Pasensya na po kung super tagal ng UD. Depress lang ako sa pag-alis ni Lulu TT^TT kawawa kasi si Umin TT^TT
~xiuhan 4ever
_________________________________________________
Monique’s POV
Kanina pa ako hindi mapakali pero pinipilit ko paring pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung napapansin ba niya na kinakabahan ako o ano. Kung bakit naman kasi hindi ko inasahan na mangyayari ‘to eh. Ang akala ko’y simpleng pag-uusap lang ang pwedeng mangyari sa’min, hindi ko akalaing magiging ganito ito kaseryoso.
“Ano bang sasabihin mo at kailangang dito pa tayo sa labas mag-usap?” tanong ko. Hindi naman madilim dito sa labas. Sa katunayan nga'y sobrang liwanag. Para bang malapit na ang pasko at ang daming ilaw sa paligid. Hindi tuloy ako nahihirapang aninagin ang mukha ni Ryan.
He sighed. Humarap siya sa dalampasigan. Dahan-dahan siyang pumikit at dinamdam ang simoy ng hangin. “Mas peaceful mag-usap dito.”
Napataas ang kaliwang kilay ko. Ano bang sasabihin niya at kailangan pa ng peaceful na ambiance?
“Pwede bang sabihin mo na kung ano mang sasabihin mo.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. “Ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito.” Tumingala siya at bahagyang ngumiti. Nananatili paring nakapikit ang mga mata niya.
Biglang nag-init ang ulo ko sa ginawa niya. “Alam mo Ryan, wala akong pakialam kung gaano man kasarap ang hangin dito. Kung wala ka naman palang sasabihin, aalis nalang ako.”
Tumalikod ako at handa na sanang umalis pero pinigilan niya ako. Pilit niya akong pinaharap sa kanya.
Ang lalim ng paghinga niya. Nakatingin lang ng diretso sa’kin ang mapupungay niyang mga mata.
“Please, stay with me Monique.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko yun inaasahan. Pero mabilis rin naman akong nakabawi at agad kong kinalas ang pagkakahawak niya sa’kin.
“Sabihin mo na kasi kung ano man ang gusto mong sabihin. Madaling araw na, I need to get some rest.”
Yumuko siya. “Ok, fine.”
Ilang segundo pa ang hinintay ko bago niya inangat ang mukha niya at tumingin sa’kin.
“I’m sorry Monique.”
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon na humingi siya ng tawad sa’kin. Hindi ko nga lang sigurado kung para saan ang sorry na ‘yon.
“Kung nagsosorry ka dahil pumunta tayo dito ng walang dahilan, fine, apology accepted.”
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.