Chapter 4

39 2 0
                                    

"Ma! Sean! Breakfast is ready! Halika na kayo" malakas na pagtawag ko sa kanila. 

"Kelly masama ba pakiramdam mo?" tanong sakin ni Ate Susan na pakunwaring hinihipo hipo ang leeg ko. Kasambahay namin si Ate Susan.

"Haay naku Ate Susan kung ano ano nanaman ang sinasabi mo. Halika na at sumabay ka na rin samin nila mama kumain" sabi ko at nahagip ng dalawang mata ko si mama na nakatingin sakin mula sa beranda ng hagdanan ng bahay namin.

"Ma bumaba na kayo ni Sean. Tara na" ngiting yaya ko ulit at pinagpatuloy ko na ang pag-aayos sa lamesa ng mga niluto kong pagkain. 

Sabay sabay na kaming kumain at halata ang pagtataka sa mga mukha ng kasama ko. Ito namang kapatid ko ay nakikita kong maya't maya kinakalabit si mama at tinuturo ako. 

"Kelly anong nangyayari sayo?" seryosong tanong ni mama habang patuloy kami sa pagkain. Nginitian ko lang si mama. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay napakasaya ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. 

"Nga pala Kelly, tumawag si John. Baka daw pupwedeng dumalaw tayo sa kanila. Kinakamusta ka rin nila. Sabi ko tutal wala ka naman pasok pati itong si Sean ay aalis tayo mamaya" mahabang litanya ni mama habang naghuhugas ng pinggan.

Hindi ko na iyon inintindi. Bumalik ako sa kwarto. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sakin ang isang kulay pulang rosas na may nakaipit na maliit na sulat.

Miss na agad kita George. Hintayin ulit kita sa tagpuan. Nagpromise ka.

Sigurado akong galing kay Gab ito. Hanggang napansin kong bukas pala ang binta ng kwarto ko dahil sa ihip ng sariwang hangin. 

"Kelly kanina pa kita kinakaus-" hindi na naituloy ni mama ang sinasabi niya. Napatigil siya at nagpalipat lipat ang tingin niya sakin at sa mini table ko.

"Kelly mag-ayos ka na. Aalis na tayo maya maya" huling narinig ko kay mama bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Hindi pa ako nagtatagal sa banyo nung narinig ko nanaman si mama.

"Kelly, hindi tayo makakaalis ngayon. Ayaw daw magstart ng sasakyan sabi ni Kuya Roy" narinig kong sabi ni mama. Hindi ko na iyon inintindi bagkus pinagpatuloy ko na ang paliligo ko at pag-aayos ko.

"Oh bakit nakapanglakad ka? Diba hindi tayo tuloy?" takang tanong ni mama.

"Lalabas lang po ako ma, papahangin" ngiting sagot ko at hindi ko na inantay ang sasabihin pa ni mama. Nagsimula na akong maglakad lakad at sumakay ng tricycle hanggang sa makarating ako sa eskwelahang pinapasukan ko. Sakto nakaopen ang gate. Siguro ay may nagpapraktis ng soccer kahit sabado. Narinig ko kasing malapit na ang laban ng team nila kaya siguro kahit sabado ay nagpapraktis sila.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kanina ko pa gustong mapuntahan. Ang Rooftop.

"Kanina pa kita hinihintay George" sabi ni Gab habang nakatingin sa field na nasa harapan ng building.

"Tara gala tayo" sabi niya at hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin nanaman ako sa kanya.

"Gab..." pagtawag ko sa pangalan niya.

"Ganyan talaga George. Mahangin kasi dito" ngiting sabi niya at patuloy na niya akong hinila sa paglalakad. Hindi nga ako nagkamali. Nadaanan namin ang mga nagpapraktis ng soccer. Halos sabay sabay pa nga silang napatingin saming dalawa ni Gab nung dumaan kami sa harapan nila. Hanggang sa makita ko si Brix na papalapit samin ni Gab. Sakin lang siya nakatingin.

"Una na ako sa gate. Hintayin nalang kita don" sabi ni Gab at mabilis na siyang naglakad patungo sa gate. Hindi sila nagpansinan ni Brix. Parang wala nga silang nakitang dalawa dahil diretsong diretsong naglalakad si Brix papalapit sakin. Si Gab naman ay diretso din naglakad habang nasa magkabilang bulsa ang kanyang kamay.

"Saan ka galing George?" bungad na tanong sakin ni Brix.

"Dinaanan ko lang si Gab. May lakad kasi kami. Nagyayang mamasyal" mayabang kong sagot sa kanya.

"Gab?" takang tanong niya.

"Yung nakasalubong mo kanina. Hihintayin nalang daw niya ako sa gate. Baka natatakot sanyo kasi bully kayo" sabi ko. Hindi ko alam bakit kinakausap ko na itong lalakeng ito. Dala lang siguro ng magandang mood ko.

"Nga pala nabalitaan mo ba yung nangyari kina Emman at Stephen?" tanong niya sakin habang sinasabayan niya ako palabas ng gate.

"Emman? Stephen? Sino yun? Kaklase ko ba yun?" takang tanong ko.

"Yung dalawang kaibigan ko. Yung kasama ko nung friday night nung sinasabayan kita pauwe..." pagpapaalala niya sakin.

Yung dalawang bastos na akala mo namang pagkakapopogi. Gasgas naman ang ugali. Gusto ko sanang sabihin yan kaso hindi ko na ginawa. Baka sabihin naman nitong si Brix ay wala akong pinag-iba sa mga iyon.

"Bakit? May binully nanaman sila? Ano pa nga bang bago dun? Buti nga wala akong nababalitaan na nambubully ka, kundi hindi ki-"

"Hindi makausap. Napagpasyahang dalahin sa mental dahil kung ano ano ang sinasabing nakikita nila" seryosong putol ni Brix sa sinasabi ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"Ano daw nakikita nila?" takang tanong ko sa kanya.

"May nakapagkwento na habang papauwe daw yung dalawa habang nakasakay sa motor ay bigla nalang huminto sa pagdadrive si Emman. Bumaba daw yung dalawa at parang may inaaway. Hindi daw nagtagal ay nagtatakbo daw yung dalawa at sigaw na daw ng sigaw. Pagkatapos nun ay hindi na sila makausap" mahabang kwento niya.

"Nagpositive sa drugs si Stephen. Kaya ang iniisip nila ay naghahallucinate yung dalawa dahil sa ginagamit nilang drugs" dugtong ni Brix nung makarating na kami dito sa gate.

"Ikaw Brix huwag kang tutulad sa mga yon. Alam ko ikaw ang pinakamatino sa kanila" bilin ko sa kanya.

"Paano? Sige na. Ingat ka. Paalis na rin kami" paalam ko sa kanya.

"Nasaan ang kasama mo?" tanong niya sakin.

"Baka andyan lang iyon. Baka may binibili lang. See you!" ngiting paalam ko at tumawid na ako nung makita ko si Gab na nasa ilalim ng malaking puno habang nakatingin sakin.

Nung katabi ko na si Gab ay nilingon kong muli si Brix. Kinawayan ko sya hudyat ng pagpapaalam ko na aalis na kami ni Gab. Kumaway din siya sakin at ramdam ko sinusundan niya kami ng tingin.

"Saan tayo?" masayang tanong ko kay Gab.

"Kahit saan. Basta kasama kita" masayang sagot din ni Gab at iniakbay niya ang kanang kamay niya sa balikat ko.


Author: Like and Comment po. Thank You :)

Nakakagana magpublish kapag maraming likes and comment. Thank You

LIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon