Chapter 3

4.8K 57 1
                                    

Maaga ako ginising ni Manang Elizabeth, Hinawi niya ang Kurtina kaya pumasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto. Bumangon ako sa kama ko, Nakasanayan ko na ayusin ang unan at itupi ang kumot. Nakita ko marami siya dalang paper bag. Pinasok niya yun sa loob ng kwarto,Nagtataka ako kung ano ang mga 'yun.

"Oh hija,Good morning mabuti naman gising kana." Ngumiti siya sakin.

"Manang ano po yan mga dala mo?" Na intriga tanong ko.

"A-Ah ito ba, mga gamit at damit mo ito. Dala yan ni Sir Raiver kagabi."

"Ho! Mga gamit at damit ko, para talaga sakin Manang?" Sinigurado ko sa akin talaga 'yun.

"Oo Hija, Binili niya yan para sayo. Nag bilin siya kanina bago umalis na ibigay ko sayo" Wika niya habang nilapag ang mga paper bag sa ibabaw ng mesa.

Wow huh, Pagkatapos niya ako pagbantaan na papatayin niya ako sa kamay niya tapos ngayon may ayuda siya ibibigay sa akin. Ano ba ang Gusto mo palabasin Raiver Montenegro?

"Manang, Matanong ko lang ano ba trabaho ng Raiver na yun, ah este yun amo mo?" Naningkit ang mata ko nakatingin sa kaniya.

"H-Head Director siya sa Hospital. Surgeon Doctor si Sir Raiven" Napaubo ako sa sinabi niya.

"Head Director po sa isang Ospital tama?"

Tumango siya sakin.

"Oo hija. Alam mo ngayon ko lang nakita may babae dinala yan dito sa Resthouse niya sa Batangas." Napabuntong hininga nalang ako.

"B-Bakit Manang wala pa ba asawa o kaya girlfriend yan si Raiver?" Hindi ko ba alam kung bakit nagka-interes ako tanungin sa kaniya 'yun.

"Wala Hija, Simula ng bata yan ako ang nag-alaga sa kaniya. Napakabait at mabuti tao yan si Sir Raiver. Alam mo ba Hija noon nagkasakit ang asawa ko sa kidney, siya ang kaisa-isa taong tumulong sakin. Sa amin mag-asawa kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya." Aniya.

Hindi ako pwede pa kampante dahil may balak si Raiver na patayin ako. Baka hindi pa ngayon, napapansin ko may isa siya salita. Kapag sinabi niya gagawin niya. Hindi ko pa kilala ng lubusan ang lalaki 'yun.

"G-Ganun ba Manang,Mukha ma suwerte ka nga sa amo kasi mabait" sabi ko.

"Oh siya maiwan na muna kita. Magluluto pa ako ng Tanghalian ng mga tao sa labas. Maiwan na muna kita dito, Kung may Kailangan ka tawagan mo lang ako ah" Aniya.

"Naku manang,Wala na po Kailangan sa inyo. Okay na po ako dito. Salamat nga pala dito"

"Sige labas na muna ako"

Tinitignan ko ang laman ng Paper bag na binili ni Raiver para sakin. Wala naman kasi ako damit pamalit. Basta nalang ako kinuha ng lalaki yun. Nakamata lang ako habang Tinitignan ko ang binili niya. Nahiya ako dahil may undies at bra. Seriously binilhan niya ako ng ganito.Wow ang dami nito, infairness mabait naman pala ang lalaki yun. Aba himala may sapi yata.

Kinuha ko ang tuwalya, Pumasok ako sa Banyo para maligo. Maginhawa na ngayon ang pakiramdam ko dahil nakaligo na ako, Sinuklayan ko ang buhok ko.Hindi parin ako makapaniwala na ang dami binili sakin ni Raiver.

Kulang ang tulog ko kagabi kaya nakatulog ako. Hindi ko alam ang mga mangyayare bukas at hanggang kailan ako tatagal sa Pamamahay na ito.

Hindi ko hawak ang isip ni Raiver.

Pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalangitan. Miss na miss ko na si Mommy at Daddy, baka ngayon hinahanap na ako. Hindi alam ng pamilya ko ang totoo nangyare sakin. Bigla bumukas ang Pintuan at naamoy ko naman ang pamilyar na pabango.

Hinarap ko siya. Medyo magulo ang buhok niya pero hot parin at gwapo.Oh my gosh bakit ko ba hinahangaan ang lalaki ito.

"Anong ginagawa mo dito?"

Raiver Montenegro Obsession [R-18] CompleteWhere stories live. Discover now