Chapter 10:

340 29 6
                                    

Roni's Point of View

Maaga ako nagising ngayon, dahil sa pangungulit ni Kuya na samahan ko daw si Borj sa practice niya.
We even argued before he finally convinced me.

My brother really disturbs my sleep.

Mabilisang pag-aayos na nga lang ng sarili ko, ang nagawa ko. Dahil nagmamadali si Kuya. Ang kulit talaga.

Hinihintay ko si Borj, dahil dadaanan niya ako dito.
Sinabi ko na nga sakaniya kagabi, hindi ko siya masasamahan. Kaso nagpalakas siya kay Kuya, kaya ito ako ngayon.

"Kuya ang tagal naman ni Borj, pag ako nainip babalik talaga ako sa kwarto ko. Mas gusto ko pa matulog kaysa lumabas noh."

Mabilis pa naman ako mainip.

"Sister naman, antayin mo na. Parating na 'yon, habaan mo naman pasensiya mo."

"Why don't you go with him instead? Total ikaw naman 'tong kaibigan niya. Tsaka bakit kasi isasama pa ako, nandon naman si Jelai at Junjun."

"Puro ka reklamo Roni, show Borj your support. Kahit minsan lang, kaysa magsisi ka sa huli."

My brother really knows how to guilt-trip me.

"Hay nako kuya, ewan ko sayo. Parang kasalanan ko pa, kung hindi ko masuportahan-"

"Roni, it's okay, you don't have to come." Naputol ang sasabihin ko, nang biglang sumulpot si Borj.

"Borj-"

"It's okay, sige una na ako." Lumabas siya agad ng bahay. "Roni, sundan mo si Borj."

Kinuha ko ang gamit ko at dali-dali akong tumakbo palabas, para lang mahabol si Borj. Buti nalang mabagal lang siya maglakad.

"Borj" pagtawag ko sakaniya, pero hindi siya lumingon saakin. Humarang na ako sa harap niya para lang huminto siya maglakad.

"Borj" umiwas siya ng tingin saakin, pansin ko ang pagkadismaya sa mukha niya. "Roni, just go home. Ayos lang saakin, kung ayaw mo sumama."

"Hindi naman sa ganun, Borj."

"Naiintindihan ko naman, tsaka hindi nga naman tayo close. Sige na, umuwi kana. Pasensiya na sa abala." Para akong nasaktan dahil sa mga sinabi niya.

"I'll come with you." Tipid kong sagot sakaniya. Parang ayaw na makisama ng dila ko, wala na din ako maisip na sabihin pa.

Tumango lang siya, at nagsimula na siya maglakad. Nakasunod lang ako sakaniya.

Hanggang sa makasakay kami ng tricycle, at jeep. Walang nag-iimikan saamin. Pagkarating namin sa school, naabutan namin ang ibang players pati na rin sina Junjun at Jelai.

I immediately went to Jelai's side, while Borj dropped his bag and went to his team.

"Anyare kay Borj, sis?" nakakunot na tanong ni Jelai.

"Ayoko kasi sumama sis, tapos ayon." Alam ko naman na magegets agad ako ni Jelai.

"Kaya pala, nako Roni mukhang panget ang laro ni Borj ngayon. Wala sa mood e, I feel like you guys need to talk properly."

"We don't have anything to talk about. Wala namang masamang nangyari-"

"Roni! Hindi porket ganun yung situation niyo ni Borj, ay hahayaan mo na. Eh paano kung dahil sa pagkadismaya niya, ayon pa maging dahilan kaya mawawala siya sa focus ng pagpa-practice niya. Hindi lang naman siya yung maapektuhan, buong team niya."

The more you hate, The more you love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon