Kapitulo 17

828 27 3
                                    

Now that my feelings for Kalon were out in the open, we spent more time together. After no'ng Friday na kumain kami ng meriyenda matapos niyang aminin na gusto niya ako, nanood kami ng sine. Tapos, lagi na kaming nagmemeriyenda. Walang palya. Mas madalas na rin siyang mag-aya ng videocall. We turn our videos on and study at night. Dalawang linggo na ang nakalipas.

Parang mas naging puno ang schedule ko.

Dumami ang mga bagay na nilo-look forward ko.

Dumami rin ang dahilan ng pagngiti ko.

Right now, I am in my last class, waiting for the bell to ring so that I can go and eat with Kalon again.

"Don't forget to study for the quiz next week, guys. It's a tough one, 30 items." My professor announced while everyone began to put their things in their bags.

"How long can we take it, Sir?" a classmate of mine asked. "Only for 20 minutes, so study for it."

Pagtunog ng bell, I was the first to go out. I walked towards the gate of the campus and exited. Today, I was going to eat tacos with Kalon. Something light since we'll eat in Ugbo later tonight. Hindi pa raw siya nakasusubok na kumain do'n, kaya naman inaya ko siya. 

Nalaman ko lang ang Ugbo dahil sa Tita ko, ang kapatid ni Mommy. Laking Maynila kasi si Mommy at mga kapatid niya, kaya medyo marami akong alam din dito. Si Daddy ay taga-Pasay talaga. Pero dito sila ni Mommy bumili ng bahay dahil mas malapit dito ang dating trabaho ni Mommy.

Si Kalon kasi ay taga-Taguig talaga, kaya hindi siya maalam sa Maynila. He told me he just knew that Tondo had a sketchy image, but he's always been curious about it. 'Tsaka, dati niya pa raw gustong makapunta sa lugar na tulad ng Ugbo dahil kilala ang Maynila bilang spot ng iba't ibang masasarap na kainan. He said he's been to Binondo once, but he never got to try a lot of foods since he went there after lunch.

Plano ko siyang ayain sa Binondo sometime after this, tapos sa Intramuros para makasakay siya ng karuwahe. Hindi pa raw siya nakasasakay ng gano'n, e.

I arrived at the place Kalon and I talked about and waited for him. Nakita ko ang mensahe ng mga kaibigan ko sa GC, kaya binuksan ko iyon.


Quatro 🏹

Dominique: you guys wanna drink?

Wren: yes, when

Magnus: tonight

Wren: huh, no, i have a dinner to go to

Amy: can't, studying for finals

Magnus: tonight na, after that dinner, birdy

Wren: sunduin mo ko

Magnus: grab

Dominique: @MJ? you down?


I texted back and talked with them for a bit.


MJ: can't, dinner w Kalon

Wren: grabe, you've been solo with him palagi

Magnus: oo nga, kami naman

Dominique: sama mo, mj

Wren: omg, good idea!!

Dominique: tonight na ah?

Magnus: grab ka na lang, birdy

Wren: ayaw

Magnus: arte

MJ: we'll go to ugbo, so we can't drink

Dominique: oh? don na lang kaya tayo hahaaha

Jump From the Air (Erudite Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon