Chapter 17

4.3K 208 38
                                    

Hindi ko na 'to binasa ulit kaya medyo magulo. Pagpasensyahan na po, inaantok na kasi talaga ako TT^TT

Enjoy reading!

_____________________________________________

Monique’s POV

“Sa tingin mo ba Monique hindi kita minahal?!”

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Pilit ko siyang inaaninag kahit na sobrang labo na ng paningin ko dahil sa kanina pa ako umiiyak. Damn. Sinabi ko noon sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak sa harapan niya. Pero heto na naman ako’t nagmumukhang tanga!

Nang makabawi ako’y bigla ko siyang itinulak. “So anong gusto mong sabihin? Na minahal mo rin ako? Ganun ba ‘yon Ryan?!”

“Yes. And I still do.”

I fake a laugh. “Hahahaha!” Halatang pilit ang tawa ko dahil mas nangingibabaw ang paghikbi ko.

Hinawakan niya ang balikat ko. “Monique, please listen to me!”

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa’kin at malakas ko siyang itinulak palayo. “Don’t touch me!” sigaw ko sa kanya. “You liar!”

“Believe me, I do love you.”

“Tumigil ka na!”Marahas kong pinahid ang mga luha sa’king pisngi. “Hindi mo ba nakikita Ryan? Sirang sira na ako. Ano pa bang gusto mo?!”

“I just want you to believe me.” he answered.

“Ok, let’s assume na totoo nga yang sinasabi mo.” Humakbang ako palapit sa kanya. “Pero Ryan naman, ang sakit mong magmahal!”

Naalala ko lahat ng mga nangyari sa’min. Yung paghahabol ko at pagtataboy niya sa’kin. Wala talaga akong makitang dahilan para paniwalaan ang sinasabi niya. Kung ipagtabuyan niya ako noon parang talo ko pa ang may nakakahawang sakit, tapos ngayon sasabihin niyang mahal niya ako?!

“Kung talagang mahal mo ako, bakit mo ako pilit na pinapalayo? Bakit hindi mo nasabing mahal mo ako? Ang tagal kong naghintay Ryan. Tapos kung kailan sumuko na ako saka mo sasabihin sa’kin ang mga bagay na ‘to? Ganyan ka ba magmahal?! Bakit kailangan mo akong ipagtulakan palayo kung mahal mo naman pala ako?!”

Yumuko siya. 

“Answer me Ryan!”

“Because I had to!”

Napakunot noo ako. “You had to?”

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon