Monique's POV
Magdate tayo...
Magdate tayo...
Magdate tayo...
Waaah! Feeling ko mababaliw na ako! It’s been a week pero patuloy parin akong ginugulo ng mga sinabi niya. He also threatened me na kapag hindi ako pumayag ay isusumbong niya talaga ako sa police, eh ayoko namang mangyari yun. Kaya yun na! Aaaaahhhh! Nakakainis!
“argh! Ayoko na talaga!”
Napatakip ako sa bibig ko. Yung mga kaklase ko titig na titig sa’kin. Malamang! Sumigaw daw ba naman ako habang nagdidiscuss yung teacher.
Napatingin ako sa harapan. Sh*t! Ang sama ng tingin sa’kin nung prof.
“get out of this class Miss Juanino. NOW!”
**
Aish! Kasalanan ‘to ng lalaking yun eh! kung sabagay, nakalimutan na rin siguro niya ang sinabi niya dahil hanggang ngayon hindi pa siya nagpaparamdam. Hellooo? Kung talagang seryoso siya sa sinabi niya, matagal na sanang tapos yung sinasabi niyang date. At isa pa, hindi niya ako lubusang kilala. Sigurado akong hindi niya alam kung san ako mahahanap.
Mag-isa lang ako ngayong naglalakad dito sa hallway. Hindi ko pwedeng tawagan sina Zandi at Kendi dahil alam kong may klase pa sila. At tsaka isa pa, alam kong pagagalitan lang nila ako kung sakali. Sabihin pa nung mga yun na nag cutting na naman ako.
Nagdecide akong pumunta nalang sa library. Hindi para magbasa kundi para puntahan ang taong matagal ko nang hindi nakikita. Kahapon pa yata kami last na nagkita, and gahd namiss ko na siya agad!
Lima ang library dito sa University pero sa Law Library ako pumunta. Doon ko kasi siya madalas nakikita.
Pagpasok ko sa loob ay agad ko na siyang hinanap. Pinuntahan ko ang usual spot niya at hindi naman ako nabigo dahil agad ko siyang nakita doon. Tulad ng dati, nakapatong ang ulo niya sa mesa at may nakatakip na libro sa mukha niya. Ganito ang ginagawa niya kapag bored siya at ayaw pumasok sa klase niya. Palagi siyang tumatambay sa library at doon natutulog.
Humila ako ng upuan at tumabi sa kanya. Dahan-dahan kong tinanggal ang nakapatong na libro sa mukha niya. Agad ko namang nasilayan ang napaka-gwapo niyang mukha. Medyo nakakunot-noo ito. Napaisip tuloy ako kung anong nasa panaginip niya. Pwede kayang mahalin niya ako kahit sa panaginip man lang? or baka naman kahit sa panaginip niya ay ako ang naghahabol at siya naman ang dakilang taga-taboy?
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Kailangan ko ng bagong pictures niya. Wala siyang picture sa bago kong phone. Yung old pics niya kasi ay nasama dun sa phone kong tinapon ko sa kanal. Pero mabuti nalang at na-save ko sa PC ko yung iba kaya’t meron pa namang natira.
Hindi ko alam kung nakailang shots ako. Minsan ay isinasama ko ang sarili ko sa pic. Mabuti nalang at walang tao sa part namin. Kung hindi ay iisipin nilang nababaliw na ako.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.