Kabanata 2 : New Guy

499 22 60
                                    

Luella's POV

KINAUMAGAHAN mabigat ang pakiramdam ko. Parang pasan ko ang problema na kinakaharap ngayon ni Maria, 'yong sikat na influencer na biglang nag-viral dahil sa content nitong malalaswa. Kakaloka.

"Umaga na pala..." wala sa sariling sambit ko. Inangat ko nang dahan-dahan ang aking ulo upang salubungin ang liwanag na nagmula sa aking bintana. Sariwang-sariwa pa ang araw.

"Umalis na kaya si Dante?" muli ko na naman naramdaman ang pait sa aking lalamunan. Imbes na alalahanin ang nangyari kahapon, sinawalang bahala ko na lamang, sa halip ay inayos ang kumot at unan sa aking paanan.

Wala parin sana akong balak bumangon ngunit ako'y napabalikwas nang maalalang may assignment pala ako na ipapasa ngayong araw. Shocks! Sa unang subject ko pa. Lagot, wala pa akong nasagutan. Hindi ko pa nabuksan ang pdf na ni-send sa gc. Bigla kasing bumagsak ang katawan ko kahapon, pagod na pagod. Mabuti nalang hindi ako ni-sermunan ni Dante. Mukhang wala pa naman sa mood ang Lolo ninyo.

"Anong oras na ba? Bakit hindi ako kinatok ni Dante? Ugh! Hanggang ngayon galit parin siya sa akin. Pasalamat ka, pogi at crush kitang bakulaw ka. Palalampasin ko 'yung ginawa mo kahapon, hindi naman masyadong masakit," bumuntong hininga ako.

Sinubukang igalaw ang katawan ngunit
hindi ko maigalaw ng maayos ang dalawang kamay, para akong nawalan ng lakas. Gosh! Anong gagawin ko. Tatawagin si Aling Waning? Argh. Lalagnatin yata ako, ah.

Nabasa kasi ako ng ulan kahapon. Dinama talaga ang bagsak ng ulan habang yakap si Janice. Speaking of? Kamusta kaya ang bruhang 'yon, nagkasakit din kaya?

Inabot ko ang cellphone sa tabi ko at hinanap ang pangalan ni Janice sa messenger ko ngunit mabilis na kumunot ang noo ko nang biglang umingay ang group chat namin sa unang subject. Ano na namang kaguluhan 'to? Huwag mong sabihing may ipapagawa na naman si Sir? Jusko naman, sana wala.

Binuksan ko iyon at unang bumungad ang pangalan ni Janice na mukhang kakagising lang din dahil sa emoji nito. Nakasaad sa group chat na walang pasok sa unang subject kaya wala ring pasahan ng assignments. Babalik daw next week si Sir, may aasikasuhin lang sa La Trinidad.

Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi. Pinindot ko ang pangalan ni Janice na mukhang tuwang-tuwa din sa balita. Binati ko siya ng magandang umaga at tinanong kung masama ba ang pakiramdam niya.

Mabilis naman n'yang ni-seen ang mensahe ko at sinagot na medyo mabigat ang pakiramdam n'ya, siguro dahil sa ulan kahapon. Ni-english pa ako ng gaga, akala mo talaga kung sino e. Pero may lahi talaga si Janice, ganda e. Bagay na bagay sa kaniya ang in born n'yang dark brown na buhok at mukha n'yang parang model. Wala nga lang siyang pakialam sa mukha n'ya. Ewan ko ba. Basta mas maganda ako, angat lang siya ng 5 percent sa akin. At isa rin ako sa most beautiful faces ng Dreamweaver, ano. Hindi nga lang nangunguna.

Binaba ko ang cellphone saka dahan-dahang bumaba ng kama. Binuksan ko ang dalawang binata sa aking kwarto, revealing our kapitbahay na sobrang yayaman din. Nasa isang subdivision kami ngayon, tinatawag itong Grand View na pagmamay ari ng mga Santford. Halos mayayaman ang nakatira dito, marami ring poging nagjo-jogging sa labas kaya laging maganda ang gising ko.

Ikaw ba naman pakitaan ng abs sa umaga, hindi kaba matutuwa niyan? Lalo na kapag si Dante tatakbo sa labas, hindi lang laway ko ang tutulo, lalaglag din ang panga ng mga kapitbahay namin, at nakakainis na panoorin iyon. Syempre, gustong-gusto naman ng Lolo Dante n'yo, nagpapasikat pa. Sa akin, sobrang cold at suplado n'ya, sa iba mabait. Mapagpanggap talaga.

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now