Flashback cont.
Marami na akong napagtanungan ngunit halos lahat sila ay hindi kilala ang pangalang binabanggit ko. Hanggang sa hindi sinasadyang makasalubong ko si Mang Karding. Janitor dito sa eskwelahang pinapasukan namin at halos dito na tumanda.
"Mang Karding..." pagtawag ko sa pangalan niya.
"Ano iyon iho? Aba'y bakit nandito ka? Walang pasok ngayon" bating tanong niya sakin.
"Mang Karding diba matagal na kayo dito sa school na 'to?" pagsisimula ko.
"Oo iho. Dito na ako tumanda. Kaya hindi ko nga magawang iwanan 'tong paaralan na ito" sagot niya at naupo sa tabi ko.
"Mang Karding may kilala ho ba kayong Gabriel D. Torres?" lakas loob kong tanong sa kanya. Napansin kong nag-iba ang pustura ni Mang Karding at umayos ng pagkakaupo.
"Saan mo narinig ang pangalan na iyan iho?" seroyong tanong niya sakin.
"Napulot ko po kasi ito" kasunod nun ay ang pagpapakita ko ng panyo na may nakaburdang pangalan na Gabriel D. Torres.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit nakita kitang pilit binuksan ang guidance office nung sabado?" tanong ni Mang Karding. Hindi na ako nakapagsagot pa. Buong akala ko ay walang nakakita sa ginawa ko nung sabado. Hindi pala ako naging maingat.
"Sinumbong nyo po ba ako Mang Karding?" balik tanong ko naman sa kanya. Umiling lang si Mang Karding dahilan ng pagkawala ng bagabag sa isipan ko.
"Ilang taon na rin ang lumilipas. Mas malaki pa ang sakop nitong eskwelahang ito. Dalawa kaming janitor na nagtatrabaho dito. Ako ang nakaassign sa building na iyon" kasunod na pagturo niya sa abandonadong building.
"At dito naman si Roy" tukoy naman ni Mang Karding dito sa area ng mga classrooms namin.
"Palagi kong nahuhuli si Gabriel na nakikipagkita sa isang babae sa rooftop. Palagi pa nga niya akong binibigyan ng merienda para hindi ako magsumbong sa mga teachers nila. Masayang masaya si Gabriel kapag kasama yung nobya niya. Tuwing alas tres ng hapon nakikita ko silang pumapanik sa rooftop" mahabang kwento ni Mang Karding.
Mang Karding napakasaya ko ngayong araw na ito. Nagpropose ako kay Cindy. Nangako siyang hindi niya ako iiwan. Nangako siya. May usapan kaming lalabas mamaya. Sigurado ako kapag nakita niya akong gamit ang bagong sasakyang binigay sakin ni Daddy. Sigurado akong matutuwa siya sakin.
"Kwento niya sakin yan. Bakas na bakas ko ang pagkasabik niya nung mga oras na iyon. Napakasaya ni Gabriel" pagpapatuloy sa kwento ni Mang Karding.
"Habang patuloy siya sa pagkukwento ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Napansin kong may namumuong luha sa magkabila niyang mata. Wala na akong narinig pa sa kanya dahil mabilis siyang bumaba ng building." dugtong ni Mang Karding at napatingin siya sa rooftop ng abandonadong building.
"Anong nangyari pagkatapos nun Mang Karding?" interesado kong tanong.
"Simula non ay hindi ko na siya nakita" malungkot niyang sagot.
"Madalas may mga naririnig ingay sa rooftop. Boses, pagbagsak ng kung bagay, sigaw o kung ano ano pa. Iniisip ko nga na si Gabriel iyon pero kapag sinusubukan kong buksan ang pintuan sa rooftop ay ayaw iyong bumukas. Kahit na anong gamit ang gamitin ko ay hindi iyon bumubukas.
"Bakit naman po inabandonado yung building? Diba maayos pa naman po ang mga classrooms?" dugtong na tanong ko.
"Isang araw ng sabado ay nagpumilit si Roy na siya daw ang maglilinis sa building na iyan. Hindi sana ako papayag pero mapilit siya. Dinala ni Roy ang kasintahan niya sa building na yan. Base sa nakakita ay nakarating hanggang sa rooftop ang dalawa. Hindi nga ako naniniwala dahil kahit ako ay hindi ko mabuksan ang pintuan doon kaya paanong makakarating sila don. Kinabukasan ay nakita nalang si Roy at ang kasintahan nitong wala ng buhay. Ang kwento ay sabay daw tumalon ang dalawa mula sa rooftop" mahabang kwento ni Mang Karding na nagbigay sakin ng kakaibang kilabot.
"Mang Karding pasensya na po at kayo lang ang maari kong mapagtanungan. Saan ko po kaya makikita ang ibang impormasyon kay Gabriel?" lakas loob kong tanong dahil iyon naman talaga ang sadya ko.
"Alam ko may ideya na kayo kung bakit ko po ito inaalam. Nakikita ko po kayong nakatingin sa kaibigan ko na naakyat sa rooftop at sigurado po akong pareho tayo ng iniisip Mang Karding" walang halong takot na dugtong ko.
"Sa abandonadong building sa ikaapat na palapag dulong kanan, doon ang dating guidance office ni Mrs. Trinidad. Sigurado akong nandon lahat ng hinahanap mong impormasyon" nasisigurong sagot sakin ni Mang Karding.
"Eto ang susi ng gate. Mag-iingat ka"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis na akong umuwe para maiayos ang mga gagamitin ko. Sinadya kong puntahan si Yuna upang matulungan niya ako. Hindi ko na muna sinabi sa kanya ang mga nalalaman ko dahil baka mapanguhan siya ng takot.
Author: Vote and Comment po. Thank You :)
![](https://img.wattpad.com/cover/362836314-288-k590536.jpg)
BINABASA MO ANG
LIGAW
Mystery / ThrillerHi! Pasensya na po at inaayos ko pa ang AMKB Book Series. Habang inaayos ko po ay ito muna ang inyong basahin (Please support) Thank You Thank You.