"Saan ka ba galing George? Kanina pa kita hinahanap?" tanong ni Yuna habang naglalakad na kami palabas ng school."Naglakad lakad lang ako. Malaki rin pala itong school na ito no?" sagot na patanong ko.
Aktong tatawid na kami ni Yuna nung makarinig kami ng malakas na sigawan na nagmumula sa kabilang bahagi ng gate.
"Tara lapitan natin! Bilisan mo!" mabilis tumakbo si Yuna sa mga taong nagkukumpulan. Nakisingit ako hanggang sa makita ko kung ano ang dahilan ng malakas na sigawan kanina at kumpulan na ito.
"Bilisan nyo! Tumawag na kayo ng ambulansya!" malakas na sigaw nung isang teacher namin.
"Hindi kasi nagdadahan dahan! Kaskasero kase!" bulong ng katabi namin.
"Nakakaawa naman si Tyrone. Buti nakahelmet siya" sabi Yuna habang nakatingin kami sa binubuhat na katawan ni Tyrone. Bumangga ang sinasakyan niyang motor sa malaking puno na nasa gilid ng eskwelahan namin. Nagsimulang manginig ng dalawang tuhod ko kasunod nun ay ang kamay ko. Nakakaramdam ako ng panlalambot at panginginig ng buong katawan ko.
"George! George!" malakas na sigaw ni Yuna.
"George habulin mo akooooooo" pang-aasar sakin ni Eroll habang patuloy ako sa paghabol sa kanya. Naririnig ko ang tawanan at kantyawan ng mga kaibigan namin habang patuloy ako sa paghabol sa kanya.
"Humanda ka talaga saken Eroll pag naabutan kita" nakangiti kong sabi sa kanya hanggang sa makita kong wala na siyang matatakbuhan.
"Lagot ka saken! Eto na akoooooo!" malakas na sigaw at bigla siyang humarap saken.
"Eroll?? EROLLLLLLLLLLLLL!!!!!!!!"
"George! George!!" malakas na sigaw na bumungad saken matapos kong maimulat ang mga mata ko.
"Eto tubig George... Nananaginip ka..." alalang sabi saken ni Yuna matapos iabot saken ang isang basong tubig. Nilinga linga ko ang paligid.
"Nasaan tayo?"
"Sa clinic. Nawalan ka ng malay kanina George. Hindi ko nga alam ang gagawin ko sayo. Buti nalang tinulungan ka ni Brix kanina. Binuhat ka niya at dinala ka dito" paliwanag ni Yuna.
"Ano ba kasi nangyari George?" alalang tanong niya pa rin sakin.
"Wala iyon. Normal na sakin to. Baka pagod at puyat lang. Nawiwili kasi ako sa binabasa kong libro sa gabi. Don't worry I'm okay na" ngiting sabi ko sa kanya.
Ilang sandali lang din ay nakalabas na ako ng clinic. Sinigurado nga muna ni Yuna na okay na ako bago tuluyang makalabas ng school.
"Sige na Yuna. Salamat kanina. Uwe ka na. Magkaiba ang way ng uuwian natin"
"Sigurado ka George? Okay ka na?" nagdadalawang isip na tanong niya.
"Okay na ako. Thank you. Ingat ka pag-uwe ha" huling sabi ko bago ako tuluyang tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo. Sinabi ko kay Yuna na huwag na ipaalam kay mama ang nangyari. Mag-aalala nanaman kasi sakin yun. Ang importante ay okay na ako at walang masamang nangyari sakin.
"Pwede bang sabayan kita sa paglalakad?" agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"Gab" bati ko sa kanya.
"Ako dapat yung bubuhat sayo kanina eh. Naunahan lang ako"sabi niya.
"Okay lang iyon. Salamat ah..." ngiting sabi ko sa kanya.
Sinabayan niya ako sa paglalakad habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Pasipol sipol pa nga siya habang patuloy kami sa paglalakad.
"Tara dun muna tayo" kasunod nun ay ang paghawak niya sa kamay ko dahilan para magkaroon nanaman ako ng kakaibang pakiramdam. Katulad nung nakaraan nginitian niya lang ako at patuloy niya akong iginiya patungo dito sa isang tahimik at walang katau taong playground.
Kapwa kami nakaupo sa magkabilang duyan habang patuloy ang paghampas ng sariwang hangin saking katawan. Nakakaramdam nga ako ng lamig kahit palubog palang ang araw. Ganito daw talaga dito sa probinsya hindi katulad sa Manila. Gabi na napakainit pa.
"Excited ka na ba bukas?" basag ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa ni Gab.
"Saan?"
"Sa Stargazing. Sabi nila pwede daw magwish kapag nakita mo yung pinakamalaking star" sagot ko sa kanya.
"Naniniwala ka don?" nakangiting tanong niya habang patuloy sa pagduyan.
"Oo. Wala naman masama maniwala. Malay naman natin magkatotoo, diba?" sagot ko. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako.
"Sige nga, kung tutuparin ng pinakamalaking star ang wish mo, anong hihilingin mo?" makahulugang tanong niya sakin.
Bahagya akong natigilan sa pagduyan. Natutok ang paningin ko sa kawalan at binalot ako ng katahimikan.
"Maging masaya" malamig at diretsong sagot ko sa kanya.
"Bakit? Hindi ka ba masaya?" muling tanong niya sakin.
"Ayy teka! Dapat ako naman ang magtanong, diba?" ngiting sabi ko sa kanya.
"Oh ikaw naman. Anong hihilingin mo?" balik tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa kawalan tapos ibinaling niya sakin.
"Wala. Nandyan ka na e. Wala na akong ibang mahihiling" makahulugan niyang sagot kasunod nun ay ang pagpapa-cute niyang ngiti.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumawa na rin dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba sa lalaking to. Lakas makagoodvibes.
"Osya - uuwe na ako. Late na. Baka hinahanap na ako nila mama" paalam ko sa kanya.
"Hatid na kita. Wala din naman akong gagawin" muling nakangiting sabi niya sakin. Wala na akong nagawa para tanggihan siya. Naglakad lakad kami hanggang sa makasakay kami ng tricycle. Tawanan nga kami ng tawanan dahilan para maya't maya ay mapatingin samin ang tricycle drive na nasakyan namin.
"Kuya bayad po" sabi ko sunod nun ay ang pagbaba namin ni Gab.
"Sobra po ito -"
"Malulugi ka kuya. Keep the change na rin" ngiting sabi ko nung aktong magsasalita pa sana si Kuya.
Sinabayan pa rin ako ni Gab hanggang sa makarating kami sa harapan ng bahay namin.
"Paano? Bukas nalang ulit. Salamat sa paghatid ha..." sabi ko sa kanya nung nasa pintuan na ako ng bahay namin.
"Sigurado ka bukas ulit?" tanong ni Gab.
"Oo naman. Nasa iisang school lang tayo e" sagot ko.
"Ingat ka pag-uwe ha.. Thank you ulit" bilin ko kasunod nun ay ang pagpasok ko sa loob ng bahay namin.
"Ginabi ka ata Kelly. Saka sinong kausap mo sa labas?" tanong ni mama na biglang sumulpot sa harapan ko.
"Si Gab po. Schoolmates ko. Tara na ma. Dinner na tayo" malawak na pagkakangiting yaya ko kay mama dahilan para mapailing nalang si mama.
Author: Like and Comment po. Thank You :)
BINABASA MO ANG
LIGAW
Mystery / ThrillerHi! Pasensya na po at inaayos ko pa ang AMKB Book Series. Habang inaayos ko po ay ito muna ang inyong basahin (Please support) Thank You Thank You.