Palagi mong dinededicate sa'kin ang stories mo. This time, ako naman :D
_________________________________________________
Monique’s POV
“o, eh akala ko ba ayaw mo nang makita si Ryan?” tila naiinis na sabi ni Kendi.
Inirapan ko naman siya. “wala akong sinabing ayoko na siyang makita. Ang sabi ko lang, naiinis ako sa ginawa niya.”
“ewan ko sa’yo Monique! Halos ipagtabuyan ka na nga nung tao ganyan parin ginagawa mo. Kung ako sa’yo matagal na akong sumuko.” Sabi pa niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.
Andito kami ngayon ni Kends sa mall at hina-hunting si Ryan. Sinabi kasi sa’kin ni Aldrich na may kasama siyang babae ngayon. Humanda sa’kin kung sino mang hampas-lupa ‘yon! Grr!
“alam mo, kanina pa tayo paikot-ikot dito sa mall. Sigurado ba ‘yang si Aldrich na andito nga si Ryan? Baka naman sa ibang mall sila pumunta?” tanong ni Kendi. Kanina pa nga kami dito at kahit anino ni Ryan ay hindi pa namin nakikita. Sumasakit na nga ang mga paa ko eh. Pinagsisisihan ko tuloy kung bakit pa ako nagsuot ng stilettos.
“ewan ko. Basta ang sabi niya may ide-date daw si Ryan. Tsaka sabi niya dito raw yun eh” nanggigigil talaga ako tuwing iisipin ko na may kasamang iba si Ryan. Makakapatay talaga ako ng tao kung sakali!
“eh kung bakit naman kasi nagpaniwala ka agad sa sinabi nun. Malay natin nagbibiro lang pala siya.”
Natahimik ako sa sinabi ni Kends. May point din naman siya. Malaki talaga ang possibility na nagbibiro lang si Aldrich. Pero kahit na! Gusto ko paring masiguro kung ano talaga ang totoo.
“wag ka nang magreklamo, basta hanapin nalang natin siya.”
Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko nalang siya pinansin. Alam ko namang susunod at susunod din siya sa’kin. Hindi niya ako kayang tiisin.
“Niques?”
“o?” sagot ko naman sa kanya. Kalalabas lang namin sa isang store. Tss, san ba kasi nagsuot ang lalaking yun?
“I think I have to go.”
Agad akong lumingon sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa’kin, mukhang busy dahil nakatingin lang siya sa phone niya.
“iiwan mo ‘ko?” tila nagtatampo ang boses ko.
Tumingin naman siya sa’kin. “I’m sorry, babawi nalang ako next time. May kailangan kasi akong puntahan.”
I crossed my arms. “mas importante ba yan kaysa sa’kin?”
She rolled her eyes. “wag ka na ngang umarte dyan!” lumapit siya sa’kin. “at ikaw, umuwi ka na rin. Gumawa ka ng requirements mo sa school. Aba, umulit ka na nga ng isang taon wag ka nang magbalak na gawin ulit yun.”
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.