Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung magkakilala kami ni Gab. Pakiramdam ko nga ay ang daming nagbago sakin. Palagi na akong excited pumasok at pakiramdam ko ay ang saya saya ko palagi. Nababanggit din sakin ni Yuna na parang may nag-iiba sakin. Okay lang iyon atleast alam ko at ramdam ko sa sarili ko na masaya ako. Masaya akong nakakasama ko si Gab at sigurado akong ganoon din ang nararamdaman niya kapag kasama ako.
"Tara na sa ibaba. May klase pa tayo" yaya ko kay Gab habang nakahiga siya at nakapatong ang ulo sa hita ko. Inaayos ayos ko ang napakalambot at manipis niyang buhok. Tiningnan niya ako. Ngumiti siya dahilan para lumabas ang biloy sa magkabila niyang pisngi.
"Huwag mo akong iiwan ha..." seryosong sabi niya sakin.
"Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan sayo?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong.
"Hindi kita iiwan. Kung sakaling yayain ba kita sa malayo, sasama ka ba?" dugtong na tanong niya. Bahagya akong natigilan at tumingin sa dalawang mata niya.
"Bakit? Saan ka pupunta?" sumeryosong tanong ko ulit sa kanya.
"Talaga bang ang sagot mo sa tanong ko ay tanong din?" muling sagot na tanong niya.
"Sasama ako sayo. Mahal na kita Gab..." lakas loob kong sagot sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo at tumapat siya sakin.
"Promise mo yan ha..." sabi niya kasunod nun ay ang pagyakap niya sakin.
"Promise, Gab" sagot ko at binalot na muli kami ng katahimikan kasabay ng paghampas ng mapipino at malamig na hangin saming mga katawan. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Totoo. Mahal ko na si Gab. Mahal na mahal.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong sitwasyon. Ang tanging sigurado ko lang ay napakasaya ko. Sobrang saya ko.
"George! Saan ka nanaman galing? Kanina pa kita hinahanap. Palagi ka nalang nawawala tuwing alas tres ng hapon!" bungad sakin ni Yuna pagkababa ko ng hagdan.
"Kasama ko si G-" nilingon ko ang likuran ko pero mabilis na nakaalis na pala si Gab.
"Sino? Sinong kasama mo? Si Brix? E kanina ka pa rin hinahanap ni Brix sakin" sabi ulit ni Yuna.
Hindi ko na inintindi si Yuna. Naglakad na ako pabalik sa classroon dahil sigurado akong late na kami sa last subject namin.
"Teka George! Saan ka nanaman pupunta?" tanong ni Yuna at pilit niya akong sinabayan sa paglalakad.
"Sa room. Late na tayo sa last subject natin Yuna" seryosong sagot ko sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad nung napansin ko tumigil din si Yuna. Nakatitig sakin si Yuna.
"George ala sais na ng hapon. Kanina pa tapos ang last subject natin. Kaya kita hinahanap dahil diba palagi tayong sabay na lumalabas ng gate" napakamahinahong sabi sakin ni Yuna. Bahagya akong yumuko at tiningnan ko ang suot ko relo. nakatigil ito sa alas tres. Tinaktak ko ito. Sira na pala ang relo ko.
"Pasensya na Yuna. Hindi na pala nagana ang relo ko" tanging nasabi ko.
"George ano ba ang nangyayari sayo? Kung may problema ka pwede mo naman sabihin sakin. Nag-aalala na ako sayo" alalang sabi ni Yuna habang naglalakad na kami papalabas ng gate.
"Okay lang ako Yuna. Wala akong problema"
"May problema ka George. May mali sayo. May hindi tama" medyo napalakas na sabi sakin ni Yuna.
"Pasensya na.. Nag-aalala lang kasi ako sayo George" dugtong niya pagkatapos ay niyapos niya ako.
"Salamat Yuna. Sige na. Baka gabihin tayo ng uwe. Ingat ka pag-uwe" diretsong paalam ko sa kanya bago ako nagsimulang maglakad papunta sa kabilang dako ng daan.
Ano bang mali sa ginagawa ko? Ginagawa ko lang naman ang nakakapagpasaya sakin. Anong mali don? Masama bang magmahal ulit? Bakit pakiramdam ko tutol sila sa nararamdaman ko?
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako dito sa playground dahil sa pag-iisip ko. Naupo ako sa duyan. Hindi naman masyadong madilim dito dahil may mga ilang ilaw na nakapaligid sa lugar na ito.
"George..." mahinang boses na narinig ko.
Naupo sa katabing duyan ko si Brix. Tahimik lang siya at patuloy sa pagtulak ng paa upang patuloy na magpabalik balik sa duyan.
"Dito na ako lumaki pero sa ibang school ako dati nag-aaral. Katulad mo nagtransfer lang ako nung junior high. Hindi ako masyadong nakikipag-usap sa ibang tao dahil hindi ako kampante sa kanila. Hindi rin kasi ako interesado sa buhay ng ibang tao" mahinahong panimulang kwento ni Brix.
"Hindi ako sang-ayon sa mga ginagawang kalokohan nila Tyrone pero dahil nga sa wala akong pakialam ay hinahayaan ko nalang sila. Hanggang nung oras na nakabanggaan mo si Tyrone. Nung una hindi ako interesado sayo. Normal lang. Pakiramdam ko ay katulad ka rin ng ibang mga taong nandito sa loob at labas ng school" mahabang dugtong niya.
"Pero nag-iba nung nakita kita sa rooftop. Hindi ko maipaliwanag pero noong oras na iyon ay biglang nag-iba ang tingin ko sayo. Pakiramdam ko ay mas gusto pa kitang makilala ng lubusan" pagpapatuloy niya.
"Ilang beses kong sinubukan na makausap ka. Ilang beses akong gumagawa ng para makasama ka pero palaging may para bang humaharang sakin. May mga nangyayari na pilit humahadlang para makasama kita"
"Saka yung sa rooftop George... Kil-"
"Salamat Brix ha... akala ko katulad ka din nila Tyrone at nung mga kaibigan niya. Aminado ako nung naiinis ako sayo kasi akala ko katulad ka nila. Pero oks na, alam ko na ngayon" nakangiting sabi ko sa kahit na alam kong hindi niya nakikita ang mukha ko.
"Kung ano man ang bumabangabag sa isipan mo George, huwag kang magdalawang isip na sabihin sakin ha. Handa akong makinig sayo. Handa kitang samahan sa lahat ng oras. Handa kitang tulungan. Nandito lang ako" mahabang sabi nanaman niya.
"Bakit Brix? Tingin mo rin ba may mali sakin? Bakit ganyan ang pinupunto nyo? Kanina si Yuna ngayon ikaw? Ano bang mali sakin Brix? Anong problema sakin? Sabihin mo nga!" medyo napalakas kong tanong sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag pero nakakaramdam ako ng inis. Inis dahil pakiramdam ko ay pinaparamdam nila sakin na may mali akong ginagawa. Nagsimula ng umihip ang mapipinong hangin. Rinig na rinig ko ang lagaslas ng mga dahon dahil sa paghampas ng hangin.
"Dont get me wrong George... Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako para sayo... Handang makinig.. Handang damayan ka.." paliwanag ni Brix. Hindi ko siya maintindihan. Ang tanging nasa isip ko lang ay bakit hindi nila ako naiintindihan. Bakit pinaparamdam nila sakin na may mali akong ginagawa.
Author: Like and Comment po. Thank You :)
BINABASA MO ANG
LIGAW
Mystery / ThrillerHi! Pasensya na po at inaayos ko pa ang AMKB Book Series. Habang inaayos ko po ay ito muna ang inyong basahin (Please support) Thank You Thank You.