"Pucha naman oh! Paano natin makikita ng maayos ang mga stars e lilima ang telescope tapos sandamakmak 'tong mga nandito?" reklamo ni Yuna habang nakaupo kami sa gitna ng malaking field.
"Hindi naman din natin makikita ng maayos ang mga stars dahil tingnan mo oh nagkataong fullmoon ngayon" seryosong sagot ko sa kanya kasabay ng pagturo ko sa buwan na halos maging liwanag ng kabuuan ng napakalaking field na ito.
Nagsimula na ang simpleng program namin bago tuluyang magsipila ng mga estudyante sa mga telescope. May nagpapaliwanag ng mga uri ng stars at may nag-aassist din sa bawat sumisilip sa telescope.
"Ayy! Si Bryan! Teka lang George. Sisilipan ko muna este sisilip muna ako" sabi ni Yuna bago tuluyang nakipagsiksikan para lang makatabi si Bryan.
Naiwan akong nakaupo sa field. Napakaliwanag ng buwan. Nilingalinga ko ang paligid at nagbabakasali akong makita si Gab. Ewan ko ba simula nung unang pagkikita namin ni Gab ay hindi na siya nawala sa isipan ko. May kakaibang akong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Habang nililingalinga ko ang paligid ay hindi sinasadyang mapatingin ako sa gawing kaliwa ko. Nagtama ang mata naming dalawa ni Brix. Hindi ko alam kung ako ba ang unang tumingin sa kanya o siya. Napansin ko nalang na kapwa kami nakatingin sa isa't isa. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang nangyari samin ng kaibigan niyang s Tyrone. Mga siga!
Tumayo ako at naglakad lakad. Ayoko ng ganitong karaming tao sa paligid. Hindi ako sanay. Napansin kong nakatingin pa rin sakin si Brix nung naglalakad ako papunta dito sa building na nasa harapan ng malaking field.
"Saan ka pupunta George?" biglang sulpot ni Brix sa unahan ko nung aktong liliko na ako paakyat sa hagdan. Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa kanya dahil sa bilis niyang makarating sa harapan ko. At sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Yuna ay wala pa siyang nababalitaan na kinakausap ng lalaking 'to. Bakit ako kakausapin nito?
Tiningnan ko lang siya matapos nun ay nagpatuloy na ako sa pag-akyat. Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin ako dito sa rooftop. Napakaliwanag dito. Kitang kita rin dito ang bilog na bilog na buwan na nagbibigay ng liwanag para makita ang kabuuan ng field.
"Kanina pa kita hinihintay" boses na narinig ko sa likuran ko.
"Gab..."
"Ang ganda no?" hindi ko mapunto kung ano ba ang tinutukoy niya. Ang buwan ba o ang field.
Naupo siya sa tabi ko.
"Nilalamig ka?" nakangiti niyang tanong sakin. Umiling nalang ako sa kanya at patuloy kong pinagmamasdan ang activity sa ibaba.
"Dito ang paborito kong lugar. Dito kasi tahimik at walang magulo. Nagpapasalamat nga ako at bigla kang dumating dito" basag ni Gab sa katahimikang bumabalot sa paligid namin. Pinagmamasdan ko siya habang patuloy siya sa pagkukwento. Ang lamlam ng mga mata niya. Ang tangos ng ilong at pinkish na pinkish ang labi.
"Baka matunaw ako niyan ah!" pabirong puna niya saken dahilan para maiiwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Napopogian ka saken no?" dugtong niya sa boses na pabiro.
"Loko. Tingnan mo ang buwan napakaganda" pag-iiba ko ng usapan namin. Kapwa kami ngayon nakatingin sa napakagandang buwan.
"May boyfriend ka na ba George?" biglang tanong niya sakin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Boyfriend?
"Eroll? Eroll!!!" paulit ulit kong pagbanggit sa pangalan ni Eroll. Nagsimula nanaman tumulo ang mga luha ko. Paulit ulit nanaman nagpipicture sa isipan ko ang mga nangyari samin dati ni Eroll.
"George! George! Anong nangyayari George?" narinig kong natatarantang boses na nagmumula sa likuran ko.
"It's okay. It's okay. I'm here.." Pang-aalo niya sakin. Naramdaman kong sapo sapo niya ang ulo ko ay iginiya niya sa kanyang dibdib.
"Ano bang nangyari George?" muling tanong niya nung naramdaman niyang medyo kumakalma na ako. Mabilis akong tumayo at agad kong hinanap si Gab. Nilinga linga ko ang kabuuan nitong rooftop. Napansin kong may aninong mabilis na naglakad paibaba.Sigurado akong si Gab iyon.
"Ano bang nangyayari George?" alala pa ring tanong ni Brix at muli siyang lumapit sakin.
"Wala. Okay lang ako" tipid kong sagot sa kanya. Mabilis kong dinampot ang bag ko at naglakad na ako pababa ng building. Naririnig kong patuloy na tinatawag ni Brix ang pangalan ko pero hindi ko na iyon nililingon.
"Saan ka ba galing George? Kanina pa kita hinahanap. Kanina pa tapos ang stargazing. Hind-" biglang naputol ang litanya ni Yuna at natuon ang dalawang mata niya sa likuran ko.
"Una na ako George. Ingat ka pag-uwe" narinig kong sabi ni Brix bago siya tuluyang naglakad papalayo samin.
"Bakit magkasama kayo ni Brix? Binully ka ba niya? Sinaktan ka ba niya? Anon-"
"Nagkataon lang Yuna. Okay lang ako. Tara na. Umuwe na tayo" putol ko sa magkakasunod niyang tanong sakin.
Inikot ko ang dalawang mata ko sa paligid. Bakit kaya bigla nalang umalis si Gab nung dumating si Brix? Magkaaway ba sila? Bago kami tuluyang lumabas ng gate ni Yuna ay nilingon kong muli ang rooftop. nagbabakasali akong bumalik doon si Gab. Pero imposible na rin dahil halos wala na ring tao sa loob ng school.
"Sabay na tayong umuwe George. Magkaparehong way naman ang dadaanan natin" biglang sulpot ni Brix habang nag-uusap kaming dalawa ni Yuna.
"Okay ka lang Brix?" takang tanong ni Yuna.
"Seryoso? May namamagitan ba sanyong dalawa?" makahulugang dugtong na tanong ni Yuna.
"Huwag na Brix. Lakad na sa mga tropa mo. Kanina pa sila nakatingin sayo oh" tanggi ko sabay tingin ko sa mga kaibigan niya na patawa tawa habang nakatingin samin.
"Ano bang trip mo Brix? Huwag mong sabihin na interesado ka sa baklang yan!" malakas na sigaw ng isa kaibigan ni Brix dahilan ng malalakas na pagtawa nila.
"Pagpasensyahan mo na sila. Ganyan talaga yang mga yan" mahinahong sabi ni Brix.
"Sige na Yuna. Uuwe na ako. Kitakits nalang sa monday" paalam ko at mabilis na akong lumakad palayo. Hindi ko na hinayaan na sumabay sakin si Brix. Sigurado namang pinagtitripan lang nila ako.
Halos ilang minuto na akong nag-aantay ng masasakyan dito ay wala pa ring nadaan. kung meron man ay nilalampasan lang nila ako. Ganito ba talaga kahirap sumakay dito? Nagsimula na rin mas lalong lumamig ang hangin dahil sa napakaraming puno sa paligid ko. Dinig na dinig ko nga ang paghampas ng hangin sa mga dahon.
"Tara. Maglakad lakad na tayo hanggang sanyo. Mukhang wala ka na rin masasakyan" napakapamilyar na boses na narinig ko.
"Pasensya na kanina ha. Ayoko lang makita nila na kasama mo ako" dugtong ni Gab habang sabay na kaming naglalakad.
"Pasensya na rin kanina. Na-out of character nanaman ako" sabi ko sa kanya.
"Bakit? Ano ba ang dahilan bakit hindi ka makamove on sa ex boyfriend mo?" diretsong tanong niya dahilan para mapatigil ako at mapatingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman iyon pero dahil sa kampante akong kausap at kasama siya ay ikinuwento ko lahat sa kanya. Lahat lahat.
Hindi ko na namalayan na nasa harapan na kami ng gate ng bahay namin.
"Salamat Gab... bukas ulit ha.." nakangiting paalam ko sa kanya nung aktong bubuksan ko na ang pintuan namin.
"Promise George, bukas ulit?" ngiting tanong niya.
"Oo Gab. Promise"
Author: Like and Comment po. Thank You :)
(Inaayos ko na rin po ang AMKB Book IV-B. Dami pong revelations dun) Yieee excited na ako sa mga reaction nyo doon :)
BINABASA MO ANG
LIGAW
Mystery / ThrillerHi! Pasensya na po at inaayos ko pa ang AMKB Book Series. Habang inaayos ko po ay ito muna ang inyong basahin (Please support) Thank You Thank You.