Draft 7

39 2 0
                                    

Taliana

"Anong ibig niyong sabihin, warden?"

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Sa dami ng parusang pwede niyang ibigay sa'kin, bakit ito pa naisip niya?

"Your punishment is to cuddle me." Tumaas ang gilid ng kanyang labi. Kumunot naman ang aking noo.

"Po?" Takang tanong ko.

"Yeah, you heard it right. Your job is to cuddle me every night. Dito ka na matutulog sa tabi ko." Muli ay ngumisi siya at bahagyang tinapik ng dalawang beses ang kama sa gitna ng hita niya, para bang inaaya niya akong umubo roon.

Sira na ba talaga ang ulo ni warden gaya ng sabi ng babae kanina? Ibang-iba siya umakto ngayon, naninibago ako pinapakita niya.

Dati-dati ay hindi niya nga matiis na lapitan o kausapi ako ngunit ngayon at gusto niya akong katabi sa pagtulog? Kahit ilang beses kong isipin ng mas malalim ay hindi ko parin makuha ang dahilan niya.

"Come here, Taliana." Pabulong ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Ang mga mata niya ay nangungusap, parang hinihipnotismo ako.

Nag-alinlangan akong lumapit, napapakagat sa sariling kuko. Muli ay tinawag niya ako nang mas malambing na boses.

"Lumapit ka, Taliana Yvonica Hermoso. Lumapit ka kay, Dos."

Parang hibang at wala sa pag-iisip, nagsimula akong naglakad palapit sa kanya. Nakita ko siyang ngumiti, halata ang naglalarong kasiyahan sa kanyang labi.

Nang makalapit ay marahan niyang pinadaan ang kanyang kamay mula sa gilid ng hita ko pataas sa aking beywang, at ako ay binuhat paupo sa kanyang hita.

Hindi ako makaalma sa takot ng kanyang banta kanina.

Nanatili ang kanyang kaliwang kamay sa aking bewang habang ang isa naman ay namahinga sa aking exposed na hita. Tumaas ang balahibo ko sa katawan ng haplosin niya 'yon ng marahan.

"I like you much more than Kira. Mas masarap kang kandungin." Kinurot niya ng pasimple ang aking hita, napakagat ako sa sariling labi.

"But I don't like the way you smell. You smell like that damn bastard."

Muli ay naalala ko ang mga nangyari kaninang umaga, hindi ko mapigilan manginig sa takot na baka mangyari ulit 'yon. Napansin siguro ni warden ang pag-aalinlangan ko dahil bigla ko nalang naramramdaman ang kanyang kamay sa buhok ko at pasimpleng hinaplos.

"Hush now, my dear. He's gone."

Gusto kong tanungin kong anong nangyari sa lalaking iyon dahil simula nang ipatawag nila ito ay hindi na ito bumalik.

Inisip ko nalang na naparusahan ito o 'di kaya naman inilipat sa ibang kulungan upang hindi na ito makapang-gulo ulit.

"Better take a bath. Use my clothes there." Pag-iiba niya ng usapan. Itinuro niya ang cabinet sa harap namin. Pinakawalan niya naman ako at tumayo siya para kumuha ng damit, ibinigay niya iyon sa'kin.

Isa iyong malaking itim na t-shirt at bagong pares ng boxer.

"W-wala ka po kayong shorts?"

Iyan ka na naman, Taliana. Magrereklamo ka na naman. Sasabihin ka naman na hindi mo deserve magsuot ng maayos na damit gaya ng sabi niya noong nagtanong ka kung may ibang mas maayos na kulungan na pwede sayo.

Hindi ka na natuto.

"Wala eh, just wear those." Narinig ko siyang tumawa ng kaonti. Tinitigan ko naman siya bilang pagtataka, ibang-iba talaga siya sa warden na nakilala ko.

Nakakakaba ang nga ugaling pinapakita niya ngayon. Buti pa noon dati ay nalalaman kong ayaw niya sa'kin para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Warden's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon