Chapter 15

5.7K 58 7
                                    

Abegail

Nakausap ko ng masinsinan ang Doctor ni Daddy. Ang sabi niya may Blood clots na nakita sa ugat sa ulo ni Daddy dahil sa Mild Stroke.Pero madadala naman yun sa gamot. Matatanggal ang blood clots sa ugat basta uminom ng Citicoline na gamot. Medyo umo-okey na ang condition niya ngayon kumpara nun mga nakaraan araw. May malay na siya kaya nakakausap na siya ng mabuti ni Mommy. Masaya ako dahil okay na okay na ang condition ni Daddy now.

Parang nabunutan ako ng malaki tinik sa lalamunan na bumu-buti na ang kondisyon niya. Nag message sakin si Raiver na nasa main lobby kaya iniwan ko muna si Mommy sa loob ng Intense Care Unit sa Fourth floor.

S-Sumakay ako sa Elevator pababa sa Main lobby. Nakita ko siya agad kaya nilapitan ko siya.

"Raiver" Sabi ko.

"Can we talk babe" Aniya.

"Ano ba pag-uusapan natin dalawa Raiver, akala ko kasi may duty ka ngayon" sabi ko.

"Wala na ako ginagawa sa Ospital. May sasabihin sana ako sayo."

"Ano ba yun Raiver?"

"Uurong ko na ang kaso laban sa Daddy mo" mariin na sabi niya.

"Hah"Namilog ang mata ko nakatingin sa kaniya."Bakit? Diba gusto mo makamit ang Hustisya para sa Magulang mo"

"Oo yun ang gusto ko mangyare Abegail, pero sa sitwasyon ngayon mukha nahihirapan ka. Alam ko malungkot ka dahil na stroke ang dad mo. Gusto mo lang mapabuti ang kalagayan niya diba. Kaya hindi ko na itutuloy isampa sa Justice ang mga kaso na isasampa ko" Aniya.

"Nagbago yata ang isip mo?" Sabi ko.

"Dahil ayaw kita nakikita umiiyak, makungkot oh kaya nasasaktan Abegail na ako ang dahilan, ayaw kita mapagod at ma Stress dahil buntis ka."Aniya.

Ngayon nakilala ko na ang tunay na pagkatao ni Raiver,tama si Manang Elizabeth napakabuti tao ni Raiver, kaya lang naman siya nagalit dahil sa kasalanan ginawa ni Daddy. Kahit ako anak magagalit kapag nalaman ko pinatay ang magulang ko. Pero si Raiver handa kalimutan ang lahat para sakin. Iniisip niya ang kapakanan ko. Ang pagbubuntis ko sa baby namin.

"Salamat Raiver. Napakabuti mo tao sa akin" Sabi ko..

"Mahal na mahal kita Abegail."

"Mahal din kita."

Pagkalipas ng Limang buwan ay pumunta ako sa OB GYNE para magpa-check up. Gusto ko malaman Ang Gender ng anak ko. Nakita sa Ultrasound na Lalaki ang first baby ko.

Lalaki ang panganay na Anak namin ni Raiver.

Pagkalipas ng apat na buwan, malapit na ako manganak, Sumasakit na ang tiyan ko.

"Raiver! Raiver" Umalingawngaw ang boses ko sa kwarto. Umupo ako sa upuan habang hawak-hawak ko ang tiyan ko."Raiver nasaan kaba hah?" Bweset na lalaki ito. Pagkatapos ako buntisin hindi ko mahagilap ang pagmumukha.

"Babe ko ano nangyayare sayo?" Nagulat siya dahil humiga ako sa kama."Babe ano masakit sayo?"

"Parang manganganak na ako Raiver, Dalhin mo ako sa Ospital ngayon na" utos ko sa kaniya.

"Ganun ba, Sige babe" Bigla niya ako kinarga, Dahan-dahan niya ako pinaupo sa Upuan bago nilagyan ng seatbelt.

Nagulat ako bigla niya ako hinalikan sa labi.

"Sarap"

"Ang landi mo, manganganak na nga ako puro kalokohan pa yan tumatakbo sa isip mo" sabi ko.

Umarko ang kilay ko sa kaniya.

Raiver Montenegro Obsession [R-18] CompleteWhere stories live. Discover now