Chapter I
George Kelly Santos Point of View
"Kelly bilisan mo at male-late ka na sa school" kasunod nun ay ang ilang beses na pagkatok ni mama sa pintuan ng kwarto ko. Dahan dahan akong bumangon at naupo sa gilid ng kama.
"Sobrang miss na kita..." bulong ko sa hawak hawak kong picture frame na nasa mini table na nasa gilid ng kama ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ganito ako tuwing umaga. Kahit anong gawin ko ay hindi ko makalimutan ang nangyari samin kahit lumipat na kami ng bahay dito sa probinsya.
"Kel-oh anak... ayan ka nanaman.. tahan na..." biglang pasok ni mama. Mabilis kong pinahiran ang magkabilang pisngi ko dahil ayokong nakikitang nag-aalala sakin si mama. Bahagya kong ibinalik sa mini table ang picture frame at nakangiting humarap ako kay mama.
"I'm okay ma. Sige na ma, mag-aayos na ako. Breakfast ko ha" ngiting bilin ko kay mama bago ako tuluyang pumunta sa banyo.
Ilang araw palang kami dito sa Batangas. Napagdesisyunan kasi nila mama na dito na kami manirahan. Malayo sa ingay, polusyon at para na rin daw tuluyang makapagpagaling ako. Dito ko na rin pinagpapatuloy ang pag-aaral ko. Grade 12 na ako. Sayang nga kung kailan graduating ay saka pa kami lumipat ng bahay.
"See you later kuya Kelly!" masiglang paalam sakin ng nakababata kong kapatid na si Sean.
Halos kalahating oras ang biyahe mula sa bahay namin hanggang dito sa bagong eskwelahang pinapasukan ko. Medyo may pagkakaiba, sa dating eskwelahan ko mas maraming estudyante, mas maraming classrooms at nasa dati kong eskwelahan ang mga kaibigan ko.
"George! George!"
Mabilis kong nilingon iyon.
Si Yuna. Bagong kaibigan ko.
"Ano ba yan! Kabilis bilis mo naman maglakad. Mamaya pa namang 9am ang klase natin" sabi niya habang hinihingal.
"Monday ngayon Yuna. 7am tayo"
"Loka! Thursday ngayon! Tingnan mo nga't at busy sa pag-aayos ang ibang section para sa star gazing natin bukas e" sagot niya.
"Ikaw talaga palagi nalang wala sa sarili. Tara nga muna sa canteen. Mukhang masarap yang nasa loob ng bag mo. Kanina ko pa naaamoy eh" dugtong ni Yuna at hinila na niya ang kamay ko. Habang naglalakad kami ay naagaw ang pansin ko nung isang lalake sa rooftop. Nakasuot siya ng uniform na pinapatungan ng kulay green na jacket. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin pero sigurado ako na dito iyon sa lugar na nilalakaran namin ni Yuna.
"Alam mo George napaka-misteryoso mong bakla ka. Simula nung nagtrasfer ka dito wala kang kinukwento tungkol sayo. Kundi nga lang tayo naging magpartner sa case study sigurado ako hindi tayo magiging magkaibigan" mahabang sabi ni Yuna habang kinakain ang baon ko.
"Wala naman akong magandang maikukwento. Ang importante magkaibigan na tayo" diretsong sagot ko sa kanya habang nakatingin sa isang grupong papasok dito sa canteen.
"Crush mo?" tanong sakin ni Yuna.
"Si Tyrone yang nangunguna. Basag ulo yan. Yung nasa likod naman niya ay si Brix. Si Brix ang pinakamatino sa kanila at tahimik lang yan. Wala pa nga akong nababalitaan na kinakusap niyan dito sa school natin eh" mahabang kwento ni Yuna.
"Hay naku Yuna. Wala akong pakialam sa kanila. Tara na nga dun na ta-ayy sh-!"
"George!" -Yuna.
Agad akong tumayo at dinampot ko ang mga nalaglag na mga libro ko.
"Hindi ka man lang magsosorry saken?" pabalang na narinig ko mula sa lalakeng nasa harapan ko. Si Tyrone.
Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakuyom ang kaliwang kamao ko dahil siya na nga ang may kasalanan ay siya pa itong mayabang.
"Pasensya na Tyrone. Bagong lipat lang si George dito... Hindi ka pa niy-"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko" narinig kong matigas na sabi ni Tyrone.
"Pasensya na. Hindi kita napansin" mahinang paghingi ko ng pasensya para na rin hindi na lumaki pa ang gulo. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante. Baka sabihin kabago bago ko ay mapapaaway na agad ako.
"Good" sabi ni Tyrone kasunod nun ay ang muli niyang pagbunggo sa balikat ko dahilan para muling malaglag ang hawak hawak kong libro. Mabilis akong tinulungan ni Yuna at hinila na niya agad ako palabas ng canteen. Hindi na ako nagsalita. Ayoko rin naman lumala pa at malaman pa ni mama. Baka magworry nanaman sakin yun.
"George tara tumulong na tayo sa mga classmates natin. Hindi na daw maglelecture si Mrs. Corquera at ibang teachers natin para daw matapos natin ang pag-aayos ng mga gagamitin natin" sabi ni Yuna.
Hinayaan ko na mauna si Yuna sa paglalakad. Mukhang excited naman siya makita si Bryan kaysa sa tumulong sa mga gawain. Matagal na kasing may gusto si Yuna kay Bryan kaya sa tuwing may pagkakataon ay nagawa siya ng para para mapalapit kay Bryan. Kinawayan ako ng ilang classmates namin at nginitian ko naman sila. Sumenyas ako sa kanila na maglalakad lakad muna ako.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala ako dito sa kabilang building. Wala masyadong tao bukod sa mga naglalaro soccer sa napakalaking open field ng school na ito. Ngayon lang ako nakarating sa building na ito kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako dito sa rooftop.
Ang sarap sa pakiramdam dito. Malakas at malamig ang hangin. Presko. Hindi naririnig ang ingay sa paligid at higit sa lahat nakakarelax.
In-open ko ang gallery ng cellphone ko. Ni-play ko ang video namin ni Eroll.
Si Eroll ang ex-boyfriend ko. Napakasaya namin sa video. Birthday ko iyon last year. Kahit ilang beses kong panuorin itong video na ito ay hindi ko pinagsasawaan. Pinahiran niya ako ng icyng sa magkabilang pisngi dahilan para habulin ko siya. Nung aktong maabutan ko na siya ay bigla siyang humarap sakin habang hawak hawak niya ang isang singsing. Napakaaliwalas ng mukha niya. Kitang kita ko sa video ang sobrang kagalakan sa mukha ko gayundin si Eroll.
Hindi ko nanaman napigilan ang pagdaloy ng luha ko sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko nga alam kung dahil ba ito sa saya o dahil sa lungkot. Halu halo na ang emosyong nararamdaman ko. Araw araw akong ganito. Palagi. Hindi nawawala sa puso at isipan ko si Eroll. Pero, naiintindihan ko naman si mama kung bakit nagdesisyon na lumayo kami. Alam ko para sakin din ang iniisip ni mama kaso ramdam ko ako na ang problema. Ako ang hindi makalimot.
"Bakit ka naiyak? May nagpaiyak ba sayo?"
Bigla kong narinig na boses dahilan para agad akong mapalingon sa gawing kaliwa ko.
"Eto oh" kasunod ng pag-abot niya ng kulay puting panyo.
"Sa..salamat..." nauutal kong sabi.
"Gab" sabay lahad niya ng kanyang kamay.
"George" kasunod ng pagtanggap ko ng pakikipagkamay niya. Napatingin akong bigla sa kanya pero nginitian niya lang ako at umupo sa tabi ko.
Author: Ipublish ko na po ang buong kwento na 'to para makabawi bawi po ako sanyo. Please Support po. Like and Comments po. Thank You So Much.
BINABASA MO ANG
LIGAW
Mystery / ThrillerHi! Pasensya na po at inaayos ko pa ang AMKB Book Series. Habang inaayos ko po ay ito muna ang inyong basahin (Please support) Thank You Thank You.