Monique's POV
"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa'min Niques?" tanong ni Zandi.
Umiling ako. "Hindi na. Marami pa kasi akong kailangang gawin. You know naman na, I'm trying to make for a living." Sagot ko.
Sumama ako rito sa airport dahil na rin sa pagpupumilit ni Zandi at Kendi. Ngayon ang alis nila patungong Japan para sa birthday ni Ryan. Next week pa yun kaso nagdecide silang pumunta ng maaga para makapagbakasyon sila ng kahit na ilang araw lang.
"Sumunod ka nalang kaya sa'min sa Japan." Sabi ni Kendi.
"Kahit pa sumunod ako sa inyo, hindi ko rin maaabutan ang birthday niya. May acquaintance party kami sa office on that day eh." Paliwanag ko.
Inakbayan ako ni Aldrich. "Ano ba kayo guys, wag na nating pilitin si Monique kung ayaw niya. We live in a democratic country, pwede niyang gawin kung ano ang gusto niya and we can't do anything about that." Pinisil niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. "Diba Niques?" Sabi pa niya sabat kindat.
"Magpapaiwan na rin siguro ako." Sabi ni Red.
Napalingon kaming lahat sa kanya. Nakangiti siya na para bang tanga kaya hindi ko malaman kung seryoso ba siya o hindi.
"You stupid moron!" sigaw ni Theo sa kanya. "Kaya ka hindi sinasagot ni Monique dahil dyan sa kaartehan mo. Give her some space!"
Natawa ako sa sinabi ni Theo. Ngayon lang siya nagsalita. Kanina pa siya nakasimangot at walang kibo. Siguro dahil na rin sa yakap-yakap na teddy bear ni Zandi na may nakasulat na Ryan sa damit nito. Mukhang pinaglilihian parin ni Zandi si Ryan hanggang ngayon.
"Oo nga naman Red. Kung talagang may pag-asa ka kay Monique, umalis ka man hindi siya mawawala." Sabi ni Aldrich.
Tinignan ako ni Red. Nagpapaawa effect siya pero tinawanan ko lang siya. Para siyang bata.
"Tara na nga, mag check-in na tayo. Baka masapak ko pa 'tong g@gong 'to." Naiinis na sabi ni Theo.
Niyakap ako ni Zandi at Kendi. "Take care." They said.
Tinapik ni Theo ang balikat ko at agad na ring sinundan si Zandi.
"Good luck Niques!" Sabi ni Aldrich sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun pero ngumiti nalang ako at sinabihan siyang mag ingat.
"Ang lakas ng loob. Hinalikan ka niya habang nakaharap ako." Inis na sabi ni Red.
"Eh ano naman kasi sa'yo?" Biro ko.
Sumimangot siya at sinabing, "Masakit yun Mako."
Itinulak ko siya para sundan ang mga kaibigan namin. "Ano ka ba, sumunod ka na sa kanila."
"Ganun nalang yun? Wala manlang akong kiss?"
Hinila ko ang batok niya at hinalikan siya sa pisngi. "Sige na, umalis ka na."
"Akala ko pa naman sa lips." May pagkadismaya sa tono ng boses niya.
"Sige, pagbalik mo sa lips na."
Biglang umaliwalas ang mukha niya. "Talaga?!"
"H-ha?" Ngayon lang nag sink-in sa utak ko ang sinabi ko. Bakit ko nga ba nasabi yun? Siguro dahil natuwa ako sa kanya. Oo, yun lang yun.
Babawiin ko na sana yung sinabi ko nang yakapin niya ako. "Promise mo 'yan ha? Ikikiss mo ako pagbalik ko, yung torrid!" Hinalikan niya ang pisngi ko. "I love you." Sabi niya bago siya tumakbo palayo sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.