Monique’s POV
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa salamin. Nakatingin lang ako sa sarili ko na para bang kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko. Hinawakan ko ang buhok ko na ngayon ay shoulder level na lamang. Napangiti nalang ako bigla.
It’s been 3 months at masasabi kong marami talagang nagbago. Hindi birong kalimutan ang taong naging sentro ng buhay ko sa loob ng apat na taon. Kahit san ako pumunta, siya ang nakikita ko. Akala ko nga tuluyan na akong mababaliw. Ilang linggo akong umiyak at nagmukmok sa loob ng kwarto ko. Para akong namatayan. Nangayayat din ako at halos hindi na makilala ang sarili ko. But I’m glad natapos na lahat ng paghihirap ko.
Unti-unti na akong bumabalik sa dating ako. Kaya ko nang manood ng romantic movies na minsan ko nang isinumpa. I can’t say that I’m fully recovered. Pero at least may improvement.
“Jho, hindi ka pa ba tapos? Kanina pa naghihintay ang sundo mo sa baba.”
Napalingon ako kay Kuya na ngayon ay nasa pintuan. Nakasandal siya doon at nakatingin sa’kin ng seryoso. Hindi ko parin siya makumbinsi na ok na talaga ako. Hindi ko naman siya masisisi dahil nakita niya kung pano ako nahirapan ng sobra.
“tapos na, kanina pa. Susunod nalang ako, Kuya.” Tumango siya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Muli kong hinarap ang salamin at ngumiti. This is the start of the new beginning.
**
Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Kuya at si Red na nag uusap sa living room. Magkaharap silang dalawa at parang sobrang importante ng pinag uusapan nila. Nakakunot ang noo ni Kuya habang si Red naman ay seryoso rin ang mukha at marahang tumatango.
“Hey.”
Sabay silang napatingin sa’kin. Naunang tumayo si Red para halikan ako sa pisngi. “Sorry natagalan ako.”
Ngumiti naman siya. “Oo nga, di ka na nahiya sa’kin.” Pagbibiro niya. Agad ko naman siyang siniko at tumawa.
“Mag-iingat kayo. Call me as soon as you get there.” Tumingin ako kay kuya na nakaupo parin sa single couch.
Nginitian ko siya. “ok.”
“ingatan mo yang kapatid ko, Red.”
“oo naman. Hindi mo na kailangan pang ipaalala.” Sinabi yun ni Red habang nakatingin sa’kin ng diretso.
Inirapan ko siya. “Tara na nga, baka gabihin pa tayo sa byahe.”
Sabay naming tinungo ang daan palabas. Sumunod din sa’min si Kuya Marcus.
“ito lang ba ang gamit mo?” tanong ni Red habang inilalagay ang luggage ko sa trunk ng kotse niya. Tinanguan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.