Chapter 19

6K 166 23
                                    

Monique’s POV

 

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit nang pumasok si Kuya Marcus sa kwarto ko.

“Sigurado ka na dyan Jho?” tanong ni Kuya.

Inilagay ko ang mga damit ko sa loob ng maleta at pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. “Yes. Hindi naman pwedeng habang buhay nalang akong nakadepende sa inyo. Kailangan ko ring matutong maging independent.”

Kinuha ko ang isa pang maleta sa ilalim ng kama ko. Hindi ko naman balak dalhin lahat ng damit ko, pero madalas kasi akong magbihis kahit nasa loob lang ako ng bahay.

“Hindi ka ba mahihirapan sa kinuha mong unit? Magiging komportable ka ba don?”

“Oo naman. Pipiliin ko ba yun kung hindi?”

Lumapit siya sa’kin at tinulungan ako sa pagtutupi ng mga damit ko.

“Mahigpit ba ang security doon?”

Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kanya. “Kuya, wag kang praning ok?”

Last month pa sana ako nakapaglipat kung hindi lang mahirap kausapin ang parents ko. Ayaw kasi nila akong payagan. Kinailangan ko pang magmakaawa para lang dito. Si Kuya Marcus naman, panay ang pigil sa’kin kahit na pumayag na ang parents namin at nakakuha na ako ng malilipatan.

“Bakit ba kasi kailangan mo pang lumipat?” tanong niya.

 “Hindi ba’t nasabi ko na sa’yo ang dahilan ko? Gusto kong maging independent. Gusto kong subukan kung pano mabuhay mag-isa.”

Bumuntong hininga siya at umiling. “Halika nga rito.” Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. “Dadalawin mo ako rito ha?”

Itinulak ko siya at inirapan. “Tigil-tigilan mo nga ako Kuya. Eh halos hindi ka na nga umuwi dito tapos dadalawin pa kita?”

Nakakainis. Kung makapagdrama kasi akala mo naman kung hindi rin siya umaalis ng bahay. =__=

“Wow ha? Alam mong minsan lang ako magdrama sisirain mo pa.” Tumayo siya at dumiretso sa pinto. “Lalabas lang ako saglit, babalik ako agad.”

Hindi na niya ako nilingon at agad na siyang lumabas. Napailing nalang ako sa sarili ko. Kahit kailan talaga. Alam kong may kinalolokohan na naman siyang babae kaya hindi na naman siya madalas umuwi.

Pumasok ulit ako sa walk in closet para kumuha pa ng mga gamit. Kasalukuyan akong kumukuha ng mga damit nang mapansin ko ang isang itim na box sa gilid. Napakunot-noo ako at saglit na binitawan ang mga hawak ko para kunin ang box. Punong puno ng scotch tape ang box na para bang sobrang importante ng laman at ayaw ipakita sa iba. Lalo tuloy akong na-curious kung ano ang laman nito, hindi ko na kasi maalala kung saan ito galing at bakit ko naisipang itago ito.

Napagpasyahan kong buksan ang box. Isang pares ng sapatos ang laman ng box. Kinuha ko mga ito at tinitigan. Higit na mas malaki ang size ng mga ito kaysa sa mga paa ko. Bigla nalang akong napangiti ng mapait ng maalala ko kung pano napunta sa akin ang mga ito.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon