Kabanata 15 : Luna

301 7 0
                                    

I woke up because of the sound of my cellphone. Kanina pa ito tumutunog pero ngayon ko lang pinansin. Inaantok pa kasi ako e, pambihira naman. Nakatulog ako sa sahig malapit sa kama dahil sa kakaalaga kay Dante. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata, napadaing ako nang biglang kumirot ang balikat ko. Pucha. Hindi ako komportable sa posisyon ko. Damot kasi ni Dante e, hindi ko naman siya gagapangin.

Anong oras na ba?

Nabaling ang tingin ko kay Dante na kasalukuyang natutulog ng payapa. Nagpakawala ako ng hininga, nagpasalamat that he was still sleeping peacefully. Nag-alala ako kagabi sa kaniya, mas lalo kasing tumaas ang lagnat n'ya. Mabuti nalang may experience na ako sa mga ganito at isa akong doctor, ano ba! Char, soon.

Dahan-dahan akong tumayo, nagpasya na tingnan ang kalagayan n'ya. Lumapit ako sa kanyang kama to check if he's okay. His face was red, but he seemed more comfortable now. I reached for his forehead and cupped it to see if his fever was still high.

Nagulat ako nang unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata, revealing his blue eyes.

Napalunok tuloy ako. "Hey," bati niya sa super hot na boses. "What are you doing?"

"Ni-check ko kung bumaba na ba ang lagnat at init ng katawan mo." sagot ko. My hand is still resting on his forehead.

"Masakit padin ba ang ulo mo? Katawan mo?"

He massaged his timple. "No, it's better now," sagot n'ya sa mahinang boses. "Thanks for taking care of me last night."

Tumango ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, umupo sa kaniyang kama at inabot ang cellphone. Binuksan ko iyon habang katabi si Dante na titig na titig sa akin. Paano ko nalaman? Naramdaman ko syempre. Gandang-ganda na naman ang isang Salvatore sa akin.

Binasa ko ang mensahe ni Janice. Kanina n'ya pa pala ako tinatawagan. Sa kaniya nanggaling 'yong nakakarinding tunog kanina na naging dahilan nang pagputol ng panaginip ko.

Hahalikan na sana ako ni Dante, e! Epal talaga.

Napanguso ako. Nagtipa ako ng mensahe. Tungkol sa lesson namin ngayon ang ni-send n'ya sa akin. Wala na namang pasok sa first sub pero may iniwan na gawain ang prof namin na ipapasa raw next meeting. Tuwang-tuwa syempre ang gaga, tumawag e.

"Are you done flirting?"

Unti-unting gumalaw ang aking ulo. Nilingon ko siya. "Flirting?" saka binaba ang cellphone pagkatapos I-send ang mensahe.

Nagkibit-balikat siya. Kinuha n'ya ang kaniyang itim na sinelas sa ilalim ng kama at sinuot iyon.

Mukhang magaling na nga talaga siya. Ang galing ko talaga mag-alaga. Pwede na mag-asawa.

"You were smiling na para bang wala ng bukas. Tss." Suplado n'yang sagot.

Mabilis naman akong umiling. Kanino naman ako lalandi? Wala nga akong jowa e. "Hindi ah! Kausap ko lang si Janice,"

Gumalaw ang sulok ng kaniyang labi. "Talaga? Tapos kana? Pwede kanang lumabas,"

"Sure ka bang wala nang masakit sa'yo?"

"Bakit? Aalagaan mo padin ba ako?"

Nginisihan ko siya. "Of course, Dante! Asawa mo ako e!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na umiwas. Natawa ako ng mahina nang mapansin ang pamumula ng kaniyang tainga. Ibig sabihin, kinikilig siya!

"Hindi daw type ha. Bakit ka namumula? Kinikilig ka 'no?"

He looked at me with disgust. "No way! Lumabas ka na nga!"

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now