Brix Jecksther Mendoza Point of View
"Ano bang ginagawa natin dito Brix? Ano bang hinahanap natin?" bakas sa boses ni Yuna ang pagkatakot. Hindi ko na iyon inintindi bagkus pinagpatuloy ko ang paghahanap sa isang folder na alam kong dito lang sa office na ito meron.
"Baka mahuli tayo Brix. Baka pagalitan tayo. Bawal 'to diba?" dugtong ni Yuna habang tinutulungan niya ako kahit hindi niya alam kung ano ang hinahanap ko.
Halos mabuksan ko na lahat ng mga drawer dito ay hindi ko pa rin nakikita ang hinahanap ko. Habang iniikot ko ang hawak kong flashlight sa nakita kong may isa pa akong hindi nabubuksang drawer sa teachers table. Sinubukan ko itong hilahin. Ayaw mabuksan. Ilang ulit ko iyon pinuwersa ayaw pa rin.
"Yuna ilawan mo ako" utos ko kay Yuna. Dinampot ko ang isang malaking bato at inihampas ko sa ilalim ng drawer. Sinadya kong sirain na iyon dahil wala ng ibang paraan pa. Pakiramdam ko ay may pumipigil nanaman sa ginagawa ko.
Hindi nga ako nagkamali. May ilang folder ang drawer na ito. Agad kong nakita ang folder na may nakalagay na GABRIEL D. TORRES. Binuksan ko agad iyon at binasa ko ang mga documents. Puro school records pero napansin kong may isang punit ng isang parte ng dyaryo. Nanlaki ang dalawang mata ko nung nabasa kong namatay sa car accident si Gabriel. Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagbabasa nung biglang bumukas sara ang pintuan at lumakas ang ihip ng hangin.
"Brix!!!!!!" natatakot na sigaw ni Yuna.
"Tara na Yuna. Bilisan na natin" agad kong hinila ang kamay niya at tumakbo na kami papalabas. May naririnig akong boses pero hindi ko iyon naiintindihan. Hindi ko na alam kung paano kami nakalabas sa abandonadong building na iyon pero ang importante ay nakakuha ako ng ebidensya at nasigurado kong tama ang nasa isip ko.
"Brix ano bang nangyayari? Bakit ganon?" takot na takot na tanong ni Yuna.
Pinaliwanag ko sa kanya lahat. Kinuwento ko lahat ng nalaman ko kay Mang Karding at ang nangyayari kay George. Akala daw niya ay siya lang ang nakakapansin sa nangyayari kay George.
"Yuna kailangan natin matulungan si George... Kundi matutulad siya kay Gabriel" alinlangang sabi ko sa kanya.
"Ano ang gagawin ko Brix? Ano ang kailangan kong gawin?"
"Alamin mo kung sino itong si Cindy S. Delos Reyes. Alamin mo kung buhay pa o patay na rin siya. Walang ibang impormasyong nakalagay sa kanya. Kaya hindi tayo sigurado kung patay na rin talaga siya" mahabang paliwanag ko.
"Samahan mo ako Brix. Natatakot ako"
"Hindi pwede Yuna. Kailangang bantayan ko si George. Hindi pwedeng walang titingin isa man satin sa kanya" sagot ko.
"Kailangan sabihin na natin sa pamilya ni George. Tara kausapin na natin ang mama ni George" natatarantang sabi niya.
"Tingin mo papaniwalaan nila tayo? Kailangan makakuha pa tayo ng makakapagpatunay na totoo ang mga sasabihin natin. Sige na. Pumasok ka na sa bahay nyo. Bukas magkita ulit tayo" huling bilin ko sa kanya at tuluyan na akong naglakad papalayo.
Malayo palang ay nakikita ko na si George. Sinadya kong maupo dito sa bench kaharap ng abandonadong building. Tumingin ako sa relo ko. Alas tres ng hapon. Tatayo sana ako para lumakad papalapit kay George nung biglang may tumamang bola sa dibdib ko.
"Pasensya na Brix.. Sorry" hinging pasensya nung isang soccer player. Hindi ko na iyon pinansin at ibinalik ko ang tingin ko kay George. Nawala agad siya. Mabilis akong tumayo at naglakad papalabas ng school. Hindi nga ako nagkamali. Palabas ng school si George at may kinakausap nanaman siyang hindi nakikita kaya pinagtitinginan siya ng mga nakakasalabong niya. Sumenyas ako kay Yuna na nasa labas ng classroom nila. Ipinarating ko sa kanya na susundan ko si George.
Hanggang sa nakarating kami sa isang lumang bahay. Bahagya akong nagtago sa malaking puno at pinagmasdan ko lang si George. Napansin kong natulala si George sa isang kulay puting sasakyan.
"Teka. Sigurado akong nakita ko na yang sasakyan na yan" bulong ko saking sarili at agad kong kinuha sa bag ko ang punit ng dyaryo na nakita ko sa folder ni Gabriel. Hindi nga ako nagkamali. Iyon ang sasakyan ni Gabriel nung naaksidente siya. Pati plate number ay katulad.
"Eroll.. Eroll? Eroll!!!!"
Malakas na sigaw na narinig ko kay George. Nakita kong nakahawak ang dalawang kamay nya sa ulo niya at patuloy ang pagsigaw ng pangalang Eroll.
Sino ba si Eroll? Si Gabriel ang posibleng kasama niya pero sino si Eroll? Ilang beses ko ng naririnig na isinisigaw ni George ang pangalang Eroll.
Hindi na ako nakatiis. Nilapitan ko na si George.
"George!! George!! Calm dowm... I'm here" pang-aalo ko sa kanya at naramdaman kong umiihip ng malamig ang hangin. Umawang sakin si George.
"Gab!!!!! Ano ba? Nasaan ka? Gabbbbbbb!" malakas nanaman niyang sigaw. Nagpalinga linga siya at halatang hinahanap niya si Gabriel. Tiningnan ko lang siya. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi dito ang tamang lugar.
Hinatid ko na pauwe si George at sinabihan kong sumunod si Yuna sa bahay nila. Nagdire-diretso lang sa kwarto niya si George at naiwan kami ni ng mama niya. Ito na siguro ang pagkakataon para ipaalam at magtanong na rin ako sa mama niya tungkol sa nangyayari sa kanya. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Yuna.
"Alam ko na kung ano ang nangyari kay Cindy" bungad niya sakin.
Author: Vote and Comment po. Thank You :)
BINABASA MO ANG
LIGAW
Mystery / ThrillerHi! Pasensya na po at inaayos ko pa ang AMKB Book Series. Habang inaayos ko po ay ito muna ang inyong basahin (Please support) Thank You Thank You.