Monique’s POV
“asan na ba siya? akala ko ba papunta na siya?” tanong ko kay Vi, kausap ko siya ngayon sa phone.
“tsk, wag kang mainip. Papunta na ‘yun.” sagot naman niya.
“ano ba kasing sinabi mo sa kanya? Kanina pa ako dito, nilalamok na nga rin ako oh.”
“wag ka nang magreklamo, ginusto mo yan. Sinabi ko sa kanya na nasiraan ako ng kotse kaya alam kong pupunta yun.”
“sigurado ka ha?”
“tsk, oo nga. Bye na nga, istorbo ka!”
Inilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko matapos kong makausap si Vi. Tinupad niya ang pangako niya sa’kin na tutulungan niya ako kay Ryan Babe basta’t hindi ako magsusumbong.
Kanina pa ako rito sa waiting shed malapit sa school ni Vi. Ito ang napili kong lugar para hindi makahalata si Ryan na set up lang ang lahat.
Ilang sandali pa’y naaninag ko na ang headlight ng kotse ni Ryan. Inaayos ko ang damit at buhok ko. Dapat maging maganda ako sa paningin niya.
Ipinarada niya ang kanyang Black Jaguar F-type sa harapan ko.
Bumaba siya.
Shetness! Kahit ilaw lang mula sa poste ang nagsisilbing liwanag ay kitang kita ko parin ang kagwapuhan niya. Kahit naka grey shirt at 6 pocket lang siya ay hindi manlang nabawasan ang kagwapuhan niya.
“anong ginagawa mo rito?” tanong niya. Tumingin-tingin siya sa paligid na para bang may hinahanap. “nakita mo ba si Vi?” tanong pa niya.
“hindi.” Sagot ko.
“tss.”
Kinuha niya phone niya sa bulsa. Sa tingin ko ay tatawagan niya ang kapatid niya.
“nasa gate na ako ng school mo, asan ka?” sabi niya sa kausap niya. Tama nga ako, mukhang si Vi ang kausap niya.
“ano?! Ginagago mo ba ako?!” sigaw niya tapos tumingin siya sa’kin ng masama. “humanda ka sa’kin pag nagkita tayo.” Madiin ang pagkakasabi niya kaya alam kong naiinis na siya.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.