Kabanata 8 : Defender and Savior

335 8 4
                                    

Dream.

***

"So, hindi ka pupunta ngayon dahil bibisitahin mo si Dante? Ang sweet mo namang girlfriend, Rose," sarkastikong tumawa ang gaga sa kabilang linya habang naririnig ang tunog ng mga machine sa loob ng kwarto.

Nasa bahay ako ngayon, nag aayos. Katatapos lang ng shift ko sa ospital. Napagpasyahan kong puntahan si Dante sa kanyang condo unit dahil nabalitaan kong paminsan nalang daw itong kumakain dahil sa kaso ni Stella na ngayo'y hawak n'ya. Hindi nga sana n'ya hahawakan ang kaso ng babaeng 'yon ngunit pinilit ko siya. May tiwala sa kaniya si Stella at paniguradong aamin iyon kay Dante.

He decided na manatili muna pansamantala sa Tagaytay para mas lalong matutukan ang kaso ng kaniyang kaibigan at para na rin hindi ako madamay sa anumang alitan nila. Stella was involved in a murder. Siya ang inakusahang pumatay sa ina ni Hiraya Cristiana Corazon, kasabwat nito si Ella na naging ex kalandian ni Pierson noon.

Galit na galit si Hiraya nang nalaman niya ang nangyari sa kaniyang ina. At mas lalo pang namuo ang galit nang nalamang si Dante ang hahawak ng kaso ni Stella. I feel sorry for her, gusto ko din naman makamit ang hustisya pero walang kasalanan si Stella. Hindi n'ya iyon gagawin sa ina ni Hiraya. I was with her that night, nag-uusap kami sa isang coffee shop sa BGC. She was with me the whole night. Nangyari ang pagpatay noong gabing din 'yon, eleven pm. Natagpuang maraming saksak sa dibdib ang ina ni Hiraya habang tulog ito sa sariling bahay sa Isabela.

She has nothing to do with this, that's why pinilit ko si Dante na hawakan n'ya ang kaso ni Stella. She was scared, hinahanap siya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon. Ayaw parin itigil ni Hiraya. Galit na galit ito, dumating na sa punto na kinamumuhian nito ang mga Salvatore.

Masakit din para kay Pierson ito.

Ulit. Nawalan na naman siya ng mahal sa buhay at involved na naman ang mga Salvatore. I'm sorry. Ayokong mangialam sana, pero naging kaibigan ko na si Stella at wala siyang ginawang mali sa gabing iyon. I can be her witness if needed.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binaba ko ang hawak na cellphone at kinuha ang itim na jacket sa kama. Bibisitahin ko muna si Dante, baka pinapabayaan na non ang kaniyang sarili. Malalagot talaga siya sa akin.

"Aalis na po ba kayo, Ma'am?"

"Yes, manang. Baka bukas pa ako makakabalik. Pakisabi kay Mama."

Tumango ito. "Mag-iingat ka po, Ma'am."

Lumabas ako ng mansyon, tinungo ang garahe upang ilabas ang sasakyang gagamitin ko ngayon. Napili kong gamitin ang ford ni Dante, mabilis iyon sa biyahe at panigiradong hindi ako matatagalan.

Habang sa kalagitnaan ng biyahe, hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Alam kong masakit kay Hiraya ang nangyari sa kaniyang ina pero wala siyang sapat na ebidensya na akusahan si Stella. Mahirap lamang sila at walang sapat na pera para magbayad ng mga tao para gawan ng masama ang kaniyang ina.

Hindi rin sila magkakilala, so bakit si Stella ang dinidiin ngayon? She can't even defend herself! Kung ako kay Hiraya, pagtuunan n'ya ng pansin ang totoong may sala, hindi 'yung porket magkasama sina Ella at Stella ay siya na ang may kasalanan. Damn it!

I can't just sit and wait here habang involved si Dante sa kaso ni Stella. He's in danger din. May patayang naganap kaya hindi ito basta-basta. Dante had been acting strange lately. Nag-aalala ako, minsan niya na lang din sinasagot ang mga tawag ko.

It was already late. The Sky was bruised purple and the hallway was quite. Ang tanging nagsasahi lamang ng tunog ay ang aking mga paa. I reached Dante's door, my hand hovering over the knob. It was unlocked.

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now