Sorry po kung ngayon lang :)
_____________________________________________
Monique’s POV
Dalawang linggo na ang nakakaraan matapos ang naging pag-uusap namin ni Ryan. Parang back to normal ang lahat. Hindi ako nakatulog pagkatapos naming mag-usap. Hindi ko nagawang ipikit ang mga mata ko dahil sa mga salitang binitawan niya. Oo inaamin ko, gusto ko siyang bigyan ng isa pang pagkakataon. Pero pag sa tuwing naaalala ko kung ano ang mga napala ko noong mga panahong nagpakatanga ako, biglang sumisikip ang dibdib ko at bumabalik ang sakit na naramadaman ko. Hindi ko kayang isugal ang natitirang pride at pagmamahal ko para sa kanya.
“Hoy Mako!”
Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. “H-ha? Ano ulit yun?” tanong k okay Red na ngayon ay nakasimangot na naman.
“Aish! Sabi ko na nga ba hindi ka na naman nakikinig eh!” reklamo niya sabay subo ng chips. Base sa mukha niya mukhang naiinis na talaga siya. “Kanina pa ako dada ng dada wala naman pala akong kausap,” dugtong pa niya.
“Ulitin mo nga kasi.” Sagot ko naman.
Sumandal siya sa couch at sinarili ang piattos na kinakain namin. “Wag na! Hindi ka rin naman makikinig eh.”
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Ah gano’n?” Tumayo ako mula sa pagkakaupo. “Kung ayaw mo bahala ka! Babalik na ako sa kwarto ko. Iligpit mo yang pinagkainan mo bago ka lumayas,” masungit kong tugon sa kanya.
Nang mapansin siguro niyang desidido akong iwan siya sa sala ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “Ikaw talaga, bakit ba ang iksi ng pasensya mo sa’kin?”
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at umupo ulit. “Ang dami mo pa kasing arte.” Kinuha ko sa kanya yung piattos. “Dali na, ano ulit yung sinasabi mo kanina?”
Bumuntong hininga siya at tumabi sa’kin. “Sabi ko, anong mas magandang design ng office ko? Ito ba or ito?” May ipibakita siya sa’king litrato.
“Eh halos pareho naman sila eh!” Halos pareho naman kasi talaga yung design maliban lang sa pintura.
“Ah basta, pumili ka ng isa,” pagpupumilit niya.
“Aba demanding? Eh ano kaya kung ibang tao nalang ang tinanong mo. Tsaka bakit kasi nandito ka na naman? Wala ka bang trabaho?”
Nakakainis! Halos araw-araw siyang nandito sa bahay. Feeling nga yata niya dito na siya nakatira eh. Wala pang alas otso nandito na ‘yan. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko nasulit ang tulog ko. Siya ang nagsilbing alarm clock ko.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.