Roni's Point of View
Sa dalawang araw na lumipas, kinukulit ako ng barkada lalo na ni Borj. Gusto kasi talaga niyang manood ako ng laro niya. Hindi pa niya alam na nakapag decide na ako, which is manonood naman talaga ako.
And today is the day we've been waiting for. It's the second day of our sports fest. Yesterday, we were busy with the booths, enjoying ourselves at the booths we liked.
Kahit sinabi ni Borj saakin, noong sabado na hiwalay ang ibang bagay pagdating sa laro niya. Hindi niya maikakaila saakin, na malungkot siya.
Syempre para naman matuwa siya pag nakita niya ako sa court mamaya, nag ready ako ng banner. Sinulatan ko 'to ng "Go love, este Borj!"
Alam ko naman na trip niya lang sabihin yung love, pero sasakyan ko na. Minsan lang naman e, for sure magugulat din ang barkada dahil hindi pa nila ito nakikita.
Ewan ko lang kay Kuya, kasi minsan kahit gaanu pa siya ka supportive. Dumadating din yung time na as in ang strict niya.
Ilang oras nalang, malapit na magsimula ang laro nila Borj. Halo-halong emotions ang nararamdaman ko. Sana maging successful ang plano ko, at sana manalo sila Borj.
"Sis, are you sure you don't want to tell them yet?"
"Jelai, this won't be a surprise anymore if I tell them now." Isa pa 'tong si Jelai, kanina pa ako kinukulit.
"Sabagay, basta support nalang kita. For sure, Borj will win this."
"Sssh, wag kang maingay baka marinig ka."
"Ay oo nga pala hahaha peace"
Hindi na namin kasama sina Junjun at Borj, dahil kanina pa sila pinatawag ng coach nila. Hindi manlang ako nakapag goodluck sakanila.
"Sis tignan mo nga kung okay lang 'tong hinanda ko for Junjun." Pinakita niya saakin, ang cartolina niyang hawak. May nakalagy na "Go Junjun" simple lang ito at may kaunting design.
"Maganda nga sis, simple lang pagkaka design mo."
"Napaka supportive naman talaga ni Jelai. Gaganahan maglaro niyan si pareng Junjun." Biglang sulpot ni kuya Yuan.
"Ganun talaga Yuan, para kay Junjun edi itodo ko na. Tsaka last na laro niya 'to e." Proud na wika ni Jelai.
Todo naman ang ngiti namin dahil sa sinabi niya. Grabe talaga ang isang Jelai.
"Buti kapa Jelai, may ka sweet-sweet sa katawan. E yung isa diyan, ang kj." Pagpaparinig ni Kuya, I know naman na ako yung pinaparinggang niya.
Jelai and I just laughed because only the two of us knew that I prepared something for Borj.
Time passed quickly, and Jelai and I did what we needed to before Borj's game started. We ate, went to the restroom, and double-checked everything we needed to bring, like food and water, so we wouldn't have to go out later.
Sigurado kasi na hindi kami basta-basta makakalabas at pasok mamaya sa sobrang daming tao. Bumili na din ako ng energy drink, para kay Borj.
Nauna na sina kuya at Tonsy kanina sa closed gym. Pinauna na sila ni Jelai, para may mauupuan malapit sa players. Sinabi na rin namin na manonood ako, para lang manahimik sila.
Pagpasok namin, madami na agad studyanteng manonood sa laban. There are only four teams playing today, and the final round will be tomorrow.
Pagkaupo namin ni Jelai, sakto din ang pagpunta ng team ni Borj sa kanilang designated area. Buti nalang talaga at malapit kami sakanila.
BINABASA MO ANG
The more you hate, The more you love [Completed]
FanficWhat if ang taong nagustuhan mo ay ang mortal enemy mo? Kaya mo kayang iparamdam sakaniya o itutuloy mo ang pang-aasar mo sakaniya? ©All Rights Reserved