Kabanata 14 : Sick

334 12 1
                                    

Luella's POV

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kanina pa ako hindi mapakali. Nasa laboratory kami ngayon. I sat silently while watching my classmates talking with each other. Our professor had left us with an assignment. That is the examination of the human body. He meant closely inspecting the lifeless body that lau before us on the cold steel table.

Binalingan ko ng tingin si Janice. Halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha habang nakatingin sa harapan, sa taong wala ng buhay. Kanina ko pa napapansin ang kaniyang pagkagat sa labi, hindi din mapakali gaya ko. First time n'ya rin kasing makakita ng wala na buhay na tao. Biglaan pa itong activity kaya nakakagulat talaga. Hindi lang kami ang kinakabahan, gano'n rin ang mga kaklase namin.

Ito ang unang gawain namin kay Prof Joey. He's our new professor at isa siyang doctor sa kilalang hospital sa lugar. Ang pogi! Kaya lang umalis siya. Nag-iwan lang ng gawin sa aming harapan. Babalik daw siya mamayang lunch to check our reports. Shit! Nagsimula na ang unang grupo, samantalang kaming dalawa ni Janice, nanigas sa kinauupuan. Narandaman ko na ang pamamawis, punyeta! Ang sarap sarap ng ulam ko kanina sa mansyon tapos dito ako babagsak? Anong connect non, Luella? Nakakaloka. Mukha kasing pork 'yung katawan. Huy! Putlang-putla na 'yung bangkay sa aming harapan, nakalambitin pa ang mga kamay at paa mula sa malaking lamesa.

Dahan-dahan lumapit sina Aia doon. Sinundot-sundot n'ya ang paa ng bangkay. The fvck talaga ang babaeng ito. Bakas sa mukha na hindi siya natatakot.

"Kaya mo na ba?" baling ko kay Janice.

"Puwede naman sigurong umalis, hindi ba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Unang gawain natin 'to kay sir Joey, Janice. Kapag umalis ka hindi kita ililista sa grupo."

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro! Tara na!" at siya na mismo ang humila sa akin papalapit doon sa bangkay.

Napalunok ako ng ilang beses bago naglabas ang notebook. Nilista ko roon ang mga kagrupo ko. Bawat grupo ay may limang members. Kasama ko sina Janice at Aia.

"Malambot naman," rinig kong komento ni Aia.

Nakita ko ang palihim na pagngiwi ni Janice. She followed Aia at sinubukan ding hawakan ang bangkay, pero mabilis ding nandiri. Tumalon-talon pa ito na para bang hindi n'ya na kaya at handa nang mag walkout. Pero hindi n'ya gagawin iyon, hindi ko kasi siya isasali sa grupo kahit kaibigan ko pa siya. This is a group activity and we are tasked to do this. Kung individual ito ay walang kaso sa akin. Sadly, group activity ito. Score ng isa ay score ng lahat.

"Can you believe that is what we're doing for our assignment?" bulong niya, medyo nanginginig pa ang boses. Nasa tabi n'ya si Aia, inaral na ang buong detalye ng katawan. She's really serious about this. Mas mukha pa nga siyang may alam sa amin.

Nagkibit-balikat ako, trying to play it cool even though I was just as freaked out as she was.

"It's certainly a unique experience. At least we'll have a lot to write about in our report."

Tumango si Janice, but I could tell she was still worried. She glanced up at the clock on the wall and groaned. "Ugh! I can't believe we still have hours left to do this! Gusto ko nang kumain sa labas, naghihintay na roon ang siomai at takoyaki ko."

"Hindi naman natin kailangan tapusin ang oras. Patapos naman na ang report natin kaya ayos lang na lumabas ka muna at kumain. Huwag ka lang magtatagal doon baka biglang dumating si Sir at mag-check ng attendance," sabi ko sa kaniya habang inaayos ang papel na ipapasa ng mga ka grupo ko. Maraming mali doon, parang ni eme-eme lang nila ang report. Ang nakagawa lang ng tama ay kaming tatlo. Hindi kasali si Janice na ni-drawing lang ang boobs ng tao. Jusko! Saan ang report doon? Boobs? Nilakihan n'ya pa para daw lumaki ang score namin. Punyeta!

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now