Chapter 11

15 1 0
                                    

"Tita sino po ba si Eroll?" lakas loob na tanong ko. Umayos ng pagkakaupo ang mama ni George.

"Best friend at Boyfriend ng anak ko si Eroll. First boyfriend" panimula ni Tita.

"Magkababata silang dalawa. Halos walang ibang kaibigan si Kelly noon bukod kay Eroll. Dahil kay Eroll ay nagkaroon ng ibang kaibigan si Kelly. Naging open sa ibang tao ang anak ko dahil kay Eroll. Masayang masaya silang noon. Halos hindi na nga sila naghihiwalay. Simula umaga, sa school at hanggang sa pag-uwe sa bahay ay magkasama silang dalawa" pagpapatuloy ni Tita.

"Hanggang isang araw kinausap ako ni Eroll. Sinabi niyang tanggap at handa niyang samahan habangbuhay ang anak ko. Syempre ako bilang magulang ay napakasaya ko para kay George Kelly" maluha luhang kwento ni Tita.

"Birthday ni Kelly nung araw na iyon. Niregaluhan siya ng asawa ko ng kotse. Isa kasi iyon sa hiling ni Kelly nung panahon na iyon. Gusto kasi niyang magbusiness at para mapadali ang pagdedeliver ay hiniling niya ang kotse. Masayang masaya si siya non" panandaliang napatigil si Tita sa pagkukwento.

"Nagplano si Eroll na isorpresa si Kelly. Alam niyang nawiwili pa si Kelly sa kotseng regalo sa kanya kaya inayos niya ang bahay namin. Nagluto si Eroll at pinaganda ang buong paligid para kay Kelly. Ganoon na nga ang nangyari masayang masaya si Kelly sa ginawa ni Eroll. Hawak hawak ni Eroll ang cake habang magboblow ng candle si Kelly"

Teka lang George... Magwish ka muna..

Ang wish ko is to be with you forever and ever and ever and ever.

"Tapos ano pong nangyari?" tanong ni Yuna.

"Pagkatapos nun ay naglahad ng singsing si Eroll kay Kelly. Napakasaya ko nun para sa kanilang dalawa. Napakasaya ko para sa anak ko" pagpapatuloy ni Tita at sa pagkakataong ito ay nagdadaloy na ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.

Ma alis po muna kami ni George. May inihanda din po kasi sila mommy para saming dalawa.

"Ginamit nila ang regalong sasakyan ng asawa ko kay Kelly" muling pinutol ni Tita ang pagkukwento dahil sa paghikbi niya.

"Mahigit isang oras ang lumipas ay may tumawag sa telepono ko at sinabing naaksidente daw ang anak ko kasama si Eroll" lalong nagpatuloy sa pag-iyak si Tita habang nananariwa sa kanya ang mga nangyari dati. Pati nga si Yuna ay napapaiyak na rin dahil sa naranasan ni George.

"Nagpapasalamat ako dahil walang masamang nangyari kay Kelly pero si Eroll... Dead on arrival"

"Hindi ko alam kung paa-"

Hindi na naituloy ni Tita ang pagkukwento nung bigla kaming nakarinig ng malakas na sigaw na nanggagaling sa kwarto ni George. Mabilis akong napatakbo dahil iisa lang ang pumapasok sa isipan ko.

"BUKSAN MO ANG PINTUAN GEORGE!! GEORGE!!!" malakas na sigaw ko kasunod ng malalakas kong pagkatok.

Hindi ko maipaliwanag pero narinig ko ang sinabi nung kausap ni George.

Hindi ako papayag na hindi ka tumupad sa pangako. Magsisisi ka.

Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko yan. 

Pinagdugtong dugtong ko lahat ng kwentong narinig ko at impormasyong nalaman ko tungkol kay Gabriel. Nasabi na rin sakin ni Yuna na matagal na ring patay si Cindy. Katulad ng nangyari sa kanya car accident din. Pinakita sakin ni Yuna ang picture ng sasakyan kaparehong kapareho ng sasakyan ni Gabriel nung naaksidente siya. Ganoon din yung sasakyan nila George nung naaksidente sila ni Eroll. Isa lang ang posibleng kahitnatnan nito. Gustong kunin ni Gabriel ang buhay ni George. Gusto ni Gabriel na may makasama siya para matahimik siya. Gusto niyang tuparin ni George ang ipinangako niyang hindi niya ito iiwan.

Bahala na. Kailangan malaman na ni George ang totoo.

Halos hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip. Hindi ko alam kung paano mapipigilan si Gabriel. Ang tanging paraan lang ay ang matauhan si George at mabawi niya ang pinangako niya kay Gabriel.

"George... kanina ka pa namin inaantay magising nila Yuna. Panimula ko.

"Tara... may pupuntahan tayo..." dugtong ko at dahan dahan kong hinila ang kamay niya pababa.

Kasabay ko sa paglalakad si George at magkasabay naman si tita at si Yuna. Ramdam ko ang pagtataka ni George dahil nilibot niya ang paningin nya nung marating namin itong lugar na ito.

"Anong ginagawa natin dito? Bakit nandito tayo?" takang tanong niya.

"Tingnan mo ito George..." turo ni Yuna habang inaalis ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng isang puntod.

Gabriel D. Torres

"Matagal ng patay si Gab... car accident. Naaksidente siya nung araw na nalaman niyang may ibang boyfriend si Cindy. Hindi matanggap ni Gab iyon kaya sinubukan niyang puntahan sa bahay si Cindy. Bago pa siya makarating ay bumangga siya sa isang malaking truck na naging sanhi ng pagkawala ng buhay niya" mahabang kwento ko. Nalaman ko iyan sa isang kaibigan ko na pinakiusapan kong alamin ang buong detalye tungkol sa pagkamatay ni Gabriel.

"Hindi totoo ito... Hindi ito totoo..." bulong ni George habang unti unting pumapatak ang kanyang mga luha.

"Hindi ito totoo... HINDI ITO TOTOO!!!!! BUHAY SI GAB!! BUHAY SI GAB!!!" Malakas na sigaw niya kasabay ng unti unting paglakas ng ihip ng hangin.

"Hindi ito totoo!!!!!!" muling sigaw niya at mabilis siyang tumakbo palabas ng sementeryong ito. Wala na kaming inaksaya pang minuto. Sinundan namin siya at hindi nga ako nagkamali. Papunta siyang rooftop.


Author: Vote and Comment po. Thank You :)

LIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon