Kabanata 12 : Question

286 10 0
                                    

Luella's POV

Hindi ko na masundan ang ganap sa pageant. Bihis doon, bihis dito, takbo dito, takbo doon. Halos isumpa ko na si Madam Kaj dahil ngayon lang ito dumating. Sa last hirit pa talaga ng show. Na-traffic daw siya at may magnanakaw daw na nakapasok sa sasakyan n'ya. Tinanong namin kung nahuli ba, sinagot n'ya kami ng hindi. Hindi n'ya pinahuli, sa halip hinatid n'ya ito sa tinutuluyan dahil nawalan daw ito ng malay.

Magnanakaw ba talaga 'yon? Baka na love at first sight siya kaya n'ya pinakawalan. Hoay! Ang landi ni accla.

Imbes na sumama ang mukha nina Janice at Klane, binati nalang nila ng nakangiti si Madam Kaj. Putcha! Ang pogi! Kung hindi lang bakla 'yon, siguro matagal ko nang naging jowa 'yon. Charot!

So, ayun, siya na ang gumalaw. Siya na ang nag-ayos at naghanda ng mga damit namin ni Klane. At masasabi kong tunay na magaling nga talaga siya. Professional ang accla. Naka-all pink pa ito kanina sa backstage. Litaw na litaw, papansin ang ang atake. Ngayon naka-black na siya kesyo intense part na raw ito ng pageant.

Nakatayo silang tatlo sa gilid, mariing pinapanood ang mga contestants. Lalo na kaming dalawa ni Klane na halos mabaliw na sa kabang naramdaman. Akala mo talaga seryosong tao 'to si Klane e, pero sa nakikita ko ngayon...kinakabahan din siya.

Sino namang hindi? Ikaw ba naman titigan nina Farrah, Janice at Madam Kaj, makangiti ka pa kaya? Halata pa sa mukha ni accla na competitive din siya. Ayaw patalo.

Nakaka-pressure siya sa totoo lang. Parang nanay mo na nay dalang pamalo kapag hindi ka nakinig sa kaniya. Nakakaloka.

Since ito na ang huling stage ng pageant. Ang totoong question and answer. Medyo intense na talaga 'to. Nasa likuran kaming dalawa ngayon ni Klane, naghihintay na matapos ang unang kapares. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil ito na ang huling show at paniguradong mas mahirap na ang tanong sa puntong ito.

Kalma, Luella. Matalo man o manalo, tatanggapin ko-hindi! Kailangan naming manalo! Gagawin ko ang lahat maipanalo lang ang unang pageant na ito.

Ayokong umuwing walang korona sa ulo. Ipagmayabang ko pa 'yon kay Dante at Aling Waning. Tahimik lang 'to pero kaya nitong rumampa sa maraming tao habang naka 6.5 heels. Chada!

"Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin ang galaw mo. Kalma lang," mahinang tawa ang kumawala sa bibig ni Klane.

Sinamaan ko siya ng tingin kasabay nang pagtawag ng emcee sa amin.

Napalunok ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Klane habang tinatahak namin ang daan papuntang harapan. Ngiting-ngiti naman ang accla na para bang natutuwa sa kabadong mukha ko.

Nang nakalapit, binigay sa amin ng emcee ang microphone. Kinamusta n'ya muna kami saglit, pero hindi na talaga makangiti ang labi ko. Nanginginig na ito ngayon, gusto nang tumalon ng puso ko.

"Nandyan pa ba ang college of medicine!"

"OO! MANANATALI HANGGANG SA MATAPOS ANG SHOW! GO NUMBER TWO! GO, ROSE AND KLANE! WE ARE THE SAVIOR! WE ARE FROM THE COLLEGE OF MEDICINE!"

"Gutom na po kami! Kailan ibibigay ang meryenda?!"

"Akala ko tapos na ang show. Ang tagal kasi ni number one e!"

"Parang may gumising sa natutulog kong diwa. Ang ganda mo, Luella!"

"Hindi talaga papatalo ang college of medicine, partner,"

"Kaya nga, partner. Biglang umingay nang nakitang rumampa ang kanilang pambato ngayong gabi!"

Hinarap kami ng dalawang emcee. "Handa na ba kayo?"

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now