo ang pang-aasar mo sakaniya? ©All Rights Reserved