Chapter 12

30 1 0
                                    


George Kelly Point of View

"Hindi ito totoo!! Hindi ito totoo!!!" paulit ulit kong sinasabi habang patuloy ako sa pagtakbo patungo sa rooftop kung saan una kong nakilala si Gab. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Kailangan makausap ko si Gab. Gusto kong sa kanya mismo manggaling ang lahat ng katotohanan. 

"Gab!!! Gab!!! Lumabas ka!! Magpakita ka saken!!!" malakas na sigaw ko nung nakarating na ako dito sa rooftop. Nilibot ko ang paningin ko. Pilit kong hinahanap si Gab.

"Gab!!! Gab!! Totoo ba Gab!? Totoo ba ang lahat ng nalaman ko sayo!!" malakas na sigaw ko at kasunod nun ay muling umihip ang hangin na nagbigay sakin ng kakaibang panlalamig.

"Diba sabi mo sakin sasama ka sakin kahit saan tayo magpunta?" narinig kong boses at agad ko itong nilingon.

"Totoo ba Gab? Totoo ba lahat!?" paulit ulit kong tanong sa kanya.

"Hindi na importante iyon George. Ang mahalaga ay ang nararamdaman mo para sakin at ang kagustuhan mong makasama ako" makahulugang sagot niya sakin.

Ngayon ay unti unting bumalik sa isipan ko ang mga nangyari samin ni Gab. Nung una kong mahawakan ang kamay niya ay napakalamig nito. Sa tuwing magtatanong ako ay biglang may gagawin o sasabihin siya para hindi ko maituloy iyon. Hindi siya nagbabago ng suot. Palaging nakauniform. Palagi siyang nawawala sa tuwing may biglang dadating na ibang tao. Pinagtitinginan ako sa tuwing magkasama kami dahil ako lang ang nakakakita sa kanya.

"Si Tyrone! Si Tyrone ikaw ang may dahilan kung bakit naaksidente siya diba?" medyo naghihisterical ko ng boses.

"Kay Stephen! Kay Emman! Ikaw lahat diba??" medyo nakakaramdam na ako ng takot.

"Ginawa ko lahat iyon para sayo George! Hindi ka ba masaya na wala ng nananakit sayo. Ganyan kita kagusto makasama George" mapang-akit na boses naman niya ang naririnig ko.

"Mali ito Gab! Mali ito!" sabi ko at nagdaloy na ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.

"Anong mali George? Anong mali?"

"Dahil... basta mali ito Gab!" hindi ko alam pero hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil binabalot na ako ng takot.

"Dahil ano George!? Dahil patay na ako!!" biglang nag-iba ang boses ni Gab at ang lalong nakabigay sakin ng takot at pagkagulat nong nakita ko na ang totoong itsura niya. Duguan ang mukha niya at nababahiran ng dugo ang buong katawan niya.

"Ano George? Diba sabi mo mahal mo na ako? Diba sabi nangako kang sasama ka kahit saan ako magpunta!?" nakakatakot na boses ni Gab at sinasabayan pa ito ng malakas at malamig na hangin.

"GEORGE!!! GEORGE!!!"

"KELLY ANAK!! KELLY!!!!!"

Boses na narinig ko. Sigurado akong si Brix at si mama iyon.

"Gusto mo bang unahin ko muna ang mama at kaibigan mo bago ka tumupad sa pangako mo!" pananakot sakin ni Gab habang diretsong nakatingin lang sakin.

"Unang beses palang kita nakita naramdaman ko na ang sobrang kalungkutan sa puso mo George. Naramdaman ko ang pagnanais mong mawala sa mundong ito. Naramdaman ko ang sobrang paninisi mo sa sarili mo. Ito ang naging dahilan kung bakit gustong gusto kitang makasama George. Sabi ko sa wakas dumating na rin ang kapareha ko" mahabang kwento ni Gab kasunod nun ay ang nakakatakot niyang pagtawa.

LIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon