Kabanata 1 : Lunchbox

725 27 59
                                    

Luella's POV

"May assignment ka na ba? Pakopya naman, Luella. Nakatulog kasi ako kagabi eh,"

"Talaga, Janice? Ayaw mo lang talagang sagutan 'yon,"

Napakamot siya sa kanyang noo. Umaasa na pakokopyahin ko. Ke-ganda ganda ng babaeng 'to, tamad nga lang gumawa ng assignment. Pang-ilan niya na 'to, para siyang si Rain Celeste, tamad gumawa ng mga takdang aralin. Kung ako sa kanila gayahin nila ako, hindi lang maganda, scholar, kundi matalino din. Perfect na perfect! Itong si Janice, ganda lang yata ang ambag n'ya, chos! Matalino naman siya. Tamad lang talaga.

Lagi n'yang bini-bwesit si Wade sa kabilang building, which is ang Law building na katabi nitong building namin. Kaklase ni Wade ang isa sa mga Campus Princes na si Davian Terron Salvatore. Matagal ko nang crush 'yon, since hayskul. Nga lang, hindi ako pinapansin, minsan napapansin pero iritado at galit naman lagi ang mukha. Imbes na umatras, sinawalang bahala ko na lamang at mas lalo pa siyang ginalit. Tigas kasi eh.

May ginawang kasunduan ang pamilya namin. Kasunduang kinatawa ko nang todong-todo at kinagalit naman ni Davian. Hindi naman halatang hate na hate n'ya ako, noh? Kulang nalang hawakan ako nu'n sa braso at itulak palabas ng mansyon. Pero asa naman siya. Simula ngayon...sa mansyon n'ya na ako titira at aaktong asawa n'ya sa papel. Tapos. Wala siyang gusto sa akin. Mamamatay daw muna siya bago n'ya ako magustuhan. Tinawanan ko lang siya. Asa namang magpapakamatay iyon.

Lagi kaming nag-aaway sa loob ng mansyon, kulang nalang sigawan kami ni Aling Waning dahil sa bangayan namin. Mapa-umaga o gabi man 'yan. Walang katapusang bangayan. Ang arte arte kasi.

Sabi ni Lola, pagmamay ari ko na rin daw ang mga gamit sa mansyon kaya hinawakan ko lahat at hindi sinadyang nahawakan ang gitara ni Davian. Galit na galit ang lolo n'yo, muntikan pa akong bangisan, mabuti nalang nakita ni Aling Waning at pinigilan kami.

Kitang-kita pa ang mga ugat n'ya sa noo.

Galit na galit usto manakit.

Napag-kasunduan din namin ni Davian na huwag ipagsabi ang tungkol sa aming dalawa. Akala mo talaga may kami e. Habang nasa Dreamweaver University kami, kunwari hindi namin kilala ang isa't isa kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko maiwasang hindi magpapansin kaya hanggang Dreamweaver inis na inis siya sa akin. Laging umiiwas kasama 'yong childhood friend n'ya kuno na si Stella. Mas maganda pa nga ako du'n, malaki lang ang hinaharap n'ya. Matangkad, mas maputi at mas maganda naman ako kumpara sa laking probinsya na babaeng iyon. Nakilala daw ni Dante sa Isabela. Doon siya lumaki kasama ang nakakatanda n'yang kapatid na si Pierson Maxrill Salvatore, kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa BGC kasama ang girlfriend nitong si Hiraya. Shocks! Sinong hindi makakilala sa babaeng iyon? Heller! Founder siya ng Thread & Treasures, kilalang brand iyon sa buong bansa, hindi lang Pilipinas, buong world talaga. She's also pretty! May fashion sense siya. Gaga, fashion designer nga pala siya.

Balik tayo kay Davian Terron Salvatore. Super rich nila, ako lang ang hindi pero maganda at matalino naman kaya bawing-bawi na. May mga negosyo sila dito sa Manila ganun din sa Isabela kung saan sila lumaki. Pinamumunuan ni Pierson ang mga negosyo nila doon habang pinapatakbo naman ng palihim ni Davian ang Hospital na iniwan ng kaniyang Lola bago ito namatay last year. Hindi lang si Davian ang binigyan niya ng responsibilidad, may iniwan din siya sa akin. Kapag nakapagtapos kami ng pag-aaral ni Davian, ako daw ang mag-aasikaso ng kanilang Hospital.

Lola talaga eh. Isasama pa ako sa kamalasan ng buhay ni Davian. Chos!

Syempre, hindi natuwa no'ng una si Davian, akala n'ya inaagaw ko lahat sa kaniya. Pinaliwanag sa kaniya ni Aling Waning ang lahat, hindi lang Hospital ang hahawakan n'ya kundi ang buong lupa nila sa Tagaytay. Yayamanin talaga. Ibibigay din sana ni Lola sa kaniya ang maisan sa Isabela ngunit tumanggi siya. Ayaw n'yang manatili ng pansamantala o matagal sa Isabela. Mas gusto n'yang magtrabaho sa New York, Canada at Maynila. Abay ewan ko, chismosa lang.

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now