So ito na guys..bilis ng UD noh? XD
____________________________________________________
Monique's POV
“ma’am, hindi po ba pwedeng ulitin ko nalang yung exam?” pag-mamakaawa ko sa prof ko. Kainis! Bagsak ako sa subject niya. Kung hindi ako papasa malamang isu-summer ko yun or uulitin ko next year. Eh graduating na kaya ako, paano ko pa mauulit yun diba?
“sorry Miss Juanino, pero magiging unfair yun sa iba.”
Lumapit ako sa kanya. “sige na ma’am, please.” Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. “ako nang bahala sa 5 years supply niyo ng cosmetics basta ipasa niyo lang ako.” Pagmamakaawa ko. Malakas ang loob kong i-offer ang bagay na yun. Cosmetics kasi ang product line ng business namin kaya naman kampante akong hindi kami mauubusan ng supply nun.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at dumistansya siya ng konti. “yan ang hirap sa inyong mga anak mayaman eh. Akala niyo lahat nadadaan sa pera.”
“eh ma’am, sabi ko po cosmetics hindi pera.” Pagtatama ko sa kanya. Ang layo naman kasi ng sinabi kong cosmetics sa pera. Or baka naman gusto niya talaga ng pera, pwes kayang kaya ko yung ibigay sa kanya.
“pareho na rin yun Miss Juanino. Sinusuhulan mo ako para makapasa ka. Hindi yan uubra sa’kin.” Tila pagmamalaki pa niya.
Bumagsak naman ang mga balikat ko. Ibig sabihin ba nun hindi na naman ako makakagraduate this year? Pano na yun? Graduate na sina Zandi tapos ako andito parin?! Hindi yun pwede!
“pero sige, dahil mabait naman akong prof, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.”
Nabuhayan naman ako sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba hindi ako matitiis nito eh. “talaga ma’am?!”
“yes.Bibigyan nalang kita ng special assignment and kailangan mong isubmit yun sa Monday.”
Nanlaki naman ang mga mata ko. “po?!” shocks!!! Anong day na ba ngayon? Wednesday na! 6 days lang?!
“may problema ba dun Miss Juanino?”
“wala ma’am, pero—“
“then that’s it.” May kinuha siya sa bag niya at inabot sa’kin ang isang piraso ng papel. “I will be expecting your work on Monday.” Yun lang ang sinabi niya at umalis na siya.
Napatingin ako sa papel na binigay niya. Ito yung ‘special assignment’ ko. Hindi ko maintindihan. About yun sa business subject. Kailangan kong gumawa ng isang product and ia-apply ko ang marketing styles na natutunan ko. And take note, sarili kong product. Pano ko naman gagawin yun?!
**BAR
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Romance(Monique's Story) Unrequited love - being in love with the person who doesn't you back.