Kabanata 20 : Promises

202 5 0
                                    

Luella's POV

Awkward akong natawa. Maarte kong iniwas ang kaniyang dalawang kamay sa akin at tinawanan muli siya. Salubong naman ang kaniyang kilay. Mukhang nawi-werduhan sa akin.

Patawa kasi e. Siya, magkakagusto sa akin? Sa pagkakaalam ko hindi n'ya ako type ah. Anong klaseng hangin kaya ang pumasok sa utak nitong si Dante?

"Gutom kaba?" natatawa kong tanong, pero deep inside umaasa na totoo 'yung sinabi n'ya.

Umiling-iling siya. Parang hindi  makapaniwala sa naging reaksyon ko. Hindi naman kasi kapani-paniwala. Davian Terron Salvatore, magkakagusto sa akin? Baka panagip lang 'to ah. Ayokong umaasa kaya huwag n'ya akong ini I-echos.

"What?"

"I'm not hungry. Baka ikaw?"

Napanguso ako. "Oo kaya manahimik ka riyan at huwag mo akong kakausapin."

"Anong silbi ng bunganga mo kung hindi ka magsasalita?"

"Anong silbi ng sinabi mo kung wala namang katotohanan? You're just mad at me, Dante. Papaanong nagkagusto ka kaagad?"

Inirapan ko muli siya. Ilang araw kaming hindi nagpapansinan tapos ngayon sasabihin n'yang gusto n'ya ako? Is he playing with me? Higanti n'ya ba ito sa ginawa ni Luna sa kaniya noon? Pwes, hindi ko siya hahayaan.

Pero tangina...paano naman itong nararamdaman ko? I like Dante. Oo matagal na, noong una kaming nagkita. Hindi naging madali ang lahat sa amin, marami akong pinagdaanan bago kami nakarating sa ganito. Ang hirap-hirap n'yang pakisamahan sa totoo lang. Suplado, masungit at maarte. Kung hindi lang 'to gwapo baka noon ko pa tinakbuhan. Chos! Wala na akong mauuwian. Sa isang Salvatore lang babagsak.

"I'm not mad at you. I'm mad because you're thinking too much! I know you're not yet ready to face the truth, so don't fvcking push yourself and focus on your studies. May kasunduan kayo ni Lola kaya imbes na alamin ang buhay ng ibang tao, focus on yourself." Mahabang lintanya n'ya. Bakas ang inis habang binabanggit n'ya ang bawat salita.

Hindi ako nakasagot kaagad. Pinili ko na lamang manahimik at abalahin ang sarili sa panonood ng mga puno sa labas imbes na gatungan ang sinabi n'ya. Totoo naman kasi na may kasunduan kami. Ano namang sasabihin ko? Na handa na ako sa katotohanan? Yes, hindi pa ako handa pero kailangan kong malaman lahat dahil umaasa ako na buhay pa ang kambal ko. Alam kong impossible sapagkat ilang taon na ang lumipas ngunit ako'y nagbabakasakali padin na buhay siya at babalikan n'ya ang kaniyang sariling pamilya. How about Dante? Mahal n'ya parin ba ito?

Napanguso ako. Ang dami n'ya namang lalaki. Isa rin 'tong si Dante, daming umaaligid na babae. Araw-araw ko na yatang nakikita.

Nakakaloka.

"Saan ka pupunta?" tanong n'ya nang bumaba ako malapit sa isang pharmacy. Sinabihan ko kasi kahapon si manong na may dadaanan ako.

"Bibili ng gamot,"

"Para saan? Are you sick?" kunot noo na tanong n'ya.

"I'm not. Hintayin n'yo ako dito, mabilis lang 'to." Sagot ko at lumabas na ng sasakyan ngunit nagulat ako nang maramdamang bumaba din si Dante.

"Anong ginagawa mo? Sabi ko hintayin n'yo a—"

"The NC is near here. Sasamahan na kita,"

"I'm fine, Dante. Hindi na ako babalik sa NC!"

Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Hinding-hindi na talaga! Now, hayaan mo akong samahan ka."

Wala na nga akong nagawa nang humakbang ito. Siya na ang naunang pumasok sa pharmacy habang nakapamulsa. Edi siya na rin ang bumili, nahiya pa e.

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now