Draft 1

48 3 0
                                    

Taliana

"Nandito na tayo!"

Muntik ko ng isipin na ang lahat ng nangyayari ngayon saakin ay isa lang masamang panaginip pero hindi, e. Totoong-totoo na ito.

Hindi ko alam ang maramdaman ko, nakikita ko na ngayon ang sarili ko sa isang madilim at makipot na kwarto na pinaninirahan ng iba't-ibang kriminal.

Marahas akong pinababa ng isang pulis sa prison van at iginaya sa isang malaking gusali sa harap ko. Unang kita palang ay masalimuot na ang mararanasan ko sa loob na ito.

Binati ng ilang pulis na nakahilera sa harap ng mataas at malaking itim na gate sa harap ang dalawang pulis naghatid saakin. Bago nila binuksan ang mahigpit, malaki at napakaraming kandaduhan ng gate.

Kung sino man siguro ang magbalak na tumakas sa lugar na ito ay siguradong mahihirapan at napakaimposible dahil ang mga pader na nakalibot rito ay matataas at may mga matatalim pang alabre na nakapalobot dito.

Iginaya nila ako papasok sa gusali, unang padyak palang ng aking mga paa ay sunod-sunod na reaksyon ang iginawad ng mga iba pang mga inmate sa kaliwa at kanan ko.

At isa sa napansin ko ay puro silang mga lalaki. Nakangiti at nagsisipol sila habang nakalabas ang kanilang mga kamay na pilit nilang inaabot ako sa makipot napagitan ng malapad na steel bar.

Pinapanood nila akong naglalakad na para bang ngayon lang sila ulit nakakita ng babae.

"Wow, may bagong pasok, babae!" Tila manghang sigaw ng karamihan na sinasabayan nila ng sipol at tawanan. Ayaw ko man isipin ngunit pakiramdam ko ay hinuhubaran nila ako sa mga isip nila.

Nakahinga ako ng maluwag nang huminto kami sa isang silid. Mayroon itong nakalagay na Physical Inspection Room sa taas nito na nakasulat sa gintong letra.

Binuksan ng isa sa mga pulis ang pintuan tsaka nila tinanggal ang posas sa mga kamay ko.

"Pumasok ka na!" Utos nila. Hindi ako gumalaw, nagdadalawang isip ako kung ano ang naghihintay saakin sa loob ng silid na 'to.

Hindi na siguro makapaghintay ang pulis kaya't bigla niya nalang akong itinulak ng marahas papasok sa loob.

"Hintayin mo si warden, dito!" Sigaw pa nila pagkatapos ay isinara ito ng malakas. Nanghihina akong napatayo at pinagmasdan ang buong paligid.

Walang ibang kulay ang buong paligid kung hindi ang kulay puti, walang kahit anong bintana at iisa lang ang ilaw sa taas ng kisame. Mayroon din isang puting kama sa gitna at hindi kong para saan man iyon hindi ko na alam. Sa dami ng iniisip ko at gulo ng utak ko, hindi na ako makapag-isip pa ng maayos.

Iniisip ko kung anong naghihintay saakin sa lugar na 'to. At ano ang magiging takbo ng buhay ko sa isang taon dito sa kulungan na 'to?

Natigil ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng nag-uusap sa pintuan. Siguro ay siya iyong warden na sinasabi nila kanina. Maya't-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at bigla akong natigilan, kung ano man ang dahilan, iyon ay ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Umawang ng hindi ko nararamdaman ang labi ko. Natigilan at nagtataka sa bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko inaasahan na ganitong klaseng kagandang lalaki pala ang papasok rito sa loob at magpapakita saakim. Ang akala ko ay ang lahat ng pulis ay mga malalaki ang tiyan ngunit nagkamali ako, nagbago na iyon dahil sakanya.

Suot ang kanyang itim na uniporme, perpekto itong naglakad paloob matapos niyang i-dismissed ang mga naghatid saakin. Isinara niya ang pinto pagkatapos ay hinarap ako.

Napasinghap ako bigla ng tumitig ang kulay luntian niyang mga mata sa mga mata ko. Nagtagal ito ng ilang segundo bago pumaibaba ang tingin mula sa dibdib, tiyan at sa aking gitna. Napalunok ako sa klase ng paninitig niya. Parang may x-ray ang mata niya ang nakikita ang buong katawan ko nang walang damit.

Warden's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon