Kabanata 13: Coffee

339 9 1
                                    

"I would believe in her innocence until proven guilty," Dante said firmly. "Hindi ko siya iiwan no matter what the evidence against her might be."

"But what if the evidence was involved? What if your girlfriend confessed to the crime?"

Dante frowned. Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago sumagot.
"Even if the evidence is possible, I would still want to involved in her defense. I want to make sure that she received a fair trial and that her rights were protected. I would do everything in my power to help her. Both as a lawyer and as a boyfriend."

Sa wakas natapos na rin ang pageant. Pasadong alas diyes natapos, marami pa kasing pa-eme eme sa stage. Maraming nagpa-picture sa aming dalawa ni Dante. Hindi ko alam kung natutuwa ba iyon o beastmode na naman. Hindi kasi siya nagsasalita, tango at okay lang ang laging sinasagot. Samantalang ako, masayang-masaya.

Nakatayo ngayon ako sa backstage. Masaya dahil sa wakas nakuha ko ang korona na gusto kong kunin ngayong gabi. "I had promised myself that I would bring home the crown tonight, and now, as I held it in my hands, I couldn't believe na nakuha ko talaga. Sisiw lang daw sa akin 'to ika pa ni Janice. Sarap patusan, kung alam n'ya lang. Hindi madali, nakakangalay at nakakatanggal kagandahan. Kakaloka.

Pumunta sa stage ang mga kaklase ko. Tuwang-tuwa habang nagpi-picture. Nag-usap din kami patungkol sa ganap kanina at hindi daw sila makapaniwala na kaya kong gawin iyon. Tingnan mo ang mga 'to, nambola pa. But still, thankful padin ako sa kanila dahil nanatili sila hanggang dulo.

Nilibot ko ang paningin. Hinanap si Klane. Nakita ko siya hindi kalayuan, nagniningning ang mukha sa kasiyahan. Second place siya, hindi na rin masama sa isang first timer.

Syempre, hindi mawawala si Dante. Siya ang tinanghal na kampeon sa college nila, habang nasa 3rd place naman si Hershey. She looked disappointed. Hindi niya tanggap ang place na nakuha n'ya, umalis siya sa stage pagkatapos tawagin ang pangalan niya. Ni hindi kinuha ang perang napalanunan n'ya. Maybe because, she was embarrassed. Ang daming umaasa sa kanila, lalo na sa kaniya. Kung nanalo siguro siya sa pageant, hindi na siya aapihin ng mga bashers ni Dante. Sadly, she didn't take the crown. Ako ang nakakuha. Sorry not sorry, para talaga sa akin ang korona. Hindi ako magpapatalo, Hershey.

Did I win again? Hmm.

As the excitement of the moment started to fade away, we all made our way to the stage to exchange thanks and congratulations. Worth it ang perang nagastos ni Janice sa akin, sobra pa nga ang perang babalik sa kaniya, hoay! Pero hindi daw siya hihingi dahil pinaghirapan ko naman daw iyon. Sinagot ko naman siyang ililibre ko siya ng kape. Ang gaga, sumagot agad at sumang-ayon. Isasama daw namin si Aia, na kasalukuyang naghihintay daw ngayon sa labas at kanina pa sigaw nang sigaw. Puno na kasi ang gym kaya sa labas siya sumisigaw. Akala ng guard baliw at gustong sirain ang event. Mabuti nalang may dalang ID ang gaga, kahit papano, namukhan. Hayup ka talaga, Aia, nakakabaliw.

Habang pinagmamasdan ko ang mga tao, marami akong nakitang mga pamilyar na mukha. Unti-unti na silang lumisan ngayon sa gym, nagtatawanan pa habang tinataas ang bawat tarpaulin ng bawat department.

The pageant may have ended, but the memories and experiences of this amazing journey would stay with me forever.

"Uuwi kana?"

Inangat ko ang ulo, sinalubong ang nakangiting mukha ni Janice. "Oo. Ikaw? Mamaya ka pa? Nakita ko sa labas si Wade, hinihintay ka yata,"

Umasim ang kaniyang mukha. Padabog n'yang kinuha ang mga ginamit na mga damit kanina sa pageat at pinasok lahat iyon sa malaking paper bag.

"So? Asa namang hihintayin ako non," taray n'yang sagot sabay hila sa malaking paper bag. Muntik pa n'yang masangga si Farrah sa daan, mabuti nalang mabilis itong nakailag. Nakakaloka. Anong problema nito? Parang may something sa kanilang dalawa, ah.

Tumikhim ako habang sinusundan siya. Palabas na kami ngayon ng gym, napagpasyahan namin na huminto muna sa coffee shop diyan sa labas upang magpahinga at mag-usap na rin sa paparating na gawain sa lab next week. Back to normal na naman ang ganap, focus na naman sa pag-aaral ang mga ante ninyo.

Hinawakan ko ang tiyan ko nang naramdamang kumakalam ito. Shit. Gusto ko nang kumain. Kulang pa 'yung meryenda sa loob kanina, hindi nakaka-busog. Burger at tubig lang. Hindi naman sa nagrereklamo, ano. Malaki kasi ang binayad namin tapos burger at tubig lang ang makukuha namin sa ilang oras na pamamalagi sa loob? Nakakaloka ah. Saan napunta ang 500 pesos namin? Sa mga pwet nila? Lagot kayo sa general assembly. Hahanapin ko talaga 'yan sa financial report ninyo, hoay! Issue.

Seryoso ako. Hindi na 'yan makatarungan. Pauulanan ko talaga ng mga tanong si president Dante. Kidding!

Pagkalabas namin ng gym, nadatnan namin sina Wade, Aia at D-Dante? Wait—kasama ko lang 'to sa loob kanina ah. Papaanong nakapunta agad siya rito? Binilisan n'ya ba? Baka na-miss ako. Ayaw pa kasing aminin na type ako, dami pang pa-echos.

Mukhang napansin n'ya naman ang reaksyon ko dahil biglang sumama ang mukha nito. Imbes na sumeryoso, he licked his lips and smirked. Aba, ang landi mo, Dante. Huwag mo akong landiin ngayon, masaya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nabaling ang tingin ko kay Janice.

"Waiting for you. Tapos na kayo? Let's go home."

"I can handle myself, Wade. Mauna kana, may pupuntahan pa kaming tatlo,"

Napansin ko ang pagbaling ng tingin ni Dante sa akin dahilan nang paglingon ko rin sa kaniya.

Salubong ang kaniyang kilay. Para bang tinatanong kung saan ako pupunta.

Napalunok tuloy ako. Dinaan ko sa mahinang tawa ang awkwardness. Mukhang marami yatang madadamay ngayong gabi ah.

"Ah. Magsi-celebrate sana kami. Diyan lang naman sa labas, sa coffe shop ni Andrius," sagot ko. Napansin ang pamamasa ng aking palad.

"Andrius? Bakit ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yan? Is he studying here?"

Ito na naman siya. Dami n'ya talagang issue sa buhay, lahat nalang gustong kilalanin.

"Uuwi na tayo, Janice. Ipagbukas n'yo nalang 'yang kape ninyo. I can make you a coffee if you want," matigas na sagot ni Wade. Mukhang kanina pa pinipigilan ang sarili.

Tumikhim muli ako. Inabot ko ang hawak na paper bags ni Janice at kinuha iyon. Mabilis naman siyang umapila, aabutin n'ya na sana iyon pabalik nang hawakan ni Wade ang pulsuhan n'ya.

Nanlaki ang mata naming dalawa ni Aia. Kanina pa pala 'to sa gilid namin. Hindi man lang umimik. Masaya siguro sa nasaksihan.

"No, Wade! I can go home alone! May driver ako!"

"Wala si Mang Ben ngayon, Janice. He can't fetch you. Let's go home, huwag kanang magmatigas, please. Hindi naman tatakbo ang kape!" tuluyan na ngang umigting ang panga ni Wade.

Hinila n'ya si Janice papuntang parking space habang reklamo nang reklamo naman ang gaga. Tinuro-turo n'ya pa kaming dalawa ni Aia. Umaasa na tutulungan namin siya.

Nakalimutan n'ya yatang kasama ko din ngayon si Dante. Nasa panganib din ang buhay ko.

"Aia...tu—"

"I can make you a coffee too, Luella Rose. Umuwi na tayo."

Nalaglag ang panga ko. "A-Ano?"

Nilingon ko si Aia. Napasapo ako sa aking noo nang matdatnang wala na siya sa aking tabi. Umalis, tumakbo palabas ng gate bitbit ang isang paper bag na nanggaling kay Farrah. Pambihira!

"Hindi naman masarap ang kape nila sa labas. I know how to make a coffee, Luella. Sa bahay kana uminom."

"Paano mo naman nasabi na hindi masarap? Nasubukan mo na ba?" tanong ko sa kaniya.

Huminto siya sa paglalakad. Hinarap ako. "Hindi. Hindi talaga masarap."

"Uy! Baka marinig ka. Ang judgemental mo!"

Tumawa siya ng mahina. "Try my coffee first, then judge it. Compare it to them."

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

The Unwritten Thesis Where stories live. Discover now