Chapter 8

28 1 0
                                    

Flashback cont.

"Saan ka ba galing George? Kanina pa kita hinahanap. Kanina pa tapos ang stargazing. Hind-"

"Una na ako George. Ingat ka pag-uwe" putol ko sa sinasabi ni Yuna. Halata ngang nagulat si Yuna nung biglang sumulpot ako sa likuran ni George. Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko para na rin makasigurado akong lalabas sila ng school. Mabilis akong naupo sa tinatambayan nila Stephen nung makalabas na ako ng gate.

"Saan ka ba galing Brix? Bigla ka nalang nawala kanina?" tanong sakin ni Stephen. Hindi ko iniintindi ang sinasabi niya bagkus ako ay nakatingin lamang kina Yuna at George na naglalakad palabas ng gate. Ilang beses kong kinurap ang dalawang mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Tatlo ang nakikita kong naglalakad. Pinaggigitnaan si George ni Yuna at ang aparisyon ng isang tao. Wala akong maaninag na mukha sa taong kasabay nila pero nasisigurado ko na pilit itong sumasabay kay George.

"Sabay na tayong umuwe George. Magkaparehong way naman ang dadaanan natin" mabilis kong paglapit sa kanila habang inililibot ko ang paningin ko at pilit kong hinahanap ang nawalang aparisyon na kasabay nila kanina.

"Okay ka lang Brix?" takang tanong ni Yuna nung napansin niyang may hinahanap ako sa likuran nila.

"Seryoso? May namamagitan ba sanyong dalawa?" dugtong niya.

Pilit tumanggi ni George pero pilit ko rin siyang kinukumbinse. Masama kasi ang kutob ko. Masama ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

"Ano bang trip mo Brix? Huwag mong sabihin interesado ka sa baklang yan!" malakas na sigaw at kantyaw nila Stephen saken kasunod ng malalakas na pagtawa nila. Hindi na iyon pinansin ni George at mabilis na siyang nagpaalam.

"Hindi niyo dapat ginawa yon tol. Wala naman masamang ginagawa sanyo yung tao!" inis na sabi kina Stephen.

"Bakit? Huwag mong sabihin na nahahawa ka na sa baliw na yon? Baka mamaya makita ka nalang namin nagsasalita na rin mag-isa" panunukso ni Emman sakin kasunod ng malalakas na pagtawa nanaman.

"Dyan ka na nga! Tara na Stephen. Baka mahawa tayo sa mga 'to" inis na dugtong ni Emman at sumakay na sila sa motor. 

Nagsimula na rin akong maglakad. Umaasa akong maabutan ko pa si George para makita at masigurado kong ligtas siyang makakauwe. Hindi pa ako nakakalayo ng paglalakad nung matanaw ko si Stephen at Emman na parang may binubully nanaman. Naririnig ko pa nga ang paghahamon ni Emman. Pasimple akong nagtago sa gilid ng puno pero ang pinagtataka ko ay wala akong nakikitang tao na binubully nila. Hanggang sa narinig ko nalang ang malakas na sigaw ni Stephen at mabilis silang sumakay sa motor. Bakas na bakas sa mga nila ang takot. Nilinga ko ang paligid. Wala namang ibang tao.

Naalala ko ang panyong nakuha ko sa rooftop. Tiningnan ko ito. Hindi nga ako nagkamali. Bahid ito ng dugo. Imposibleng kay George galing ang dugo dahil base sa mantsa ng dugo at matagal na ito. Napansin kong may nakaburdang pangalan sa panyo.

Gabriel D. Torres

Inalala kong mabuti. Wala akong kakilalang ganyang pangalan na nag-aaral sa eskwelahang pinapasukan namin. Kung meron man ay sigurado ako kung saan ako makakakuha ng impormasyon. Napagdesisyunan kong pumunta sa school kahit sabado. Sigurado naman akong bukas ang school dahil nagpapraktis ng soccer ang team.

Naglalakad na ako papasok sa gate nung matanaw ko si George. Naglalakad siya palabas ng school at parang may kausap nanaman siya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad sinadya kong ipahalata sa kanya na sa kanya ako papunta. Nakaramdam ako ng panlalamig nung malapit na ako sa kanya. Napatingin pa nga ako sa paligid ko dahil biglang umihip ang malamig na hangin.

"Saan ka galing George?" tanong ko sa kanya nung nasa harapan ko na siya.

"Dinaanan ko lang si Gab. May lakad kasi kami. Nagyayang mamasyal" masayang sagot niya sakin.

"Gab?" patanong na pag-uulit ko sa pangalang binaggit niya kahit na alam kong may kaunting ideya na ako kung ano ang nangyayari kay George.

"Yung nakasalubong mo kanina. Hihintayin nalang daw niya ako sa gate. Baka natatakot sanyo kasi bully kayo" nakangiting muling sagot niya sakin. Bahagya akong napalingon sa dinaanan ko pero wala akong nakikitang kahit sino dahilan para makaramdam ako ng pananayo ng balahibo ko.

Kinuwento ko kay George ang nangyari kina Stephen at Emman. Pero pakiramdam ko ay wala lang sa kanya iyon kaya hindi ko na pinagpatuloy pa lahat ang buong kwento. Sinabayan ko siya hanggang sa makalabas siya ng gate. Mabilis na siyang tumawid at di nagtagal ay kinawayan niya ako. Katulad nung nakaraan ay nakita ko nanaman ang aparisyon ng isang tao. Susundan ko sana si George pero biglang lumakas ang hangin at pakiramdam ko ay sakin lang lahat ang paghampas nito. 

Naiintindihan ko na. Talagang sinasadya na hindi ako makalapit kay George sa mga ganitong pagkakataon. Hinayaan ko na muna si George. Kailangan magawa ko ang sinadya ko dito sa school. Kailangan makita ko iyon.

Nagsimula na akong magmasid sa paligid. Sinisigurado kong walang makakakita sakin. Katulad ng inaasahan ko ay sarado ang guidance office. Kumuha ako ng alambre para magamit ko sa pangsungkit sa doorknob. Nagtagumpay ako. Mabilis akong pumasok at binuksan ko agad ang computer na nasa gilid ng table ni Mrs. Trinidad. Sigurado akong nakasave lahat dito ang files ng bawat estudyante. Ni-type ko ang pangalang GABRIEL D. TORRES sa search bar. Walang lumabas na kahit ano. Inisa isa ko na ang lahat ng folder ay wala pa rin akong makitang kahit na anong impormasyos sa pangalang iyon. Sinubukan kong isa isahin din ang mga brown envelope sa nakita kong drawer ni Mrs. Trinidad. Mawawalan na sana ako ng pag-asa dahil halos mabuksan ko na lahat ng envelope ay wala pa rin akong nakikita. Hanggang sa nabasa ko ang pangalan na Gabriel D. Torres sa isang list ng isang section na may highlight na kulay pula. Ngayon nakakasiguro na ako na dito siya nag-aaral o nag-aral. Napansin kong may isa pang pangalan na nakahighlight na kulay asul.

Cindy S. Delos Reyes.

Matapos iyon ay mabilis na akong lumabas ng guidance office. Sinigurado kong maayos at hindi mahahalata ang ginawa kong paghalungkat doon. Ang tanging kailangan ko nalang gawin ay humanap pa ng dagdag impormasyon sa mga pangalang nalaman ko at nasigurado akong may kinalaman sa eskwelahang ito.


Author: Vote and Comment po. Thank You :)

LIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon