Taliana
Matapos ang gabing 'yon, nadatnan ko nalang ang sarili kong mag-isa sa kama. Hindi ko na rin naabutan si warden dahil balita ko ay may pinuntahan daw ito galing sa kanyang mga tauhan.
"Saan ka galing kagabi?" Ito agad ang tanong ni Blue nang mag-umagahan kami sa Canteen sa loob.
"Ikaw, anong nangyari sa mga pasa mo?" Balik kong tanong nang makita ang mga sugat sa kanyang mukha.
Mahina siyang napamura. Gumalaw ang kanyang panga at bahagyang nagpalagutok ng kanyang kamao.
"Kasalanan ng warden! Pvtangina niya!" Halata sa kanyang mukha ang galit.
Anong ginawa ni warden sa kanya?
"B-bakit? Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ako sigurado kung handa kong marinig ang mga sasabihin niya.
"He's crazy, Taliana. He's trying to kill me!" Malakas niyang sigaw.
Napatingin ang ilang mga inmate sa amin pati na rin ang mga nagbabantay kaya napabulong siya nang magsalita itong muli.
"Gusto niya akong patayin ng pvtangina. Baka nga gusto ka niyang agawin sa akin."
Napalunok ako. Magagawa ba niya ito kung ako na mismo ang nagbigay ng sarili ko sa kanya.
Ang pag-iwan niya sa akin at ang hindi paglinaw niya ng nararamdaman niya ay nagsasabing hindi niya ako mahal. Kaya hindinako naniniwalang inaagaw niya ako mula kay Blue.
"Sa akin ka pa rin, hindi ba?" Puno ng emosyong bulong niya habang marahang hinahaplos ang pisngi ko.
Hindi ako makapagsalita. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Na hindi ko na siya gusto at iba na ang gusto ko? Pagtapos noon, mag-isa muli ako. Ayaw ko iyon mangyari.
Napapikit ako at tumango. "Oo, Blue."
Matamis itong napangiti at walang pasabinh hinila ang batok ko at hinalikan ako sa labi. Gumanti ako ng halik sa at tsaka malambot na tumingin sa kanya.
"Tatakas tayo."
Natigilan ako. "Anong ibig mong sabihin?"
Napakaimposible ng suhesyon niya. Sa sobrang higpit ng sekyuridad ng kulungang ito ay baka iniisip pa lamang namin ay may nakaabang ng mga gwardiya sa amin.
Kaunting kakaibang galaw lang ay mapapansin na kami agad. Kaya nawalan na rin ako ng pag-asang maka-alis rito sa lugar na ito.
"Tatakas tayo, Taliana. I've planned this for a long time." Sabi niya.
"Pano natin iyon gagawin? Napakaimposible ng iniisip mo."
Natatakot ako at bukod pa roon, natatakot akong iwan siya at hindi na siya makitang muli. Napakatanga ko nga talaga, kapalit ng kalayaan, siya ang pinipili ko.
"No, it's not impossible, Taliana. May tutulong sa atin." Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay.
"Sino?"
"Mr. Wolf." Bulong nito. "He's powerful. Kaya niya tayong itakas rito. I already contacted him and he's coming here tonight. He's visiting someone and by that time, dapat at nakasakay na tayo sa sasakyan niya."
Naguguluhan ako. Sino ang sinasabi niyang tutulong sa amin? Kaano-ano niya ito? Hindi ba't wala na siyang pamilya tulad ng sabi niya sa akin?
"Look, listen to me. Hintayin mo ako sa tagpuan natin. Prepare yourself and make sure no one will notice you. Mas madaling lumabas-labas dahil saktong wala si warden ngayon. Kunin natin itong pagkakataon na makatakas at magbagong buhay."
BINABASA MO ANG
Warden's Pet
RomanceAng akala ni Taliana Hermoso ay ganoon na kamalas ang kanyang buhay ngunit hindi niya aakalain na may ikamamalas pa pala ito nang mapagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niya ginawa. They accused her of killing her own father na labis ikina...