Chapter 7:

403 32 4
                                    

Roni's Point of View

Para na akong baliw na naglalakad, pauwi sa bahay. Hindi ko mapigilang ngumiti, dahil sa tuwa na nararamdaman ko. This is the first time I've felt like this, and it's because of Borj.

What did you do to me, Borj Jimenez?

Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko kanina, dahil sa paghawak niya saakin. Yung tibok ng puso ko, sobrang bilis. And the worst part is, I allowed him to hold my hand! His hand was warm.

Hindi totoo yung sinabi ko na magaspang ang kamay niya, sobrang lambot daig pa ang kamay ng babae. Hanggang sa makarating ako sa bahay, ngiting-ngiti pa rin ako.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kanina, tsaka bakit feeling ko parehas kami ng nararamdaman. Hindi naman niya hahawakan ang kamay ko, kung wala lang diba?

"Roni, baka mapunit na yang mga labi mo. Mukhang masaya ang sister ko ah." Sabi ni Kuya na pababa sa hagdan.

"Happy... just a bit, Kuya."

"Ano naman ang dahilan? O sino?" tinataasan pa ako ng kilay. Sasabihin ko ba?

"Just forget it, Kuya. Did anyone call or message you on Messenger?" tanong ko sakaniya, naalala ko kasi yung sinabi ni Borj.

Gusto ko lang malaman kung totoong, nalaman niyang busy sina kuya at Tonsy.

"Only Mom, besides her, no one else. Bakit mo natanong ha?"

"Nothing, Kuya, I'll go upstairs. . Baba ako pag magluluto na for dinner." Kahit nagtataka ay hinayaan niya lang akong umalis.

O.M.G. So it means palusot lang talaga ni Borj yon?

Gusto niya ako makasama?

Gusto niya ako makita?

Ganoon ba 'yon?

O baka gawa lang talaga ng sakit niya?

Malalaman ko bukas, kung magbabago ang pakikitungo niya saakin. And sana hindi mapansin ng barkada, I'm not ready for them to know yet.

Late akong nagising ngayon, dahil hindi kami nagising ni Mommy. Anong oras na rin kasi nakauwi sina Mommy kagabi, buti nalang mamaya pa pupunta si Daddy sa restaurant namin. Kaya maihahatid pa niya kami ni kuya.

Wala na rin kaming time magbreakfast, kaya nagpahatid na agad kami ni Kuya sa school.

Papasok na sana kami sa gate ng school, nang may tumawag sa pangalan ni kuya. Hindi siya familiar saakin, bago lumapit si Kuya sakaniya sinabihan muna niya ako na mauna na akong pumasok.

"Una kana sister, kausapin ko lang siya saglit."

"Sige Kuya, sumunod ka agad ha." Tumango naman siya at pinuntahan na niya yung lalaki.

Pagkarating ko sa classroom namin, iba't ibang usapan ang naririnig ko. Ang aga-aga, ang iingay nila. Kahit nga si Jelai, naririndi na sa mga kaklase namin.

"Sis, have you heard the news?" nagtaka ako sa tanong ni Jelai. "Ang alin?"

"Sport fest na natin next week. Naririnig ko sa mga studyante dito. Naunahan pa nilang mag announce mga officer dito sa school."

"Akala ko naman kung ano sis, nalaman ko na may try out na ang basketball. Kaya may idea na ako na malapit na ang sport fest natin."

"Omg! First time natin mapapanood sina Borj." Tuwang-tuwa niyang saad.

"Ha? Bakit sure ba na makakasama siya sa team ng basketball?"

"Hay nako Roni, porket lagi kayo magkaaway ni Borj hindi mo na inaalam mga ginagawa niya."

The more you hate, The more you love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon