Chapter 16:

377 24 2
                                    

Roni's Point of View

"Magandang umaga" pagbati ko kina Kuya at Mommy pagbaba ko sa sala.

"Walang maganda sa umaga sister"

"Hay nako 'yang Kuya mo, pangit ata ang gising." sabi ni Mommy.

Kawawa naman.

"Alam mo Kuya dapat maganda ang umaga mo, especially if someone as beautiful as me is greeting you."

I had a good sleep, so I woke up feeling good.

Si Borj kaya, maganda din kaya ang gising niya?

"Symepre maganda ka talaga, gwapo ako e." confident niyang wika, napairap nalang kami ni Mommy dahil sa kahanginan ni kuya.

Tatlo na ang gwapo para saakin, syempre si daddy, kuya at si ....Borj.

"Eh bakit ba pangit ang umaga mo kuya?" nagtatakang tanong ko sakaniya.

"Ewan ko nga din e, basta pag gising ko mainit na ulo ko."

"Ang weird ng Kuya mo, Roni. Anyway, let's eat. Rest day ko ngayon, kaya maghapon niyong makikita ang pagmumukha ko."

"Yay, that's great. Sayang dapat nag day off na din si Daddy e."

Hindi na kasi kami nakokompleto, bihira nalang din namin makita si Daddy. Nakikita na nga lang namin siya pagka ihahatid at susunduin kami sa school.

Pero syempre lagi ko naman nilalawakan ang pang-unawa ko, lalo na para saamin din naman ang ginagawa ni Daddy.

"Anak pag hindi nagbukas ng restaurant ang daddy mo, sayang ang kikitain. Lalo na sabado ngayon, alam niyo naman pag weekend madaming nakain sa restaurant natin. Kaya intindihin niyo nalang ang daddy niyo."

"Yes my, naiintindihan po namin." Sagot ni Kuya, at ako naman ay tumango lang.

Pagkatapos namin kumain, nag bato-bato-pick kami ni kuya kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan namin.

Lalo tuloy bumusangot si kuya dahil siya ang talo.

"Dahil ang Kuya mo ang maghuhugas ng pinggan, ikaw naman ay maglinis dito sa loob ng bahay. Ako sa labas, para patas tayo." Utos ni Mommy.

Dahil mabait ako, I'll obey orders.

Kinuha ko muna ang cellphone ko para macheck ko kung may chat ba. Puro group chat lang namin sa school.

Ang tahimik ng group chat naming magkakaibigan.
Kahit private message galing kay Jelai, wala akong natanggap.

Nothing from Borj either.

I just played some music, then started cleaning. Thankfully, our house isn't messy.

May nakita akong relo sa tabi ng tv namin, naalala ko tuloy yung binigay ko kay Borj..

Kaunting punas, walis at mop lang natapos din ako. Makakapagpahinga na din ako, pinatay ko na din ang music.

I was about to sit in the living room when I heard someone strumming a guitar.

Agad akong sumilip sa pintuan namin.

It's Borj!

Omg. Kakanta ata siya!

Hawakan mo ang kamay ko
Nang napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
Ooh, 'di mo ba pansin?

Ang ganda talaga ng boses niya. The song sounds familiar to me...

Saan ko ba 'to narinig? Gusto ko alalahin.

Na ikaw at ako, ooh-whoa, oh
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako, ooh-whoa, oh
'Di na muling magkakalayo

The more you hate, The more you love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon