Chapter 7

25 1 0
                                    


Brix Jecksther Mendoza Point of View

"Ano bang ginagawa natin dito Brix? Ano bang hinahanap natin?" bakas sa boses ni Yuna ang pagkatakot. Hindi ko na iyon inintindi bagkus pinagpatuloy ko ang paghahanap sa isang folder na alam kong dito lang sa department na ito meron.

"Baka mahuli tayo Brix. Baka pagalitan tayo. Bawal 'to diba?" dugtong ni Yuna habang tinutulungan niya ako kahit hindi niya alam kung ano ang hinahanap ko.

Flashback

Hindi ko alam kung namalik-mata lang ako sa nakita ko bago bumangga si Tyrone sa malaking puno. Nakita ko kasi ang mukha ni Tyrone na parang may sinigawan at pilit iniwasan bago siya tuluyang sumalpok sa puno. Imposible naman may dumaan sa harapan ni Tyrone dahil kitang kita ng dalawang mata ko na walang tao don. Aktong lalapit na sana ako at tutulong ako sa pagbuhat kay Tyrone ay naagaw ang pansin ko sa lugar kung nasaan sila George. Aktong tutumba na si George ay nasalo ko siya. Mabilis namin siyang dinala sa clinic para mapatingnan kung ano ba ang nangyari sa kanya.

"Salamat Brix ha... Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagkaganoon itong si George eh" sabi ni Yuna habang hawak hawak ang kamay ni George.

Hindi ko alam kung gumagana lang ba ang imahinasyon ko o sadyang nakakapag-isip lang ako ng mga imposibleng bagay. Nakita kong unti unting bumukas ang pintuan dito sa clinic at parang may aparisyon akong nakita na hugis tao na lumabas galing dito sa loob ng clinic. Tumayo ako. Hindi ko pinahalata kay Yuna ang nakita ko. Dahan dahan akong lumabas upang masigurado ko na tama ang nakita ko.

Hindi na ako bumalik sa clinic nung nasigurado kong okay na si George. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit naging interesado ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ng sarili ko na nakikita siya at bantayan siya. May kung anong nangtutulak sakin para subaybayan siya. Hindi ko alam. Hindi naman ako ganito dati.

Nakita kong nakalabas na ng gate si Yuna at si George. Nagmadali na akong ayusin ang gamit ko dahil gusto kong ihatid si George para na rin makasiguro akong okay siyang makakauwe. Nagulat nalang ako nung biglang sumara ng malakas ang pintuan ng room namin. Wala naman akong ibang kasama dito dahil kaming tatlo nalang nila Yuna at George ang tao dito sa school bukas sa nagpapraktis ng soccer at dalawang guard. 

Hindi ako nagpadaig sa kung anong  pumapasok sa isip ko. Sinubukan kong tawagan si Emman at Stephen pero nakakapagtaka dahil biglang nawalan ng signal dito sa loob ng room. Nakaramdam ako ng panlalamig kahit hindi naman ganun kalakas ang ihip ng hangin. Wala na akong maisip na paraan. Pinwersa ko ang pintuan. Sinubukan kong ihampas sa doorknob ang isa sa mga armchairs na nandito. Nung aktong ihahampas ko ay biglang bumukas ang pintuan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng sandali, agad na akong lumabas ng room at nanlaki ang mata ko nung nakita kong nagpapatay sindi ang mga ilaw doon. Tumakbo na ako palabas.

"Oh bakit hangos na hangos ka?" takang tanong sakin ni Emman habang naninigarilyo sa gilid malapit sa tindahan dito sa labas ng school.

"Anong nangyari sayo pre?" sunod na tanong naman ni Stephen.

Sasabihin ko sana sa kanila ang nangyari hanggang sa matanaw kong naglalakad mag-isa si George. Mabilis kong pinuntahan si George.

"Geor-" hindi ko na naituloy ang pagtawag ko sa pangalan niya nung napansin kong parang may kausap siya. Inilibot ko ang dalawang mata ko. Wala akong ibang nakikitang tao sa paligid niya. Lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para sundan siya nung naririnig ko talaga siyang nagsasalita. Sinundan ko siya. 

Naupo si George sa duyan. Kitang kita ko mula dito sa pinagtataguan ko na nagiti si George at may kung anong sinasabi. Hanggang sa nagkurap kurap na ang ilang ilaw sa mga nakapalibot na poste dito sa playground. Mas nanlaki at kinilabutan ako nung gumalaw ang katabing duyan ni George kahit wala namang taong nakaupo don. Itinapat ko ang cellphone ko kay George. 

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na si George at naglakad na muli papalabas sa playground. Dahan dahan at tahimik ko siyang inunahan sa paglabas. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno hanggang sa makasakay siya ng tricycle.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sigurado ako may hindi tama.

Hindi ako nakatulog magdamag kakaisip sa mga nangyari sakin at mga nakita ko kay George. Ilang ulit kong pinanuod ang recorded video ni George sa playground. Hindi halos ako makapaniwala, iniisip kong hindi totoo ang lahat at gawa lang ng imahinasyon ko ang lahat pero hindi. Sigurado akong totoo. Nakakapangilabot.

Pinagmamasdan ko mula dito sa pwesto namin nila Stephen si George habang kasama niya si Yuna na nakapila sa pagsilip sa telescope. Stargazing namin ngayon. Halatang halata na hindi interesado si George at pakiramdam ko ay may hinahanap siya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"Oy Brix! Sino bang tinitingnan mo dyan? Ikaw na susunod oh" tapik sakin ni Emman tukoy sa pagsilip sa telescope. Umalis ako sa pila ng hindi nagsasalita dahil nakita kong naglalakad papuntang lumang building si George. Mabilis ako tumakbo para unahan siya sa alam kong pupuntahan niya.

"Saan ka pupunta George?" tanong ko sa kanya nung aktong liliko na siya paakyat sa hagdan.

"George abandonado na itong building na ito. Sinara na ang mga daanan dyan" dugtong ko pero parang walang narinig si George at nagpatuloy pa rin sa pag-akyat. Tumingin muna ako sa paligid bago ako naglakas loob na sundan si George. 

"George! George!" pagtawag ko sa pangalan niya. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta dahil halos lahat ng dadaanan dito ay may mga nakaharang na mga upuan at yung iba naman ay mga pinagdugtong dugtong na kahoy.

"George! George!!" muling pagtawag ko hanggang sa may narinig akong nasigaw. Sigurado akong si George iyon. Hindi ko na inisip kung masusugatan ako o mabagsakan ng mga kahoy. Pinilit kong makarating sa pinakataas dahil doon nanggagaling ang boses ni George.

"Eroll!!! Eroll!!!" paulit ulit na sigaw ni George.

"George! George! Anong nangyayari?" alala at natatarantang tanong ko nung makita kong nanginginig at nakabaluktot ang tuhod niya habang iyak ng iyak at paulit ulit sa pangalang Eroll.

"It's okay. It's okay. I'm here" alo ko sa kanya habang ipininig ko ang kanyang ulo sa dibdib ko.

Habang inaalo ko si George ay napansin kong may kulang puting panyo na may bahid na kung anong kulay pula. Pasimple kong kinuha iyon at inilagay ko sa bulsa ko.


Author: Vote and Comment po. Thank You :)

LIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon