"Kanina pa kita hinihintay George" bungad sakin ni Gab nung makarating na ako dito sa rooftop. Katulad ng dati ay naupo na ulit kami sa harapan ng malaking field. Nakapatong ang ulo ni Gab sa hita ko habang inaayos ayos ko ang buhok niya.
"Naiinip na akong makagraduate ka George" malungkot na sabi ni Gab habang nakatingin sa mata ko.
"Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya.
"Gusto na kasing tuluyang makasama. Gusto ko tumira na tayo sa bahay ko" diretsong sagot niya sakin dahilan para mapangiti ako.
"Pwede nanaman tayo magsama kahit hindi pa ako graduate e" pabirong sabi ko sa kanya dahilan para bigla siyang mapatayo at hawak hawak niya ang dalawang kamay ko.
"Talaga George? Handa ka ng sumama sakin?" seryoso at makahulugang tanong niya sakin. Nginitian ko lang siya kasi halatang sabik na sabik na siyang makasama ako ng matagal na lalong nakakapagbigay sakin ng kakaibang kasiyahan.
"Tara George!" sabik na sabi ni Gab at hinila niya ang kamay ko pababa sa hagdan pababa ng building. Halata ngang sabik na sabik siya sa kung saan man kami pupunta.
"Teka Gab saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng gate. Nakita ko ngang pinagtitinginan kami ng ilang estudyante. Nakita ko rin na nakatingin samin si Brix na nakaupo sa bench at si Yuna naman ay kalalabas lang ng classroom namin. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat nung makita kaming magkasama ni Gab. Siguro nga panahon na para ipakilala ko na si Gab sa kanila. Pagkabalik namin ipapakilala ko na si Gab.
Nakarating kami ni Gab sa di kalayuang bahay. Ang ganda. Sigurado akong dito nakatira sila Gab dahil hindi naman niya ako dadalahin dito kung hindi sa kanila ito.
"Tara George may pupuntahan tayo. Sigurado akong tayong dalawa lang ang nandun" masayang yaya sakin ni Gab at masaya rin akong nagpatiuna sa kanya.
Natigilan ako nung makita ko kung ano ang nasa harapan namin. Hindi ko maigalaw ang dalawang paa ko at nagsisimulang manginig ang dalawang kamay ko.
"Gab..." natatakot kong tawag sa pangalan niya.
"Akala ko ba gusto mo akong makasama? Akala ko ba mahal mo na ako?" tanong ni Gab sakin habang diretsong nakatayo sa harapan ko.
"Eroll... Eroll? Eroll!!!!!" malakas na sigaw ko at hindi ko nanaman nakontrol ang emosyon ko.
"Teka.. Si Eroll.. Bakit ngayon lang ulit pumasok sa isip ko si Eroll.. Ano bang nangyayari sakin? Eroll!!! Eroll!!!!" mahina hanggang sa malakas na pagsigaw ko.
"George!! George!! Calm down... I'm here.." pang-aalong boses na narinig ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sakin kaya napayakap nalang ako kay Brix. Hindi ko na siya natanong kung papaano siyang nakarating dito. Patuloy ako sa pag-iyak.
"Kalma ka lang George..." patuloy na pang-aalo niya sakin.
Napakawang akong bigla kay Brix nung naalala kong kasama ko si Gab. Inikot ko ang paningin ko. Nilinga linga ko ang paligid pero wala na si Gab.
"Gab!!!!! Gab!!!!!" malakas na pagtawag ko sa kanya.
"Gab!!! Ano ba? Nasaan ka? Gabbbbbbbb!!!!!" sigaw ko. Tiningnan ko si Brix. Nakatuon lang ang dalawang mata niya sakin. Hindi ko maipaliwag ang tingin na iyon. Nilapitan ako ni Brix. Muli niya akong niyakap.
"Tara na George, umuwe na tayo" mahinahong yaya niya sakin.
"Gab!!! Gab!!!!" muling pagtawag ko sa kanya pero wala akong nakikita kahit anino ni Gab. Alam ko nagalit siya sakin dahil sa hindi ko pagsama sa kanya pero napakaliit namang dahilan nun para bigla bigla nalang niya akong iwan dito.
Hinatid na ako ni Brix hanggang sa bahay namin. Dumiretso na ako sa kwarto. Iniwan ko na sila mama at Brix na nag-uusap. Hindi ko alam pero wala akong gana. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Narinig kong bumukas ang bintana at bumungad sakin si Gab. Nakatingin lang ako sa kanya at nagsimulang tumulo na ang mga luha ko.
"Akala ko ba George sasama ka sakin? Akala ko ba mahal mo ako?" matikas niyang tanong sakin kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin dahil sa bukas ang bintana sa kwarto ko.
"Mahal kita Gab! Mahal kita!" malakas na sagot ko sa kanya.
"Kung talagang mahal mo ako sasama ka sakin! Diba nangako ka George! Diba nangako ka!" pagdidiin niya sa salitang pangako.
"GEORGE!! GEORGE!!"
"KELLY!! KELLY!!! BUKSAN MO ANG PINTO!" malalakas na pagkatok at pagsigaw na narinig ko mula sa pintuan.
"Nangako ka saken George! Hindi ako papayag na hindi kita makasama!" seryosong seryosong sabi niya sakin.
"BUKSAN MO ANG PINTUAN GEORGE!!!!" sigaw ni Brix at halatang natataranta na sila dahil hindi nila mabuksan ang pintuan.
"HINDI AKO PAPAYAG NA HINDI KA TUMUPAD SA PANGAKO GEORGE. MAGSISISI KA KUNG HINDI KA TUTUPAD"
Aktong nabuksan ang pintuan ay siyang pag-alis ni Gab sa harapan ko. Niyakap ako ni mama at si Brix naman ay animoy parang may hinahanap.
"Anong bang nangyayari sayo Kelly?" tanong ni mama habang natulo na ang kanyang luha dahil sa pag-aalala sakin.
"Sino bang kausap mo anak?" dugtong niya habang paikot ikot ng tingin sa kabuuan ng kwarto ko.
Hindi ako nagsasalita. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Tanging nasa isip ko lamang ay ang mga sinabi sakin ni Gab at ang nararamdaman ko para kay Gab. Ramdam ko sa sarili ko na mahal ko si Gab. Pero merong parte sa isipan ko na mai itong nararamdaman ko. Naguguluhan na ako. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Hindi ko na alam kung ano ang kasunod na nangyari nung gabing iyon. Nagising nalang ako ng umaga na may kulay pulang rosas sa mini table ko at may nakaipit na sulat.
"Hihintayin kita mamayang gabi, ito na ang araw para tuparin mo ang ipinangako mo sakin. Mahal na mahal kita George"
Sigurado ako. Galing iyon kay Gab.
Naagawa ang atensyon ko ng isang picture frame na nakataon sa tabi ng kulay pulang rosas. Iniangat ko iyon. Nagpicture sa isipan ko ang napakaraming scenario na kasama ko ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Si Eroll. Tama. Si Eroll. Nagsimula nanamang pumatak ang mapipinong luha ko. Nanariwa sa isipan ko ang lahat ng nangyari samin ng boyfriend ko - ex-boyfriend. Dahil sa sobrang pagkaabala ko at naituon ko ang pagmamahal ko kay Gab ay nalimutan kong may Eroll pala ako.
Bahagyang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Hindi na ako nagulat nung si Brix ang iniluwal ng pintuan. Nakatingin lang ako sa bintana habang hawak hawak ko ang kulay pulang rosan na kanina ay nasa mini table ko.
"George... kanina ka pa namin inaantay magising nila Yuna.." mahinahong panimula ni Brix.
"George... tara.. may pupuntahan tayo..." dugtong niya at iginiya na niya ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng pintuan.
Author: Like and Comment po. Thank You :)
Mamaya ko na ipublish ang natitirang chapters. Hintayin ko munang magustuhan nyo. Thank You
BINABASA MO ANG
LIGAW
Mystery / ThrillerHi! Pasensya na po at inaayos ko pa ang AMKB Book Series. Habang inaayos ko po ay ito muna ang inyong basahin (Please support) Thank You Thank You.