Chapter 1

14.9K 213 16
                                    

 

Monique’s POV

 

“uhm, ate Monique!”

Napalingon ako dahil sa tumawag sa’kin. May nakita akong grupo ng mga lalaki malapit sa registrar’s office.

“sige na tol, lumapit ka na. Bilis!” Nagtutulakan sila. Nakatingin lang ako sa kanila. Tss, mukha na silang tanga sa ginagawa nila. Nakakainip maghintay kaya’t ako na ang lumapit sa kanila.

“may sasabihin ba kayo?” tanong ko. Medyo nataranta sila, marahil ay nagulat sila sa biglaang paglapit ko. Napatingin ako sa kanila. Magkakaiba sila ng color ng PE shirt. Hindi sila pare-pareho ng course. Dito kasi sa school namin, hindi pare-pareho ng color ang PE shirt namin. Ang color ay depende sa kung anong course mo.

Lumapit sa’kin yung naka-red shirt—form Engineering and Architecture. “eh ate.” Kumamot pa siya sa batok niya. Para siyang nahihiya na ewan. Sa tingin ko ay mas bata sila sa’kin, tinawag kasi nila ako kaninang ate eh. “may sasabihin po yung kaibigan namin.”

Tumango ako. Bigla naman niyang hinila yung kaibigan niya palapit sa’kin. “sabihin mo na kasi! Arte mo!” singhal niya sa kaibigan niya. Gusto ko na sanang matawa kaso naisip ko na baka lalo siyang mahiya.

Lumapit sa’kin yung lalaking naka-green shirt—from arts and sciences. Ano kayang course niya? Baka journalism? “a-ano ate..” yumuko siya. Nakakatuwa, ang cute niya! “pwede po bang manligaw?!”

Natawa ako. Sabi na nga ba’t yun ang sasabihin niya eh.  Ngumiti naman ako. “oo naman. Pwedeng pwede.”

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa’kin. “talaga po?!”

“oo naman." hinawakan ko ang balikat niya "Basta wag lang sa’kin.”

Agad na nawala ang mga ngiti sa labi niya. Medyo rude yung ginawa ko, alam ko.

“pero bakit ate?” tanong niya. Nakatingin siya sa’kin, ang lungkot ng mga mata niya. First time niya bang ma-reject?

Lumapit ako sa kanya. “may sasabihin ako sa’yo pero secret lang natin ha?” Ngumiti ako sa kanya. Nagbago ang expression ng mukha niya, napalitan ito ng pagtataka. “taken na kasi ako.” Masayang sabi ko.

Lumayo ako sa kanya at saktong paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko siya. Oh my Gassss!!!!

“Babe!!!” sigaw ko sa kanya. Waaaah! Makalaglag bra! Oh! Wag kayong magtaka kung bakit bra at hindi panty. Kahit naman mahal na mahal ko yun ay hinding hindi ko ilalaglag ang panty ko para sa kanya. Duh?! Mas mahal ko kaya ang virginity ko. *flips hair

Hindi siya lumingon. Malamang, hindi niya alam na ako ang tumawag sa kanya. Malay ba niyang iba diba? Sino ba naman kasi ang lilingon nalang basta kapag narinig ang salitang ‘babe’. Wala diba? Ikaw na nagbabasa, lilingon ka ba? Hindi naman diba?

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon